It’s Showtime host Jugs Jugueta marries longtime girlfriend Andie Aguirre

Ginanap ang kasal ni Jugs Jugueta sa kaniyang girlfriend at ngayo’y asawa na si Andie Aguirre kahapon, May 30, sa St. Alphonsus Mary de Liguori Parish sa Makati City.


Ikinasal kahapon, May 30, ang It’s Showtime host na si Jugs Jugueta sa kanyang longtime girlfriend na si Andie Aguirre.

Ginanap ang kanilang kasal sa St. Alphonsus Mary de Liguori Parish sa Makati City.

Dumalo sa kasal ang ilan sa malalapit nilang kaibigan, kabilang ang mga kasamahan ni Jugs sa It’s Showtime na sina Kim Atienza, Eric Tai, Ryan Bang, at Teddy Corpus.

Si Vice Ganda ang nagsilbing ring bearer habang si Vhong Navarro naman ang coin bearer. Kabilang naman sa mga abay sina Anne Curtis at Karylle.

Yung ngiti ni VP @jugsjugsjugs

A photo posted by Jose Marie Viceral (@esmeromarie) onMay 30, 2015 at 6:47am PDT

Ilan pa sa kanilang mga celebrity guests ay mga kasamahan ni Jugs sa bandang Itchyworms, Tuesday Vargas, Kate Torralba, at ang director na si Quark Henares.

Ang Boys Night Out DJs na sina Slick Rick, Sam YG, at Tony Toni ang nag-host ng kailang wedding reception na ginanap naman sa The Conservatory of The Manila Peninsula sa Makati City.

Kinilig naman ang guests nang haranahin ni Rico Blanco ang couple ng kanyang kantang “Your Universe,” kasama ang mga Itchywoms, sa reception.

Ganda. @ricoblanco100 serenades the newlyweds #Jugsandandiein2015 #May30withJugsandAndie

A video posted by Cj Rivera (@ceej899) onMay 30, 2015 at 9:41am PDT

Humabol sa wedding reception ang magkasintahang sina Billy Crawford at Coleen Garcia.

Si Jugs ang ikalawa sa It’s Showtime hosts na ikinasal ngayong taon. Una nang ikinasal nitong March si Eric Tai.

February 2014 nang i-anunsiyo ni Jugs at ng kanyang girlfriend sa isang event ang kanilang engagement.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN