Sharon Cuneta to refrain from posting about daughter KC Concepcion on social media

On Facebook, Sharon Cuneta says about daughter KC Concepcion: “...this is the last I will post about her or us, unless it is a good and positive one or something that will require clearing up. God is good. In His time all will be well. God bless us all! Have a nice day! Lots of love to all of you.”


Nakapag-usap kaya si Sharon Cuneta at ang anak na si KC Concepcion tungkol sa post ng Megastar sa “unnecessary too-sexy” photos ng kanyang panganay?

Sa official Facebook account ni Sharon, sinabi nitong hindi na muna siya magpo-post ng kahit ano tungkol kay KC, maliban na lang kung positibo ang sasabihin nito o kung may kailangan siyang linawin na isyu.

Ang post ng Megastar, “I love all my children and though I appreciate all of your comments and your love and concern for me and KC, this is the last I will post about her or us, unless it is a good and positive one or something that will require clearing up.

"God is good. In His time all will be well. God bless us all! Have a nice day! Lots of love to all of you.”

Nitong nakaraang Biyernes, May 29, naglabas ng reaksiyon ang Your Face Sounds Familiar judge nang makita ang larawan ni KC na pinost ng Facebook user na nagngangalang Dany Pascual. Daring ang outfit ng anak sa nasabing larawan.

Read: Sharon Cuneta expresses disapproval of daughter KC Concepcion’s “unnecessary too-sexy poses”


"ONE WHO SEEMS SO FAR AWAY." Sa isa pang mas maagang post, ipinahayag ni Sharon na may nararamdaman siyang kakulangan sa kanyang pamilya sa paglayo ng isa sa mga pinakaimportanteng tao sa buhay niya.

Kasunod nito ay nagpapasalamat siya sa Diyos para sa mga blessings na kanilang natatanggap.

Nagpasalamat dn siya sa kanyang mga tagahanga na patuloy na sumusuporta sa kanya at sa kanilang buong pamilya.

Ang kanyang buong Facebook status:

“It's been quite a day. My graduate [Frankie] is asleep beside her likewise sleeping Daddy, and sister Yellie is on a cot right at my feet, also in dreamland.

“After I write this, I am getting my Miguel from his bedroom and bringing him here, so he can dream his sweet dreams asleep between Daddy and Mommy. Life is good.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Isa na lang sana, sana kumpleto na; then everything, everyone that I love most and who matter the most to me would have been with me here in this little room tonight.

“I thank God for all that He has blessed me with. I thank Him for my husband, my children, our good health, our safety, and His always surrounding all of us with His angels to protect us.

“Everything else I have been so humbled and VERY grateful to have had and experienced in my career thus far has been just a huge surprise, an unbelievable bonus.

“I thank the Lord for my fabulous success at work all these years, but these people here, plus one who seems so far away nowadays...are all that I truly treasure. They are all I would ever need.

“Thank you, everyone. For loving me, for loving the people I love. I thank God for you, too. Very, very much.

“God bless you and sweet dreams! Good night and tons of love always.”

Pinost ni Sharon ang status na ito matapos ang graduation ng anak na si Frankie.


ADVICE FROM FANS. Ilan sa mga tagahanga ni Sharon ay nagbigay ng advice nang i-post ni Sharon ang kanyang opinyon tungkol sa sexy poses ni KC.

May nagsabing matuto sanang mag-“let go” ang Megastar at tanggapin ang paglaki ng kanyang mga anak, maging ang mundong ginagalawan ng mga ito.

Ngunit ayon kay Sharon, hindi naman daw ito ang problema, “Thanks so much, though letting go was never the problem.

“I think it is when they change towards YOU that problems begin.

“And yes, she is an adult now.

“I think adults should know better especially in terms of gratitude and respect, don't you think?

“God bless you! Lots of love.”

Isa pang Facebook user ang nagbigay-payo kay Sharon na huwag hayaan ang mga bashers na maging dahilan upang masira ang relasyon niya sa anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang paliwanag ni Sharon, may iba pang dahilan—at hindi ang mga bashers—ng 'di pagkakaintindihan nila ng anak.

Ang buong komento ni Sharon sa Facebook, “BASHERS have NEVER been the reason for driving a wedge between me and my daughter.

“The reasons are sad and not made public as they are personal and have been going on for way longer than people will ever know.

“Thank you so much for your concern, though.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN