Nora Aunor postpones throat surgery to fulfill showbiz commitments

Because of several showbiz commitments, Nora Aunor decided to postpone her scheduled throat operation to a later date: “July 7 dapat ang alis ko at July 10 ang operasyon, pero sa mga nangyayari ngayon na marami pa akong gagawin, tapusin ko siguro muna itong pelikulang ito at saka ako aalis. Kaya, nandun ako dapat sa August 16.”


Ipinagpaliban ng Superstar na si Nora Aunor ang nakatakdang pag-opera sana sa kanyang lalamunan sa darating na July 10 upang tapusin muna ang lahat ng showbiz commitments niya rito sa bansa.

July 7 sana siya tutulak patungong U.S., pero gusto niya munang mag-attend ng 38th Gawad Urian Awards upang personal na tanggapin ang kanyang Lifetime Achievement Award sa June 16, sa Dolphy Theater sa ABS-CBN.

Bukod sa nabanggit na award ay nominado rin siya bilang Best Actress para sa pelikulang Dementia.

Nakatakda na ring magsimula ang shooting para sa pelikulang Kabisera na intended para sa 2015 Metro Manila Film Festival. Ito ay base sa isang true-to-life story ng isang taga-Batangas.

Dahil sa mga ito, sa buwan ng Agosto na niya planong umalis ng Pilipinas para sa nasabing operasyon.

Bungad ni Nora sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makapanayam siya sa contract-signing para sa pelikulang Kabisera na ginanap sa Victorino's sa Quezon City kahapon, May 30, “Masaya na meron na naman tayong pang-festival na pelikula.

“Naaalala ko dati, dala-dalawa kung gumawa ako ng entries para sa festival.

“Sigurado na maganda ang pelikulang ito.

“Magandang birthday gift ito [sa akin], at saka sigurado na sa parada... actually, dun ako nag-e-enjoy, e.

“Nagtatapon ka ng candies at kung anu-ano para sa mga tao, 'tapos nakikita mo yung mga tao na sumusunod sa karosa.

“At lahat ng mga pelikulang nasasali sa filmfest ay pawang magaganda lahat, kaya walang itulak-kabigin sa ganda.”

Ang Kabisera ay ididirehe ng baguhang direktor na si Florido Real na nagbigay sa atin ng Cinemalaya entry na 1st Ko si 3rd sa ilalim ng Firestarter Productions ni RJ Agustin.

RESCHEDULED SURGERY. Sa puntong ito ay nagpaliwanag siya tungkol sa pagpapaliban ng kanyang pag-alis sa bansa para sa operasyon ng kanyang lalamunan.

Gusto sana ng Superstar na maibalik pa ang kanyang “golden voice.”

Aniya, “Kasi nga, kahit yun ang unang-unang pag-ibig ko, hindi ko magawa hangga't 'di ako nakakapagpa-opera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero tuloy na tuloy na talaga ang operasyon, 'di tulad ng dati na magsasabi ako na aalis, pero 'di naman natutuloy.

“Pero ngayon, kailangang matuloy na.

“July 7 dapat ang alis ko at July 10 ang operasyon, pero sa mga nangyayari ngayon na marami pa akong gagawin, tapusin ko siguro muna itong pelikulang ito, at saka ako aalis.

“Kaya nandun ako dapat sa August 16.”

Sinubukan na ba niyang kumanta on her own, kahit sa kuwarto niya o banyo, para ma-test kung talagang wala na siyang boses?

Giit ng multi-awarded best actress, “Opo, opo. At saka, nami-miss ko na talaga ang pagkanta.

“Pero wala talaga, as in hindi talaga pupuwede.

“Wala na nga sa tono, iisa na ngang tono na lang, pero wala, wala talaga.

“Nakakaiyak!”

GAWAD URIAN AWARD. Samantala, muling napag-usapan namin ang tungkol sa Lifetime Achievement Award na tatanggapin niya mula sa bumubuo ng Gawad Urian.

Aniya, “Hindi nga ako makapaniwala na ako ang bibigyan nila ng Lifetime Achievement Award, and, at the same time, nominado pa rin ako bilang Best Actress.

“Kaya sabi ko nga, 'Puwede na yun? Puwede ba yung ganun tulad ng bigyan ako ng dalawang Best Actress awards?'

“Heto nga lang, iba namang sitwasyon.

“Ah, nakakataba naman ng puso, sa totoo lang.

“Ang pakiramdam ko, nagbunga ang inano ko sa sarili ko pagdating sa pag-arte, na talagang naging seryoso ako sa pagdating sa pag-arte.

“At naging seryoso sa pagiging...bilang isang artista.”

A HARVEST OF AWARDS. Pagbibiro naman ng "Star Patrol" reporter na si Mario Dumaual, ang ganda nga raw ng bagong hobby ni Nora ngayon—ang mangolekta ng acting trophies.

Natatawang reaksiyon ni Ate Guy, “Oo nga, e.

“Hindi na nga magkasya, kailangan na 'atang ilagay na sa isang kuwarto [ang trophies].

“Kung isasama mo lahat-lahat ng mga natanggap kong awards mula noong nag-uumpisa pa lang ako, 'andun yung trophy na mas mataas pa sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minsan nga, kapag ako lang mag-isa, tinitingnan ko ang bawat isang trophy, natutuwa talaga ako.

“Masaya talaga ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN