Angelia Gabrena Ong crowned Miss Philippines Earth 2015

Miss Philipines Earth 2015 Angelia Gabrena Ong (middle) with her elemental court (L-R) Miss Philippines Eco Tourism 2015 Jona Sweet, Miss Philippines Water 2015 Catherine Joy Marin, Miss Philippines Air 2015 Chanel Olive Thomas, and Miss Philippines Fire 2015 Carla Angela Valderrama.


Ipinasa na ng Miss Philippines Earth 2014 na si Jamie Herrell ang korona sa kandidata mula sa City of Manila na si Angelia Gabrena Ong.

Tinalo ng 24-year-old Marketing Management student ng College of St. Benilde ang 37 kandidata mula sa iba’t ibang parte ng bansa para sa titulong Miss Philipines Earth 2015.

Ginanap ang coronation night ng Miss Philippines Earth 2015 kanina, May 31, sa SM Mall of Asia Arena.

Itinanghal naman na Miss Air o first runner-up ang ex-girlfriend ni Jake Cuenca na si Chanel Olive Thomas.

Kasama rin sa elemental court ni Angelia ang Miss Water na si Catherine Joy Marin, Miss Fire na si Carla Angela Valderrama, at Miss Eco Tourism na si Jona Sweet.

Representing the City of Manila, Angelia Ong is crowned #MissPhilippinesEarth2015! Congratulations! #MPE2015

A photo posted by Mall of Asia Arena (@moaarena) onMay 31, 2015 at 7:31am PDT

Si Angelia ang unang sumabak sa question and answer portion ng beauty pageant kung saan tinanong siya ng Kapamilya singer-actress na si Zsa Zsa Padilla kung ano ang tingin nito sa same sex marriage.

Napabilib ni Angelia ang mga judges sa kanyang sagot na: "If the person feels he or she needs to be married to show his or her love, then I don't mind having [same] sex marriage.

"If you feel that that is love, then so be it."

Kasama sa Top 10 sina Jian Cayla Salazar, Alyanna Mikaela Cagandahan, Mitsume Aguilar, Beatrice Alvarez, at Diana Mackey.

Kabilang naman sa Top 15 sina Sofia Loren Deliu, Myle Alexis Reyes, Mhon Theress Menaling, Jocehl Cristoria, at Paris Adele Silva.

Bukod sa korona, isang sponsored award din ang nakuha ni Angelia at ito ay ang Miss Hana.

Ilang kandidata rin ang nakapag-uwi ng special awards. Si Catherine Joy Marin na itinanghal bilang Miss SM Markets, si Maria Loraine Grengia na nakapag-uwi ng Best Eco Video Award, habang nakuha naman ni Paris Adele Silva ang Best in Regional Costume Award.

Bukod kay Zsa Zsa, kabilang din sa panel of judges sina George Reynoso III of Diamond Hotel Philippines; former actress turned politician Cristina Gonzales-Romualdez; National Artist Michael Cacnio; President of Spouses of Heads of Mission Agnes Ventura Roscigno; German Ambassador to the Philippines Thomas Ossowski; Peerless Products Corporation’s Jasper Tiu; SM Hypermarket Senior Vice President Arnold Daluz; at Carousel Productions Executive Vice President and Miss Earth Founder na si Lorraine Schuck.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang former Pinoy Big Brother housemate na si Robi Domingo kasama sina Miss Earth 2008 Karla Henry at Miss Philippines Air 2006 Ginger Conejero ang nagsilbing hosts ng nasabing beauty pageant.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN