Robi Domingo anticipates delay in airing of Pinoy Big Brother because of Toni Gonzaga’s wedding

Robi Domingo anticipates delay in the airing of PBB’s new season because of Toni Gonzaga’s forthcoming wedding: “E, PBB is Toni naman talaga, ’di ba? So you can’t make anyone do the spiels. Wala kaming naiisip na kayang mag-nominate, mag-evict kundi si Ate Toni. Kasi she’s been doing it for how many years now, since 2005, 2006 pa.”


Malaki raw ang posibilidad na maantala ang pagsisimula ng airing ng Pinoy Big Brother (PBB) dahil sa kasal ng main host nito na si Toni Gozaga sa June 12.

Sa June 27 ang napapabalitang umpisa ng PBB, pero malamang ay nasa honeymoon pa no’n si Toni.

Ayon sa PBB co-host ni Toni na si Robi Domingo, hindi rin daw niya alam kung ano ang sunod na magiging kaganapan.

“Ang narinig ko, magpapahinga muna siya for a while,” sabi ni Robi nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa birthday party ng movie reporter na si Rommel Placente na ginanap kagabi, May 30, sa Buloh Restaurant sa may Mother Ignacia Avenue, Quezon City.

“Kaya hindi ko alam kung yung pagbubukas ng Bahay ni Kuya ay mapi-pending o mag-a-adjust.

“E, PBB is Toni naman talaga, 'di ba? So you can’t make anyone do the spiels.

“Wala kaming naiisip na kayang mag-nominate, mag-evict kundi si Ate Toni.

“Kasi she’s been doing it for how many years now, since 2005, 2006 pa.

“Kapag binago ‘yon, ang mga tao magtataka. Siyempre 10th year anniversary 'tapos siya pa yung mawawala.

“Pero sa ngayon, nakahanap na kami ng mga housemates. Na-trim down na ‘yon.

“Kasama po ako do’n sa search. Nag-ikot kami sa buong bansa.

“Nakita ko yung process kung paano talaga kinukuha.

“Everyday ang search na mag-o-open kami ng mga 8 a.m. hanggang matapos po ‘yon na usually umaabot pa hanggang 4 a.m.

“'Tapos kapag nakuha na yung mga puwede sa bawat lugar, immersion na. Aalamin kung interesting ba ang buhay mo na puwedeng makita sa loob.”

MISSING ALEX. Simula na rin ng The Voice Kids, kung saan isa rin si Robi sa mga hosts kasama sina Luis Manzano at Yeng Constantino.

Marami ang nagtatanong kung ano ang dahilan at pinalitan ni Yeng si Alex Gonzaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang alam ko po, kasi nung time na ‘yon na tini-tape na namin ang The Voice Kids, sobrang busy niya sa Inday Bote. 'Tapos may concert pa siya.

“E, parang hindi yata kaya ni Alex. And ako, nalulungkot ako na hindi siya nakasama.

“I mean, you can ask anyone kung sino yung pinakapaborito kong kasama na magsalita, definitely number one na sasabihin ko e si Alex Gonzaga,” pag-amin niya.

IMPRESSED WITH YENG. Kumusta naman ang pakikipagtrabaho niya kay Yeng na siyang bagong co-host nila ni Luis ngayon?

Ayon kay Robi, ‘Working with Yeng is… it’s like family, e.

“Kasi si Yeng Constantino po, second cousin ko. So kapag nagkausap kami parang same tone kami, e. Alam ko na kung ano ang sasabihin niya.

"And coming from a talent search competition [Pinoy Dream Academy], alam niya ang pinagdadaanan ng mga bata.

“Alam niya ang mga ibibigay na advice so nakaka-relate siya sa mga bata na okay na okay.”

Aminado si Yeng na sa una raw ay may pag-aalinlangan ito kung kakayanin niyang mag-host. Ramdam din daw ito ni Robi sa simula ng pagti-taping nila.

“Bilang bago sa The Voice Kids, siyempre may takot siya [Yeng] sa mga coaches, kay Kuya Luis, at sa mga batang i-interbyuhin niya.

“Kasi hindi naman siya talaga nag-i-interview, 'di ba? Instead of presenting people, siya yung pini-present.

“Ngayon siya na ang nagpi-present o nag-i-introduce. Kaya siyempre, added pressure to her.

“But it’s a big challenge na I’m sure kayang i-overcome ni Ate Yeng,” paninigurado niya.

Naka-ilang taping na sila for The Voice Kids?

Saad niya, “For now, tapos na kami ng blind auditions. Nakapili na ng mga bata na sasabak sa battle rounds.

“At yung battle rounds, siguro magaganap this July pa.”

Sa tingin niya, nakapag-adjust at comportable na si Yeng bilang co-host nila ni Luis?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Medyo po. Yes,” dagdag niya.

WORKING WITH JERON TENG. May isa pang show si Robi, ito ang Man Up kung saan kasama niya si Jeron Teng. Kasisimula lang nitong umere last week sa ABS-CBN Sports Action.

Kuwento ni Robi, “It’s a show of sports and action, parang documentary. Alam niyo yung US Girls dati?

“Parang gano’n, na may konting Palibhasa Lalake na touch kasi medyo naughty yung ano, e…”

Unang salang ni Jeron sa hosting kaya binibigyan daw niya ito ng pointers.

Pakli pa niya, “Siyempre I have to tell him, 'Pare ito ang mga kailangang gawin.' At the same time, kapag sa sports naman, marami akong natututunan sa kanya.

“Kasi kahit hindi siya magsalita, alam niya yung mga galaw dahil athlete siya, e.”

Hindi naging mahirap for him na maka-establish ng rapport with Jeron as co-host?

“Hindi naman masyado kasi I’ve worked with an athlete. And I’m in a relationship with an athlete [volleyball belle Gretchen Ho] kaya alam ko ang mga takbo ng utak no’n, e.

“Kailangan palaban. Walang susuko,” nangiting sabi pa ni Robi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN