PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Robi Domingo on girlfriend Gretchen Ho pregnancy rumor: “Ako na mismo ang nagsasabi, imposibleng mangyari.”

Robi reveals Gretchen got jealous when he tweeted about his crush on Jodi Sta. Maria.
by Ruben Marasigan
Published Jun 1, 2015
Robi Domingo denies rumors claiming that girlfriend Gretchen Ho is pregnant: “Sabi ni Gretchen, maybe divine intervention kung mangyari ‘yon, kasi talagang imposible. We respect the sanctity of marriage and yung mga features ng marriage na kailangang nandun. Si Gretchen kasi… sobrang Catholic niyan. At saka Chinese.”

Kamakailan ay may kumalat na balitang buntis daw ang girlfriend ni Robi Domingo na si Gretchen Ho.

Pero hindi naman daw apektado ang dalawa dahil hindi naman totoo.

Pahayag ni Robi nang matanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol dito, “Sabi ni Gretchen, maybe divine intervention kung mangyari ‘yon, kasi talagang imposible.

“Ako na mismo ang nagsasabi, imposibleng mangyari.”

Imposible dahil nag-a-abstain sila sa sex?

“Well, you can say it that way.

“Pero more than that, we respect the sanctity of marriage and yung mga features ng marriage na kailangang nandun.

“Si Gretchen kasi, sobrang Catholic niyan. At saka Chinese.”

Naalarma ba ang parents o ang buong pamilya nila dahil sa tsismis na ito?

Sagot ni Robi, “Hindi, wala talaga.

“Yung alam ko, yung dad niya, iyon ang sobrang naalarma. To the point na kapag pumupunta ako sa bahay nila, nararamdaman ko, e.

“Kapag nagsi-shake hands kami, ang lakas ng grip, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Parang may ipinaparamdam na, 'Oy, yung anak ko, ha? Tandaan mo na bawal pa ‘yan.'

“E, wala naman talaga, e.”

SETTLING DOWN. Two years na ang itinatagal ng kanilang relasyon. Hindi pa ba nila napag-uusapan ang kasal?

Ayon kay Robi, “Honestly, napag-usapan namin ‘yon dati.

"Kasi na-pressure siya… or na-pressure kaming dalawa,”

“Kasi nandun lahat ng mga kuya at ate namin, na, 'Uy, pakasal na kaya tayo!'

“'Tapos sabi ko sa kanya, 'Will you marry me?'

"Sabi naman niya, 'No, kasi hindi pa tayo handa!'

“Tinanggihan ako! Basted ako kaagad!”

Mga ilang taon pa kaya bago nila maisipang mag-settle down?

Sagot ng 25-year-old TV host, “It’s up to her to decide. It’s for us to decide naman.

"Pero sa ngayon, okey naman kami.”

Parang siya ay ready nang mag-asawa at si Gretchen ang tila hindi pa.

“Hindi pa. Sinasabi ko sa inyo, hindi pa ako magpapakasal.

“Hindi pa ako magsi-settle down unless I get fifty awards!” tawa ni Robi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Meron na po akong tatlo, e.

“Nakuha ko na yung tatlo. So, forty-seven awards pa!” hirit pa niya.

Baka tumandang dalaga na si Gretchen sa kakahintay sa kanya?

“E, nasa kanya na ‘yon. Magnanap siya ng iba!” biro ni Robi.


GETTING HUNKIER. Kapansin-pansin ang malaking ikinaganda ng katawan ngayon ni Robi. Hunk na ang porma niya.

“Nagwu-workout po ako talaga. Sobra.

“Pero hindi ko po intensiyon na magpaka-hunk. Hung-hunk po ako, e!” biro niya ulit.

“Wala akong pinaghahandaan. And gusto naman po ang maging tawag sa akin, 'hunk-cute naman!'”

Wala siyang planong subukan ulit ang acting at gumanap ng more mature at daring na roles?

Sabi ni Robi, “Ang gusto ko pong mangyari talaga, kasi for every dream naman, ang dapat may dream ka na mas mataas pa para may goal.

“Yung dream ko dati, maging host ng PBB, nangyari na po ‘yon.

“Tapos, maging regular sa ASAP, nangyari na po ‘yon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ngayon, ang inaasam ko po ay maibalik yung Game KNB?, with the permission of our bosses [sa ABS-CBN] and Direk Willie Cuevas.”

What about doing movies again? Nakatatlong pelikula na rin siya dati.

Paliwanag ni Robi, “Mas gusto kong mag-concentrate sa hosting, e.

"I’m thinking more of ano… if you’ll be strategic about it, longevity po, e.

“Kasi ang dami na talagang nag-a-acting.

"Yung ngayon, ang mga hinahangaan kong actors, sina Paulo Avelino, sina Maja Salvador.

“Punung-puno na sila dun sa acting na ‘yon.

“E, sa hosting naman, ang iniisip ko lang, ha… si Kuya Luis [Manzano].

“At saka sa variety, sina Billy [Crawford] at Vhong [Navarro].

“E, ako talaga, hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko dahil may mga bali-balita na ngayong eleksiyon, e, si Kuya Luis daw ay tatakbo na.

“Whatever happens, nandito naman ako na naka-support sa kanya. Naka-support at nakasalo sa kanya.

“Kaya maghihintay lang po ako no matter what. At wala po sa isip ko na lumipat talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May offer ba sa kanya ang ibang network?

“Dati po meron, e. Pero hindi ko na po sasabihin kung anong network.”

Kung sabagay, marami na siyang nilalabasang shows sa ABS-CBN, tulad ng ASAP, MYX, Man Up, at ang mga paparating na The Voice Kids at Pinoy Big Brother.

Banggit pa niya, “Okey na okey na po ako. Sobra!"

TIME FOR GRETCHEN. Paano ang time niya para kay Gretchen ngayong busy siya sa mga shows niya sa ABSA-CBN?

Pag-amin ni Robi, “Minsan, nagtatampo na po siya na, 'Work ka nang work, wala ka nang time sa akin.'

“Nangyayari naman talaga ‘yon.

"Kaya lang, ang sinasabi ko sa kanya, kung ano yung ginagawa ko ngayon, para sa stable future talaga.”

Since medyo hunk na ang built niya ngayon, go na kaya siya sa sexy pictorial sa magazine o kaya ay rumampa na rin sa Cosmo Bachelor Bash?

Sabi niya, “Depende po, e. Parang hindi pa po handa yung stage ko ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi kapag nagganun na ako, ano pa ang aabangan in the future?”

But if ever, kaya niya yung ginagawa ng ibang hunk actor na talagang rumarampa na naka-topless at yung iba ay naka-underwear lang?

“Ako, kahit wala nang brief. Maghuhubad na ako! Para talagang ano…” natatawang biro ni Robi.

Physically, parang ready na nga siya para rito?

“Konti pa. Konti pa,” pakli niya.

Okey lang kay Gretchen?

Ani Robi, ‘Siguro si Gretchen, no. No si Gretchen dun.”

Conservative ba ang girlfriend niya?

“Sobra! Sinasabi niya, bawal daw akong maghubad.”

Baka pag-awayan nila?

“Baka pag-awayan namin,” pagsang-ayon niya.


PETTY FIGHTS. Nag-away na ba sila nang matindi?

“Wala pa naman. Nagagalit lang siya kasi… vocal ako sa crushes ko e, sobra!

“Like the other day, sobra, nanood ako ng Pangako Sa ‘Yo. Yung eksena nina Jodi Sta. Maria at Ian Veneracion... 'di ba, ang ganda ni Jodi?

“Nag-tweet lang ako na, 'Okey, crush ko na si Jodi!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tapos the next day, nag-text na siya sa akin na, 'Bakit lagi mong ipinapaalam sa lahat na crush mo? Ganyan, ganyan...'

“Sabi ko, 'Bakit naman?' Nagselos?!'

“Kapag nagseselos siya, tatawa na lang ako. Kasi yung mga crush ko naman, yung tipong mga hindi ko kayang i-reach.

“At saka crush lang naman.

“Siya nga, ang crush niya ngayon, si Aljur [Abrenica]. Oo!”

Nagseselos din siya kay Aljur?

“Wala. Okey lang.

“Katawang Machete naman ito, e, 'di ba?” biro ulit ni Robi.

Read Next
Read More Stories About
Robi Domingo, Gretchen Ho
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Robi Domingo denies rumors claiming that girlfriend Gretchen Ho is pregnant: “Sabi ni Gretchen, maybe divine intervention kung mangyari ‘yon, kasi talagang imposible. We respect the sanctity of marriage and yung mga features ng marriage na kailangang nandun. Si Gretchen kasi… sobrang Catholic niyan. At saka Chinese.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results