Brillante Mendoza speaks up on Nora Aunor’s absence at Cannes: "Mas siya ang nakakaalam sa totoong nangyari."

Director Brillante Mendoza says that he had a harmonious working relationship with Superstar Nora Aunor: “Never kaming nagkaroon ng issue, kahit noong nagsu-shooting kami, it was one of my parang... [kasundo] ‘yan ng mga staff and crew ko."


Hindi direktang sinagot ng award-winning film director na si Brillante Mendoza ang dahilan kung bakit hindi nakapunta ang Superstar na si Nora Aunor sa Cannes International Film Festival na ginanap noong buwan ng Mayo sa France.

Si Brillante ang nagdirek ng pelikulang Taklub na pinagbibidahan ni Nora.

Kabilang ang Taklub sa mga pelikulang kalahok sa Un Certain Regard section ng Cannes, at nakatanggap ito ng special commendation mula sa 2015 Ecumenical Jury.

Tinatalakay ng pelikula ang buhay ng mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa Tacloban.

Read: Nora Aunor-starrer Taklub wins special commendation in 68th Cannes Film Fest

Nakatakda sanang lumipad si Nora sa France noong May 17, subalit sa hindi pa malamang dahilan ay hindi siya natuloy.

Sa isang artikulong nailathala sa Manila Bulletin noong May 20, sinabi ng longtime partner ni Nora na si John Rendez na kaya hindi tumuloy ang Superstar dahil economy tickets lamang daw ang ibinigay sa aktres papalipad ng France.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil dito ay inulan ng batikos ang kampo ni Direk Brillante; na hindi raw dapat ganoon ang pagtrato sa isang Superstar gaya ni Nora.

Sa kabilang banda, may isang source naman ang nagsabi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na business class ang ticket ni Nora.

Ngunit nagbago raw ang isip ng Superstar nang malamang economy ticket lamang ang ibibigay kay John, na isasama sana niya sa France.

NORA KNOWS... Nang tanungin ng PEP si Direk Brillante tungkol dito sa special screening ng Taklub kagabi, June 1, ay sinabi niyang mas makabubuti kung mananahimik na lamang siya.

Pero iginiit niyang wala sa kanilang panig ang naging problema kundi sa mga taong nakapaligid sa Superstar.

Pahayag ni Direk Brillante, “Well, I think it’s a thing of the past, 'no?

“I’d rather not talk about it.

“I think it’s a matter of miscommunication and misunderstanding.”

Ang mahalaga raw ngayon ay ang pagkakaroon nila ng maayos na pakikitungo sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ng Cannes-winning director, “I have great respect with Miss Nora Aunor and with artists like her.

“Ang importante, nagkakaintindihan kami, nag-uusap kami nang maayos, at wala kaming isyung dalawa."

Dagdag pa niya, “Ang naging issue, yung mga taong nasa paligid nila.

"Pero alam niya ‘yon, mas siya ang nakakaalam sa totoong nangyari.

"So, wala kaming dapat pag-usapan at wala akong dapat i-explain.

“Ang alam ko, gumagawa kami ng pelikula, at ‘yon ang aking [gusto], gumawa ng maayos na pelikula, ‘yon lang. 'Di ba?

“Yung mga intriga, I think it’s not... we shouldn’t really give attention to this kind of mga usapan.”

Hindi rin nakadalo ang Superstar sa nasabing special screening, pero nilinaw ni Direk Brillante na alam naman ni Nora ang tungkol dito.


WORKING WITH THE SUPERSTAR. Ang Taklub ay ang ikalawang pelikula ni Direk Brillante kung saan si Nora ang bida.

Una silang nagsama noong 2012 sa Thy Womb, na naging entry ng Pilipinas sa 69th Venice International Film Festival.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman katrabaho si Nora?

Ayon sa direktor, “Alam mo, wala kaming naging problema, kahit na sa Thy Womb.

“Kahit nung sa festival pa nung sa Thy Womb, nagpunta kami ng Venice, wala kaming problema.

“Never kaming nagkaroon ng issue, kahit noong nagsu-shooting kami, it was one of my parang... [kasundo] ‘yan ng mga staff and crew ko.

“Kahit dito sa Taklub, sobrang ganda ng relationship namin, kaya parang naging pamilya na siya ng mga staff ko.

“Alam niya ‘yon, so wala akong dapat i-explain.

"Malinis ang konsensiya ko, dahil maganda ang samahan namin, maayos kaming dalawa."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close