Nora Aunor explains why she decided not to attend Cannes filmfest

Superstar Nora Aunor says she has no intention of running in 2016 elections. She says, "’Pag botohan nga, bumuboto lang ako dun sa pinaniniwalaan ko. Kung wala akong... wala, ‘di rin ako bumuboto talaga."


Nagbigay ng pahayag ang Superstar na si Nora Aunor kaugnay ng hindi niya pagsama sa delegasyon ng pelikulang Taklub na pumunta sa France noong Mayo para sa 68th Cannes International Film Festival.

Ang Taklub, na idinirek ni Brillante Mendoza, ay kabilang sa Un Certain Regard section ng prestihiyosong international filmfest.

Base sa mga ulat na lumabas, hindi tumuloy si Nora sa France dahil economy tickets lamang diumano ang ibinigay sa kanya.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Superstar sa contract signing para sa upcoming film niyang Kabisera, na planong isali sa 2015 Metro Manila Film Festival, nagbigay siya ng maiksing pahayag tungkol sa nasabing isyu.

Ayon kay Nora, “Nasa airport na kami, e.

“Nagulat lang ako nang sabihan kami na... kasi galing din ako sa ospital nun.

“At alam naman ni Direk [Brillante Mendoza] na… at talagang napag-usapan na namin na sa business class naman kami.

“Dahil sa tagal nung biyahe, siguro dapat lang naman na maging relax.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang pumutok ang balita tungkol sa hindi pagkakatuloy ni Nora sa France ay may mga nagkomento sa social media na ang isang katulad ng Superstar na itinuturing na national treasure “deserves nothing but the best.”

Ano ang reaksiyon niya rito?

Sabi ni Nora, “Hindi... sabihin na nating ganun, pero sa akin lang naman kasi, puwede naman ako kahit ilagay mo ako sa economy, e.

“Basta kung ano lang ang napag-usapan, dapat yun lang ang sinusunod.”

Nagkausap na ba silang dalawa ni Direk Brillante tungkol dito, ngayong nakabalik na sa Pilipinas ang direktor?

Ayon sa Superstar, “Nagti-text kami.

“Wala, walang samaan ng loob.

“Nagulat lang ako nung umpisa, na siyempre kahit paano, ikaw yung nandun sa pelikula, gusto mo ring mapunta ulit.

“Kasi napunta na ako sa Cannes, nung iprinodyus ko ang Bona [1980].

“Hindi nga lang siya nakasali sa kumpetisyon dahil sa naubusan ako ng pera, at ‘di ko napalagyan kaagad ng subtitles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero kung hindi lang kami na-late, naisali pa sana yun sa competition.

“Kaya naipalabas lang kami sa Directors’ Fortnight.”

BONA. Nabanggit na lang din ni Nora ang Bona, tinanong din ang aktres kung ano na ang nangyari sa idinulog niyang problema tungkol sa film rights ng nasabing pelikula.

Saad niya, “Opo, wala pa po.

“Kasi, sabi nga ni Senator Grace [Poe], kailangan ko ng abugado talaga.

“At kailangan ko ng magaling na abugado talaga para...

“Naipalabas na yun sa Seven [GMA Network], kasi naibenta nila dun.

“May bumili na sa isang istasyon, pero ‘di ko alam.

“Nandun ako nung nagkapirmahan sila, at mismong yung pumirma ay binigyan ako ng copy nung pirmahan nila ng kontrata.

“Ibenenta 'ata nila ng 400,000 pesos.”

Maging ang tungkol sa reklamong isinampa niya laban sa kanyang pinsan sa Bicol ay naungkat, at kinumusta namin ito sa kanya.

Sabi ni Nora, “Andun pa rin naman siya, hindi pa siya natatapos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya madadalas pa rin ang punta ko sa Bicol.”

NO TO POLITICS. Biniro ng PEP si Ate Guy kung may plano siyang tumakbo sa May 2016 elections.

Natawang reaksiyon niya, “Teka, wala akong ano sa politics, e!

"'Pag botohan nga, bumuboto lang ako dun sa pinaniniwalaan ko.

“Kung wala akong... wala, ‘di rin ako bumuboto talaga.”

Hayaan na lang daw ang kumare niya at ang Star for All Seasons na si Vilma Santos sa larangang ito.

“At saka, maganda naman ang ano ni Kumare sa Batangas, yung mga ginagawa niya, yung mga proyekto niya,” sabi ni Nora.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close