Robin Padilla wears statement shirt showing Pope Francis’s support, Senator Alan Peter Cayetano’s opposition of BBL

During his visit at the Senate and House of Represenatives yesterday, June 1, actpr Robin Padilla wore a statement shirt that shows Pope Francis’s nod of approval towards peace talks between the government and MILF. The back portion of the same shirt showed Robin’s statement against those who oppose BBL, particularly Senator Alan Peter Cayetano.


Personal na dumalo si Robin Padilla sa unang araw ng plenary debate sa Kongreso kaugnay ng pagpasa ng Bangsamoro Basic Law (BBL) noong Lunes, June 1.

Naging kapansin-pansin ang suot na pulang statement shirt na mayroong mukha ni Pope Francis.

Nakaimprenta rin sa naturang long-sleeved shirt ang pahayag ni Pope Francis tungkol sa usaping pangkapayapaan sa pamamagitan ng gobyerno at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) noong bumisita ang Santo Papa sa Pilipinas noong nakaraang Enero.

“I note with pleasure that last March an agreement was signed to end long years of tension in the Philippines,” saad ni Pope Francis, base sa statement shirt ni Robin.

Sabi pa ni Robin sa panayam ng GMA News Online kahapon, June 1: "Kahit ito’y usaping Muslim, ito’y suportado ng Simbahang Katolika. Wala na tayong mahihiling pa."


ROBIN’S STATEMENT SHIRT AGAINST SENATOR CAYETANO. Ngunit kasabay ng pagbigay-pugay ni Robin kay Pope Francis ay kinondena ng aktor ang pagtutol at pambabatikos ni Senator Alan Peter Cayetano laban sa BBL.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patunay nito ay ang nakaimprentang larawan ni Senator Cayetano sa likod na bahagi ng statement shirt ni Robin.

Kalakip ng larawan ng senador ay ang caption na nagsasabing: “The Holy Father of the Catholic Church supports the BBL. Are you taking the side of the Pope or the side of this politician?”

Matatandaang minsan nang nagkaroon ng tensiyon sa pagitan nina Robin at Senator Cayetano matapos ihayag ng senador na may halong pamumulitika ang pagtuligsa sa kanya ng aktor.

Ngunit agad na nilinaw ni Robin na wala siyang personal na hangarin laban kay Senator Cayetano pagdating sa usaping BBL.

Read: Robin Padilla to Senator Alan Peter Cayetano: "Wala akong personal na hangarin laban sa inyo."

Sa kabilang banda, umapela si Robin sa mga mambabatas na ipasa ang BBL sa paniniwalang ito ang magiging daan upang tuluyang makamit ang kapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng MILF.

Aniya, “Ako’y kumakatok sa puso ng mga congressmen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam kong medyo may pressure dahil palapit na ang 2016 elections, pero sana ay huwag silang ma-pressure at isipin nila ang kapakanan ng bansa [sa pagpasa sa BBL].”


GRATEFUL TO SENATOR FRANKLIN DRILON. Kasabay nito ay nagpasalamat si Robin kay Senate President Franklin Drilon na isa sa mga sumusuporta sa BBL.

Lalo pa’t nangunguna ang BBL sa listahan ng “priority measures” ng Senado.

Base sa Instagram post ni Robin, bumisita rin siya sa tanggapan ni Senator Drilon kahapon, June 1.

Sabi pa ni Robin sa caption ng kanyang Instagram post: “Sir, seeing BBL as your priority is an answer to the prayers of the Peace Advocates, you walk your talk.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close