Julie Anne San Jose willing to take over Pia Guanio’s place as "Chika Minute" segment host

“Gusto ko pag nag-commit ako, pagtutuunan ko ng pansin, “ says Julie Anne San Jose on why she is still single at 21.


Ngayong Martes ng gabi, June 2, ang ikalawang pagsabak ng Kapuso singer-actress na si Julie Anne San Jose bilang host ng Chika Minute segment ng GMA primetime news program na 24 Oras.

Nag-trending ang hashtag na #JulieOn24Oras noong May 12, ang unang beses na humalili si Julie Anne kay Pia Guanio.

#chikaminute #24Oras

A photo posted by Julie Anne San Jose (@myjaps) onMay 12, 2015 at 5:19am PDT

Nitong Biyernes, May 29, nagpaalam na si Pia bilang "Chika Minute" segment host dahil gusto raw niyang mag-focus sa kanyang anak at asawa.

Read: Pia Guanio leaves 24 Oras after 11 years

Ilan sa mga lumutang na pangalan na papalit kay Pia ay sina Megan Young, Iya Villania, at Julie Anne.

Si Megan ang nag-host kagabi, June 1, at si Julie Anne naman ang sasalang ngayong Martes.

Si Julie Anne na nga ba ang magiging regular anchor ng "Chika Minute"?

Ayon sa 21-year-old singer-actress, “Hindi ko pa po alam, pero sa ngayon po, tina-try ko pa rin po.

"'Tsaka po, maganda pong experience ‘to kasi different field yung papasukin ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tsaka news ‘to e. Iba ‘to sa pagkanta, sa pag-aarte.

"Yung ginagawa ko sa Day-Off [GMA News TV], like hosting lang naman yun.

"Ito talaga, news talaga saka formal yung dating.

“And masaya ako since, yun nga, student ako, nag-aaral pa ako, naa-apply ko yung mga pinag-aralan ko since Mass Communication student ako.”

Kapag inalok ba sa kanya ang nabakanteng puwesto ni Pia ay tatanggapin niya?

Tugon ni Julie Anne, “Oo naman po. I’d love to, I’d love to...

"'Tsaka magandang experience ‘tong magbu-broadcast ka ng mga balita.

"At saka, alam mo yun, parang legit kasi."

Si Julie Anne ay incoming fourth year college student sa Angelicum College sa darating na Agosto.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at TV crew ng GMA si Julie Anne sa contract signing nito bilang bagong endorser ng Motortrade at sa kampanya nilang "Learn how to ride safely."

Ginanap ang contract signing ngayong Martes ng hapon, June 2, sa 17thfloor ng GMA Network Center, EDSA corner Timog Avenue, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(Julie Anne San Jose inks endorsement deal with Motortrade. Present during the contract signing are from left: Gigi S. Lara-SAVP [Alternative Productions and Assigned Talent Manager] of GMA Artist Center, Jay Mendoza-Marketing Head, Motortrade Nationwide Corporation, Julie Anne, Shyla Sy-Market Research Supervisor, Motortrade, and Simoun Ferrer-AVP [Talent Imaging and Marketing] of GMA Artist Center. Photo by: Arniel Serato)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


HAPPY CAREER. Bukod sa bago niyang endorsement, sumabak din si Julie Anne sa kanyang first taping para sa upcoming teleserye ng GMA na Buena Familia, kahapon, June 1.

Sobrang excited daw siya sa show na iro dahil muli na naman siyang aarte sa harap ng kamera.

Sabi ni Julie Anne, “Sa Buena Familia, ako po dito si Darling Buena.

“Si Darling, hindi siya pa-cute. Mahilig mag-shopping, mahilig siyang lumabas.

"Very artistic, hindi naman siya yung brat, pero spoiled siya."

Makakatambal niya rito si Jake Vargas, kaya binansagan na ng kanilang fans ang kanilang loveteam na #JaLie.

Kagagaling lang din ni Julie Anne sa Amerika kung saan nagkaroon siya ng concert.

Kuwento niya, “I had so much fun!

"Sobrang saya noong show last May 22 sa San Francisco, kasi nakikita mo lahat ng mga tao, nakiki-jamming talaga sila.

"Walang nakaupo at lahat nakatayo.

“Natutuwa po ako kasi marami akong nakitang Kapuso natin dun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Habang nasa Amerika, nakagawa rin si Julie Anne ng tatlong music videos kung saan mga Kano ang crew na nakatrabaho niya.

Ang mga titulo ng naturang kanta ay “Tidal Wave,” “Not Impressed,” at “Forever.”

Maganda ang career niya ngayon, pero paano naman kaya ang kanyang lovelife?

Natatawang sagot ni Julie Anne, “Lovelife? Parang wala pa akong oras, kasi andami [kong ginagawa].

"Gusto ko pag nag-commit ako, pagtutuunan ko ng pansin."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close