Maegan Aguilar now open for reconciliation with dad Freddie Aguilar

Maegan Aguilar on wanting to reconcile with her father, Freddie Aguilar: “Ang gusto ko lang, magkaayos kami para manahimik yung buhay namin. Siyempre, magulo ang buhay namin ngayon. Maraming tao ang masama ang tingin sa akin dahil sa nangyayari. At marami ring tao ang masama ang tingin sa kanya. So, hati-hati na. Kaya lang kasi, hindi mo naman mapapaliwanag sa bawat isang ulo na naglalakad sa mundo yung talagang nangyayari. So, at least, para lang sa amin, sa akin at sa tatay


Makalipas ang mahigit isang taon mula nang magkaroon sila ng matinding away, tila magkakaroon na rin ng reconciliation sa pagitan ng mag-amang Freddie at Maegan Aguilar.

Pahayag ni Maegan sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Merong something in progress para magkaayos kami.

“Sana magkaayos kami.

“Kasi mahirap to go on na may alitan at may hindi magandang nangyayari.

“So, kung kaya ko, mas gusto ko na lang na magkaayos kami.”

Matatandaang noong unang bahagi ng 2014 ay pumutok ang balitang pinalayas diumano ni Freddie si Megan—kasama ang kanyang dating live-in partner at kanilang mga anak—matapos ang pagtatalo nila na may kinalaman sa bulok na gulay at utang na nagkakahalaga ng P1,500.

Isa pang dahilan ng sobrang panggagalaiti ni Maegan sa ama ay dahil hindi raw inisip ni Freddie na may tatlo siyang anak, kabilang na ang anim na buwan pa lamang noong baby niya.

Read: Maegan Aguilar denounces dad Freddie Aguilar: “Nagsisisi ako na tatay ko siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kailan na-realize ni Maegan na dapat ay magkabati na sila ng kanyang tatay?

Sagot niya, “Dati pa naman, napatawad ko na siya.

“Pero siyempre, may tampo pa, ayoko munang magpakita.

“Pero kasi, like I said, pangit magpatagal ng ganung klaseng alitan.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maegan sa RJ Beauty Salon, sa Gilmore Avenue, Quezon City, noong Sabado, May 30.

REACHING OUT. Noong kasagsagan ng kanilang away ay iginiit ni Maegan na pakiramdam niya ay naagrabyado siya nang husto. Pero ngayon ay tila lumambot na rin ang kanyang puso para sa ama.

Saad niya, “Yes, ako nga ang talo.

“Pero kasi, alam mo naman pag anak ka, siyempre meron kang katungkulan sa magulang mo.

“So, unti-unti na akong… parang tinatanggap ko na uli yung papel na yun sa mga magulang ko na anak lang nila ako.”

May effort ba si Ka Freddie na makipag-ayos o mag-reach out sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, napanood ko siya last time,” sabi ni Maegan, na ang tinutukoy ay ang huling interview ng Startalk sa legendary folk singer.

“Tapos nakipag-usap din siya sa mommy ko at sa tita ko, kung saan very close ako.

“Nagpasabi na siya na pinapauwi na niya kami [ng mga anak ko].

“Gusto na niya kami magkaayos.

“So, kung ganun na ang sitwasyon, bakit pa ako magmamatigas?

“Kasi ayoko rin naman yung masyado akong ingrate, espesyal.

“Kumbaga, nagbibigay na ng senyales si Tatay na magkaayos kami.

“So, parang ako, I don’t feel like I’m in that place na idini-deny nang idi-deny. Kasi bad din naman yun.

“So, kahit nadehado ako, natalo ako, once a person you had a fight with, misunderstanding with, admits na it should be brushed aside para magkaayos, that’s something special.

“Hindi naman lahat ganun. Usually, always pride yung pinapairal.”


LETTING GO. Naniniwala naman si Maegan sa mabuting intensiyon ng kanyang ama na magkaayos na sila nito, dahil galing mismo ang balita sa mommy at tita niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang advice nila sa kanya?

“Siyempre, sinabi nila na to let it go, that everything is not as bad as I think. It’s okay na.

“Ako naman kasi, hindi naman ako, like they said before, alibughang anak. Hindi naman ako ganun.

“Meron namang pinagmulan yung pain ko. Hindi naman nangyari lang out of nowhere. “

May mga terms ba siya kapag nakapag-usap na sila ni Ka Freddie?

Ayon kay Maegan, “Siyempre, my terms are hindi na ako babalik.

“I will continue to live in the apartment I found with my kids.

“I will continue to just live far away.

“Eto nga, ipinagdadasal ko, isang linggo na, hinihiling ko sa Diyos na makahiling ako ng trabaho sa GMA-7.

“Makapasok ako sa network, kahit hindi ako star, kahit ano, basta meron lang.

“Para hindi na ako kakaba-kaba kung paano ako magtatrabaho para sa mga anak ko.

“Saka rin kasi, number two, ayoko yung magkakabati kami para lang makabalik ako doon, makauwi, para gumaan yung mga responsibilidad ko sa buhay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, that means I have a motive. Wala akong motibo.

“Ang gusto ko lang, magkaayos kami para manahimik yung buhay namin.

“Siyempre, magulo ang buhay namin ngayon.

“Maraming tao ang masama ang tingin sa akin dahil sa nangyayari.

“At marami ring tao ang masama ang tingin sa kanya. So, hati-hati na.

“Kaya lang kasi, hindi mo naman mapapaliwanag sa bawat isang ulo na naglalakad sa mundo yung talagang nangyayari.

“So, at least, para lang sa amin, sa akin at sa tatay ko, sa pamilya namin, matanggal yung burden na hindi kami maayos.”

KA FREDDIE’S WIFE. Tanggap na ba ni Maegan na ang kanyang 62-year-old father ay may 18-year-old wife?

Sagot niya, “E, ‘di ba nga, nung eight months pregnant ako at binagtay [kinondena] sila ng buong mundo, ako yung nasa tabi nila to support them?

“I went on TV with them to show people sa amin, bless yung relationship nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“From the start, I am not against.

“Siyempre, iba naman ang papel ng asawa sa anak.

“Ang papel ng asawa ay hindi ko puwedeng gampanan sa tatay ko… anak lang ako.

“Kung meron siya [asawa], hindi ko inaalis sa kanya. Hindi ako nagagalit na meron siyang someone.

“Kasi, why should I get mad?"

Read: Maegan Aguilar lashes back at critics of dad Freddie Aguilar's relationship with 16-year-old girlfriend

Patuloy pa ni Maegan, “Pero lang kasi, siguro mahirap din dahil mas bata siya [Freddie’s wife] sa akin.

“Hindi niya ma-feel na mother of the house siya. Kasi nga, I’m older than her na nag-cause ng misunderstanding, miscommunication.

“So, siyempre, hindi ko naman pipilitin na ang umalis ay siya. Siyempre, ako na lang.

“Kasi, kumbaga, bagong asawa niya yun, mas may ano [weight] yun.

“Although, sa ibang bahay, mas matimbang ang mga anak kaysa sa asawa.

“Hindi ganun sa bahay namin, na tinanggap ko na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, there was no problem in accepting.”

MAEGAN’S LOVELIFE. Sa kabilang banda, nauugnay ngayon si Maegan sa isang 56-year-old musician at record producer.

Susuportahan kaya ni Freddie ang lovelife niya?

Ayon sa 36-year-old musician/actress, “Hindi na niya lugar yun to meddle.

“Kasi ako, I did not meddle. Hindi ko sila pinakialaman.

“Although, yun ang haka-haka.

“Ang magiging concern lang naman ni Tatay ay kung masaya ako… masaya ako.

“At saka yung lovelife ko, hindi ko priority.

“Ang priority ko, mga anak ko, manahimik ang buhay ko, at sana makapasok ako ng GMA.

“Kasi yun ang ipinagdadasal ko na magkatrabaho ako.”

Hinihintay na lang daw ni Maegan ang go-signal para sa pagkikita nila ng kanyang ama anumang oras mula ngayon.

Malalaman naman daw ng lahat ang magiging kaganapan dito.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close