Mister International Neil Perez to stay a police officer despite showbiz commitments

Neil Perez maintains he is faithful to his girlfriend. He says, "Kung mahal mo yung isang tao, dapat siya lang, wala nang iba. Hindi naman ako naniniwala na kapag pulis ka, playboy ka. May mga pulis naman na stick to one.”


Visible man sa entertainment scene ang Mister International 2014 na si Neil Perez ay mas nakatutok pa rin daw siya sa pagiging isang pulis.

"Dire-diretso pa rin yung pagiging police ko,” sabi ni Neil sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa nakalipas na event ng UnisilverTime.

Pinapayagan naman daw siyang gawin ang kanyang showbiz commitments kung kinakailangang magpaalam siya sandali sa trabaho.

Pero aminado si Neil na nahihirapan siya.

“Tiis-tiis lang kasi hanggang Mister International ako, kailangan kong mag-participate sa mga activities, like yung mga guestings.

“And nae-enjoy ko naman siya kahit mahirap.

“’Tsaka after ng reign ko as Mister International, baka back to normal naman yung buhay ko.”


NOTHING SPECIAL. Wala rin daw dahilan na bigyan si Neil ng special treatment ng kapulisan.

“Ganun pa rin, meron lang konting privilege…

“Pangit naman na makita ng tao na porke't Mister International ako, e, may special treatment.

“Ayaw ko namang maging unfair sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maganda na kahit nanalo ako, same pa rin yung treatment katulad ng dati, para fair lang din sa iba.

"Hindi naman kasi ako naghahanap ng special treatment.

“Iba naman yung pagiging pulis ko sa pagiging Mister International ko.

"Kaya pag may mga taping, tinitingnan ko yung mga schedule, depende kung anong oras yung taping.

"Pag hindi kaya ng schedule ko sa pagiging pulis, hindi ko na lang tinatanggap."

Patuloy niya, “Minsan pumapasok sa isip na mag-hundred percent, mag-full time sa showbiz, pero hindi talaga.

“Mas nananaig talaga yung pagiging gusto ko na maging pulis.

"Nakakatuwa lang kasi maraming mga kapulisan yung sinasabi nila na idol nila ako, na gusto din nila sumali.

“Tapos tinatanong nila kung ano ang diet ko at kung ano exercise na ginagawa ko para gumanda ang katawan ko.”


FAITHFUL. Pagdating sa pagdedesisyon ay hinihingian din ni Neil ng opinyon ang kanyang girlfriend, na pakiusap niya ay huwag nang banggitin ang pangalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, "Oo naman, kapag may mga proyekto akong gagawin, sinasabi ko din sa kanya.

"Tinatanong ko siya kung okey lang ba yung gagawin ko o hindi, very supportive naman kasi siya.

"Pero ako pa rin naman yung magde-decide kung tatanggapin ko ba o hindi."

Hindi ba nagseselos ang girlfriend niya sa radio broadcaster na si Kaye Dacer, na nauugnay sa kanya?

Sagot ni Neil, "Hindi naman.

"Hindi naman kasi siya naniniwala, kasi alam naman niyang wala naman talaga.

“Natatawa nga ako kasi nali-link kami ni Ms. Kaye, e, kaibigan ko lang siya talaga.”

Tinatawan lang daw ng girlfriend ang ganitong mga isyu.

Dagdag pa niya, “’Tsaka alam naman niya na good boy ako, malas kasi yung nagdo-double time ka.

"Kung mahal mo yung isang tao, dapat siya lang, wala nang iba.

"Hindi naman ako naniniwala na kapag pulis ka, playboy ka.

"May mga pulis naman na stick to one.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakakatanggap din ba siya ng indecent proposal?

Natatawang sagot ni Neil, “Masuwerte ako kasi wala, siguro dahil pulis ako kaya natatakot sila.

"Meron mga nagungulit lang, pero wala talaga yung nag aalok ng kung anu-ano.

"Yung iba nagme-message sa Facebook, nangangamusta, tinatanong if okey pa rin ba kami ng girlfriend ko.

"May mga nagbibiro na nandito naman siya, yung mga ganun lang.”


CRITICIZED. Ikinatutuwa naman ni Neil na sa lahat ng naging Mister International titleholder ay tila siya ang may maraming showbiz projects.

Saad niya, “Suwerte lang siguro, maraming oportunidad ang natatanggap ko ngayon.”

Kung kaya raw ng schedule ay okey lang siya na gumawa ng pelikula.

"Depende sa pelikula, kapag sobrang sexy kasi 'di puwede sa Mr. International.

“’Tsaka depende pa rin kasi pulis pa rin ako.”

Tungkol naman sa mga negative feedback, sabi ni Neil, "Normal naman yun.”

Kuwento pa niya, "May mga pulis na nagsasabi na dapat pulis, 'di dapat ako nagdyu-join ng pageant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dapat daw mag-concentrate lang ako sa pagpupulis.

"Ako naman, alam ko naman na bawat isa may kanya-kanyang opinyon.

“Pero 'di ko na lang pinapansin yung mga ganung sinasabi sa akin.

"Ako naman kasi, ginagawa ko naman yung part ko bilang pulis at hindi naman ako nagpapabaya."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close