Alma Concepcion’s camp issues final demand letter to Dody Puno for child support

Halos isang taon nang hindi nagbibigay ng suporta ang businessman na si Dody Puno sa anak nila ni Alma Concepcion . Nitong nakaraang Pebrero, nanawagan ang dating beauty queen sa dating partner na magparamdam na ito sa kanila.


Mula pa noong September 2014 ay hindi na raw nagbibigay ng sustento ang businessman na si Dody Puno sa anak nila ng aktres na si Alma Concepcion.

Labinlimang taong gulang na ngayon ang anak na lalaki nina Alma at Dody.

Ayon kay Alma, bagamat kaya naman niyang buhaying mag-isa ang anak ay nangangailangan din ito ng pinansiyal na tulong mula sa ama.

Nitong nakaraang Abril, nagpadala na ng demand letter ang mga abugado ni Alma kay Dody, ngunit hanggang ngayon at ayon sa huling panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay hindi pa rin nagpaparamdam ang estranged partner ng aktres.

Read: Alma Concepcion continues battle for financial support for her son with Dody Puno: "Kung ano lang yung kaya niya."

FINAL DEMAND LETTER. Ngayong araw, June 3, nakakuha ang PEP ng kopya ng ipinadalang final demand letter ng mga abugado ni Alma kay Dody para sa hinihingi nilang child support.

Umaasa ang kampo ni Alma na magparamdam na si Dody at makipag-usap sa kanila upang hindi na humantong sa korte ang usapin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narito ang kabuuan ng demand letter ng kampo ni Alma kay Dody:

"Dear Mr. Puno,

"We write on behalf of our Client, Cobie Puno as represented by his mother Ms. Alma Concepcion, regarding your refusal to provide sufficient child support.

"Records and information turned over to our Firm show that you have stopped remittance of adequate support for Cobie since September 2014.

"Records also show that the ownership of your assets and possession of your resources have been structured: 1. in ways that deliberately conceal your capacity and intended to avoid your responsibility to support Cobie as, evidenced, among others, by the structure of RPRP Ventures, your other real estate holdings, and your other assets; 2. in schemes that disfavor sufficient support for Cobie while rendering disproportionate favor to the other children, and; 3. through machinations that violate your legal obligation under Section 3 of Republic Act 9262, which categorizes economic abuse of minor children as a punishable criminal offense.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We take this last opportunity to remind you of your legal duty to provide said child support according to Articles 194, 201 and 202 of the Family Code in a manner that is in proportion to your resources and means as a father and according to the necessities of your child. Our Client does not wish to engage in a protracted litigation with regard to the issue of child support and implores upon your sense of duty and responsibility as a father to your son. We have previously invited you to join us in discussing a possible amicable settlement of the matter, but our appeal for negotiation has been ignored. Accordingly, if you still fail to comply with this final demand for you to fulfill your legal obligation to support your minor son, our Client will be constrained to exhaust all criminal, civil, and/or administrative remedies to protect our Client’s rights and enforce his interest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We trust you will see your way clear through the matter to avoid costly and protracted litigation."

Bukas ang PEP sa panig ni Dody Puno kaugnay ng demand letter na ito mula sa kampo ni Alma.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close