Newcomer Mark Roque hurt by lack of support from brother Dominic Roque

TV5 newcomer Mark Roque on younger brother Dominic Roque: “Natutuwa nga ako kung ano yung nararating niya, e, sana ganun na lang din siya sa akin.”


Nag-aartista na ang kapatid ng Kapamilya actor na si Dominic Roque na si Mark Roque.

Mula sa kanyang unang TV project sa Kapatid network, kung saan naging support siya nina Vin Abrenica at Sophie Albert sa Wattpad Presents Marry You, ngayon ay leading man na si Mark ni Chanel Morales sa Wattpad Presents Secretly In A Relationship With A Gangster, kasama rin ang isa pang baguhang si Joshua Ouano.

Mapapanood ito mula Hunyo 8 hanggang Hunyo 12.

Nagpapasalamat nga si Mark sa TV5 dahil binigyan agad siya ng lead role sa pangalawang proyekto pa lang niya.

Kabado nga raw siya sa una niyang pagbibida.

Saad niya, “Sa totoo lang po, hindi pa po ako sanay.

“Kinakabahan po ako kasi, yun nga po, first time ko pong mag-lead.

“Tapos nakita ko po yung script, grabe ang hahaba [ng linya ko].

“Yun po, sobrang thankful po ako sa Wattpad staff po at saka sa TV5 na binigyan po nila ako ng chance na mag-lead nga po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Inalalayan naman po ako nina Direk GB [Sampedro], ng staff po, and siyempre ng leading lady ko po na si Chanel Morales.

“Very supportive po si Chanel sa akin kahit na baguhan pa lang ako kaya naging maayos po ang taping namin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa presscon ng Wattpad Presents Secretly In A Relationship With A Gangster, nitong Hunyo 3, sa Max’s restaurant sa Scout Tuason, Quezon City.

NO SUPPORT FROM DOMINIQUE. Sa kabila ng kasiyahang nararamdaman sa gumagandang takbo ng kanyang showbiz career, nalulungkot naman si Mark na tila hindi siya nakararamdam ng suporta mula sa kanyang kapatid na si Dominic.

Kuya ng 22-year old na si Dominic si Mark, 23.

Never daw binati o kinongratulate man lang ng kanyang kapatid si Mark sa pagpasok niya sa showbiz at sa pagkakaroon ng magkasunod na proyekto sa TV5.

Sa una nga niyang presscon para sa Wattpad Presents Marry You, isiniwalat ni Mark na hindi sila nagkakausap ni Dominic at matagal na nga raw itong hindi bumibisita sa bahay nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May sarili na kasing condo unit si Dominic.

Matapos lumabas ang pahayag ni Mark na ito, may ginawa na ba si Dominic para makabawi?

Sagot ng baguhang artista, “Siguro po nakatulong yung first presscon po.

“Siguro narinig niya po iyon or may nabasa siya.

“Kasi po kahit papaano, umuuwi na po siya sa bahay. Tapos itrineat niya po yung family namin.

“Sabi ko nga po, kapag nakuha ko yung first paycheck ko, ililibre ko rin siya at saka yung family ko.

“At saka kapag naging maluwag po yung schedule ko… ang bonding po kasi namin yung pagmo-motor, e, so yayayain ko po siya one of these days.”

Nagkaroon na ba sila ng “heart-to-heart talk?”

Ayon kay Mark, “Wala pa pong time talaga.

“Kasi po nung time na umuwi po siya, nagte-taping naman po kami [ng Wattpad Presents], kaya hindi po kami nakapag-usap.

“Nung nag-treat naman po siya sa family namin, nagkataon naman po na umakyat po ako ng bundok, nasa Nueva Vizcaya po ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Isa po kasi iyon sa hobbies ko, yung mountain climbing.”

TITA BETH & NANAY JUDAY. Mabuti pa nga raw ang kanilang tiyahin na si Beth Tamayo ay very supportive sa kanya kahit nasa ibang bansa ito.

Noong nag-post nga raw si Mark sa Instagram ng project niya ay isa ang Tita Beth niya sa mga unang nag-congratulate sa kanya.

Ano naman ang advice na ibinibigay sa kanya ng Tita Beth niya ngayong nasa showbiz na rin siya?

Ayon kay Mark, “Lagi niya pong sinasabi sa akin na i-review ko lagi yung script.

“At saka huwag daw po akong kabahan at maging mabait daw po ako sa mga tao na nakapaligid.”

Isa pa raw sa very supportive sa kanya ay ang kaibigan ng kanilang Tita Beth na si Judy Ann Santos. Nanay-nanayan nga ang turing nila kay Juday.

Sabi ni Mark, “Si Ate Juday po, sobrang supportive po.

“Actually, this Sunday po, baka pumunta po ako sa kanila kasi may Sunday mass po sa kanila sa bahay. Baka dumalaw po ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano sila naging close kay Juday?

“Kasi po, simula po noong umalis po ang tita ko po, ibinilin po niya kami kay Ate Juday.

“Actually, si Nay po… Nay po kasi ang tawag namin kay Ate Juday.

“Tapos ang sabi po ni Ate Juday sa tita ko, ‘Ako ang bahala sa mga pamangkin mo. Wala kang aalalahanin.’

“So, yun po, sobrang supportive po ni Nay Juday.”

Ano naman ang ibinibigay na advice sa kanya ni Juday?

“Focus lang daw po talaga dapat. Kung ito raw talaga ang gusto kong gawin, mag-focus lang daw po.”

Iyon daw ang isa pang ikinasasama ng loob ni Mark kay Dominic.

Bakit daw ang ibang tao ay nagbibigay ng suporta sa kanya, samantalang sa mismong kapatid niya ay wala siyang maramdamang suporta.


TAMPO. Dahil nga sa pangyayaring ito ay aminado si Mark na nagtatampo siya kay Dominic.

“Siguro po may tampo po ako nang konti sa nangyayari po sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi nga po, ako po todo-suporta sa kanya.

“Kapag may show po siya pini-picture-an ko po yung TV tapos pinu-promote ko sa Instagram, ganyan.

“Ayoko naman po na sabihin sa kanya na gawin mo ito [para sa akin].

“Ang hinihintay ko po yung kusa niyang gagawing pagsuporta po sa akin.”

Naiinggit nga raw si Mark sa iba pang celebrity brothers, katulad nina Aljur at Vin Abrenica gayundin sina Rayver at Rodjun Cruz, na todo ang suportang ibinibigay sa isa’t isa.

“Yun nga po, e, nakakainggit lang iyong ibang magkakapatid sa showbiz, kasi sobrang supportive nila sa isa’t isa hindi lang sa career kundi pati sa personal na buhay.

“Sana lang ganun din kami,” asam ni Mark.

Ano sa tingin niya ang problema ni Dominic? Bakit sa tingin niya ay tila malamig sa pagbibigay ng suporta sa kanya ang kapatid?

Pahayag niya, “Siguro po na-develop po iyon nung medyo younger years po namin na nagkaroon po kami ng tahimik po na rivalry, parang ganun po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dati po kasi, nararamdaman ko po, nakikita ko po lagi siyang sumasama sa akin.

“Hindi ko naman po inaano… parang ina-idolize niya po ako noong bata pa po siya.

“Nauna po kasi akong pumasok sa modelling sa kanya.

“Iniisip ko po na baka nakita niya yung atensiyon ng lahat ng tao sa akin.

“So, doon po siguro nag-start yung rivalry.

“Kaya lang po ako, kasi happy po ako kung ano po yung nararating niya, kasi kapatid ko naman po siya.

“Kaya sabi ko nga po sa ibang tao na nagsasabi na, ‘Ano ba, nag-aaway ba kayo?’ Sabi ko, ‘Hindi ha!’

“Natutuwa nga ako kung ano yung nararating niya, e, sana ganun na lang din siya sa akin.”

Nauna man sa pagiging modelo si Mark, huminto naman siya. Habang si Dominic ay nagtuluy-tuloy hanggang sa maging artista.

Kaya nauna namang mag-showbiz si Dominic.

Nakagawa na ng teleserye, pelikula, at commercials si Dominic, habang si Mark ay nagsisimula pa lang mag-artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun nga po yung sinasabi ko, e, masyado na siyang sikat para siguro ma-insecure.

“At saka dapat po wala pong insecurity or something, kasi magkapatid naman po kami, e.

“Ako po, ayoko po talaga ng sibling rivalry kasi hindi po healthy sa amin iyon.”

Gumagawa ba siya ng effort para maayos kung anumang hidwaan mayroon silang magkapatid?

Sagot ni Mark, “Opo, kaya lang nga recently po nagkaroon po ako ng tampo kasi parang ang hirap niya pong kausapin.

“Dati naman konting text lang, nagkikita kami, nagbibilyar kami.

“Ngayon, sobrang busy na niya, ang dami niya pong extra-curricular activities.”

Ano ang mensaheng gusto niyang iparating kay Dominic?

“Dominic, kapag nabasa mo ito o narinig mo ito, mag-usap na tayo nang sincere,” pahayag ni Mark.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close