Sarah Geronimo on getting married: “Wala pa akong groom, boyfriend pa lang.”

Sarah Geronimo says her wish to get married after five years is half meant, “Siyempre, hindi mo naman madidiktahan na dapat 32, magpakasal ka. Paano kung ano, ’di ba? Kung maano...”


Totoo bang gusto nang magpakasal ni Sarah Geronimo limang taon mula ngayon?

“Sinabi ko 'yon, na in five years, gusto ko nang magpakasal. Medyo matagal-tagal pa rin 'yon!” natatawang pag-amin ni Sarah nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa press huddle with The Voice Kids coaches kanina, June 3.

Dagdag niya, “Nakalimutan ko na, basta may something about marrying, parang may song na 'Marry me.'”

Nagsimula ang usapan tungkol dito sa isang episode ng nakaraang season ng The Voice, kung saan nagkabiruan ang mga coach ng programa.

Pero sabi ni Sarah tungkol dito, “Ito naman, parang kailangan game lang kami.

“Nandito naman kaming mga coaches na talagang prepared mag-alaskahan.

"Ako, siyempre napagsasabihan na lumaban daw ako.

“So, kapag nanood kayo, baka mapaganun kayo sa akin, kasi talagang tina-try ko ang best ko na lumaban.

"Di ba, Ms. Lea, lalaban ka?" tanong pa niya sa kanyang kapwa coach.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero gaano kaseryoso si Sarah sa sinabi niya?

Sagot ng Popstar Princess, “Half-meant.

"Siyempre, hindi mo naman madidiktahan na dapat 32 [years old], magpakasal ka.

"Paano kung ano, 'di ba? Kung maano..."

Hindi ba tila late na ang ideal age niya para sa pagpapakasal?

Tugon ni Sarah, “Hindi naman siguro, kasi 'yon naman ang uso ngayon.”


WEDDING PLAN. Kaugnay nito, nabanggit na rin noon ni Lea Salonga na gusto niyang maging wedding singer sa kasal ni Sarah.

Pag-alala ni Sarah tungkol dito, “Oo, matagal na 'yon.

"Sinabi niya 'yon noong season pa nina Jason Dy, 'O, kapag ikinasal ka, kakanta ako.'

"Sabi ko, 'Wow!'"

Pero wala pa raw siyang naiisip na anumang kanta, “Masyado nang advance. Wala pang groom.

“Wala pa akong groom, boyfriend pa lang.”

Nang tanungin naman tungkol sa kanyang boyfriend na si Matteo at ang pamilya niya, halatang gustong umiwas ni Sarah.

“Ako, wala po akong masasabi sa pamilya niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bumalik nga po tayo sa The Voice!” natatawang iwas ng singer-actress.

Si Matteo na ba ang nakikita niyang makakatuluyan niya?

Tugon ng 27-year-old singer-actress, “Marami pa po kasi kaming kailangang ayusin, 'di ba, bilang mga tao.”

Dagdag niya, “Ang hirap ng pagpapakasal. Ang dami kong naririnig na stories.

"Ano ba ang teleserye ngayon? Hindi lang pala mga teleserye, kahit yung totoong mga pangyayari sa mga malalapit sa buhay ko.

“May mga sitwasyon na hindi talaga biro ang pagpapakasal.

“Kaya yung iba, mas pinipili na mag-isa na lang sila.

"Pero siyempre, kung ano pa rin ang kaloob ng Diyos."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close