Chanel Morales no insecurity issue with fellow TV5 talents Shaira Mae and Sophie Albert

Kapatid actress Chanel Morales (center) says she does not focus on competing with colleagues Shaira Mae and Sophie Albert. (In this photo: Chanel with leading men Joshua Ouano, left, and Mark Roque. The three will topbill Wattpad Presents Secretly In A Relationship With A Gangster on TV5.


Sa halip na mag-focus sa pakikipagkumpitensiya sa kanyang mga kasabayan sa bakuran ng TV5, mas gusto raw ni Chanel Morales na ituon ang kanyang atensiyon sa sarili niyang career.

Ikinukumpara kasi si Chanel kina Sophie Albert at Shaira Mae, na mga kasamahan niya sa reality-based star search ng TV5 na Artista Academy noong 2012.

Sa Artista Academy, si Sophie ang itinanghal na grand female winner; first runner-up si Chanel at second runner-up naman si Shaira Mae.

Subalit sa kanilang tatlo, tila mas umaalagwa ang career ni Shaira Mae, na ngayon ay bida sa Pinoy adaptation ng Koreanovela hit na The Baker King.

May nararamdaman bang insecurity si Chanel kay Shaira Mae, na may mas malaking TV project ngayon?

Sagot niya, “Wala po.

“Siyempre kinakabahan din kami kung ano ang mangyayari sa amin. Hindi na ako magsisinungaling.

“Siyempre, kinakabahan kami.

“Yun talaga ang reality… kinakabahan ka kung anong mangyayari sa career natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero yung may touch of inggit, wala.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Chanel sa press conference ng Wattpad Presents Secretly In A Relationship With A Gangster, kahapon, June 3.

Kasama ni Chanel dito ang mga baguhang sina Joshua Ouano at Mark Roque.

Magsisimula ang nasabing weeklong presentation sa June 8, 9 P.M., sa TV5.

THANKFUL. Ayon kay Chanel, malaki ang pasasalamat niyang may mga dumarating na proyekto sa kanya.

“Yung attitude ko kasi, siyempre nag-mature na ako, in a way, yung attitude ko.

“Iniisip ko, kung wala ngayon, baka sa next meron.

“So, yun nga, dumating itong Wattpad, tapos dumating yung Happy Truck," pagtukoy ni Chanel sa upcoming Sunday variety show ng Kapatid network.

Dagdag niya, “Parang hihintayin ko lang talaga, darating din.

“Kasi once na may attitude ka na magko-compete sa co-workers mo, ikaw mismo matatalo.

“Kasi siyempre, yung attitude mo, instead of being optimistic, mawawala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang dini-deprive mo yung sarili mo.

“It’s better to wait na lang and just hope na sana meron, di ba?

“Para positive lang yung darating sa ‘yo and just be thankful every time na may darating sa ‘yo na blessings.”

Diin ni Chanel, wala siyang dapat ika-insecure.

“Basta alam mong may trabaho and alam mong magsa-succeed ka naman sa ibang fields, why not gawin mo 'yon while you’re waiting for something to happen?”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close