Gerphil Flores clears up rumored "tampo" with ABS-CBN, Kris Aquino, and Ai-Ai delas Alas

“Actually, yung mga gumagawa lang po ng issue ay kung sino lang po. Hindi po talaga nanggagaling sa akin," says Asia’s Got Talent finalist Gerphil Flores about her rumored “tampo” with ABS-CBN. Gerphil first joined Pilipinas Got Talent but failed to advance in the finals.


Trending ang guest appearance ng Asia's Got Talent finalist na si Gerphil Flores sa Aquino and Abunda Tonight, nitong Miyerkules, June 3.

Sa naturang episode, napatunayan na walang anumang sama ng loob ang classical singer sa ABS-CBN at sa dating judges ng Pilipinas Got Talent na sina Kris Aquino at Ai-Ai delas Alas.

Bago sumali si Gerphil sa Asia's Got Talent ay nauna muna siyang sumali sa Pilipinas Got Talent Season 1 noong 2010.

Maraming bumatikos kina Kris at Ai-Ai nang makapasok si Gerphil sa finals ng Asia's Got Talent, samantalang hanggang semifinals lamang ang inabot niya sa Pilipinas Got Talent.

Ang komento noon ni Kris kay Gerphil: "You have a beautiful face and a beautiful voice. Mag-aartista ka rin, alam namin. Pero sana kantahin mo rin ang age-appropriate because you're 19. Sana yung mga kanta ni Charice."

Sumang-ayon naman dito si Ai-Ai at sinabing: “Yung makaka-relate yung mga batang kaedad mo and makaka-relate ang mga bagets sa iyo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas pinag-usapan lalo ang diumano'y tampo ni Gerphil sa ABS-CBN nang mag-guest siya sa weekend musical-variety show ng GMA Network na Sunday All Stars, samantalang sa ASAP ay hindi siya nakasama ng iba pang Asia's Got Talents finalists na nag-perform.

Ayon kay Gerphil, gustung-gusto niya talagang mag-guest sa Aquino and Abunda Tonight para linawin ang isyu.

Sabi ni Gerphil kay Boy Abunda, “Sabi ko, sana magkaroon ng opportunity na talagang maibahagi ko sa mga viewers na wala po akong sama ng loob [sa ABS-CBN].

“Actually, yung mga gumagawa lang po ng issue ay kung sino lang po.

“Hindi po talaga nanggagaling sa akin.”

Muling tanong ni Boy: "So, klaro, wala kang tampo?"

Sagot ni Gerphil: “Walang-wala po.”

Sa kasamaang-palad, hindi ito personal na nalinaw ni Gerphil kay Kris dahil absent ang Queen of All Media sa programa kagabi.

Kasalukuyang nasa Japan si Kris para ipagdiwang ang kaarawan ng panganay niyang anak na si Josh.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close