Alexa Ilacad to Marian Rivera: “I love you idol... Idol kita forever.”

Hindi na naitago ng Kapamilya teen actress na si Alexa Ilacad ang kanyang excitement nang pansinin siya at i-folllow sa Instagram ng kanyang idolong si Marian Rivera.


“I’m such a fangirl.”

Ito ang tweet ng Kapamilya teen actress na si Alexa Ilacad kamakailan matapos siyang i-follow sa Instagram ng kanyang idolo, ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Sa isa pang tweet message ni Alexa, halatang excited na excited siya sa pag-follow sa kanya ng kanyang idolo, na tinawag pa niyang “my life goal.”

“I LOVE YOU IDOL.” Sa Instagram post ni Marian nitong June 2, Martes, isa sa mga nagkomento si Alexa.

Sinabihan ni Alexa si Marian ng “I love you idol.”

Sumagot naman dito si Marian sa pamamagitan ng pag-tag kay Alexa, bilang simbulo ng pagpansin ng Kapuso star sa Kapamilya teen actress.

Sa sumunod na komento ni Alexa, nagpasalamat siya kay Marian sa pag-follow nito sa kanya sa Instagram.

Halatang hindi maitago ni Alexa ang kanyang excitement at sinabihan si Marian ng “I love you so much” at “Idol po kita forever.”

Muling sumagot dito si Marian at sinabihan si Alexa ng “cute” at “stay happy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close