Richard Gutierrez refutes alleged secret marriage to Sarah Lahbati

Richard Gutierrez on alleged secret wedding to Sarah Lahbati: “Hindi, hindi pa. Sukob nga, ‘di ba? Chismis lang yun. Nasa tamang panahon."


Hindi maiwasang maungkat ang espekulasyong secretly married na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, na parehong tutok sa pag-aalaga ng kanilang two-year-old son na si Zion.

Ito ay matapos hingan ng reaksiyon ni Abante columnist Allan Diones si Richard kung totoo ang usap-usapang minsan nang ipinakilala ng actor-TV host si Sarah Lahbati “my wife” sa isang hindi tinukoy na lugar sa ibang bansa.

Nagtatakang sagot ni Richard: “Saan ko daw ipinakilala?”

Sunod nito ay pinabulaanan ng aktor ang isyu nang hindi idetalye ng entertainment editor kung saang lugar nangyari ang naturang insidente.

Giit pa ni Richard, ang kanyang nakatatandang kapatid na si Elvis Gutierrez ang nakatakdang magpakasal sa longtime partner nitong si Alexa.

“Hindi, hindi pa. Sukob nga, ‘di ba?

“Chismis lang yun. Nasa tamang panahon.”

Tanong ulit ng columnist: Bakit “my wife” ang pakilala ni Richard kay Sarah?

Sagot naman ni Richard: “Sino nagsabi sa ’yo? Hindi ko alam, hindi ko alam...”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tanging endearment na ginagamit umano ni Richard patungkol kay Sarah ay “my partner, my girlfriend, my love.”

Natatawang dugtong pa ni Richard, "Pinagpapawisan ako sa tanong!"

Nakapanayam ng ilang entertainment reporters si Richard pagkatapos ng presscon ng KISPinoy (K-Pop Icon Search Pinoy Edition) na ginanap sa Jet 7 Bistro restaurant, sa Quezon City, kahapon, June 3.

Bago napunta ang usapan sa diumano’y pagpapakilala ni Richard kay Sirah bilang “my wife,” nauna nang tinanong ang actor-TV host kung bakit hindi pa sila nagpapakasal gayong tila going strong ang kanilang relasyon.

Paliwanag ni Richard, “E, nauna si Elvis mag-propose, e.

“Actually, si Elvis at Alexa [Uichico], they’re at the right time na magpakasal talaga.

“They’ve been together since high school, tapos may baby na sila, si Aria.

“So, mauna na muna sila.

“And then, eventually, kami naman [ni Sarah].”

Sabi pa ng 31-year-old actor, kahit papaano ay may ideya na sila ni Sarah kung ano ang gusto nilang ideal wedding.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Napag-uusapan namin siyempre.

“Pero until we’re there and really sitting down and planning it, then it becomes a reality.

“Pero siyempre, we dream about the perfect day.”

Kung saka-sakali, sa Pilipinas ba nila balak magpakasal?

Sagot ni Richard, “Tingnan natin. Mukhang mahirap paalisin ng Pilipinas yung mga magulang ko.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close