Alex Gonzaga answers issue behind sudden cancellation of her show Inday Bote

Alex Gonzaga still gets negative comments about her first major solo concert. To this, she says, "Yung mga taong hindi pa rin maka-get over dun sa nangyari sa concert, over na. Let’s get over it. Hindi naman po ikauunlad ng Pilipinas, hindi naman tayo mananalo sa China pag nangyari yun, o bababa ang gasoline, pareho pa rin po. I-let go na lang po natin kasi tapos na po."


Nilinaw ni Alex Gonzaga ang mga haka-haka tungkol sa biglaan diumanong pagkawala sa ere ng pinagbibidahan niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Inday Bote.

Nagsimula itong umere noong March 16 at nagtapos noong May 29, kaya lumalabas na dalawang buwan lamang itong ipinalabas.

Ilan sa mga usap-usapan tungkol sa maagang pagtatapos ng Inday Bote ay dahil may kasalanan daw na nagawa si Alex sa ABS-CBN management.

Mayroon namang nagsasabing dahil sa mababang ratings nito kaya nagdesisyon ang ABS-CBN management na kanselahin na lang ito.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Alex sa studio ng ASAP sa ABS-CBN noong Linggo, May 31, ay pinalinaw namin ang mga espekulasyon tungkol sa maagang pagtatapos ng Inday Bote.

Saad ng Kapamilya actress-TV host, “Hindi ko rin kasi alam, pero ano kasi kami, yung isa naming script, umaabot siya for two weeks sa haba, kasi nga may mga duwende.

“I think it’s really the management’s decision.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paglilinaw pa ni Alex, “Okay ako with the staff, okay naman kami.

“Nagugulat ako na maraming lumalabas na ganun, pati raw si Matteo [Guidicelli], wala. Naiinis daw sa akin si Matteo.

“Nakausap ko nga si Matteo, sabi ko, ‘Alam mo, ipu-post ko talaga sa IG [Instagram] yung mga isinulat mo na sobrang okay tayo.’

“Kasi sobrang okay kami, even with Sarah [Geronimo, Matteo’s girlfriend], okay kami.

“Minsan kasi may mga nag-aano sa akin na parang nagalit daw si Sarah, nagalit daw sa akin si Matteo, dahil daw nag-aasaran kami.

“E, lagi naman talaga kaming nag-aasaran since magkaibigan kami.

“Nagugulat din ako dun.”

Diin pa niya, “Sobrang okay kami, nag-uusap pa kami, wala talagang issue, even sa staff.

“Minsan may nagko-comment, ang diva-diva ko daw, nagugulat ako kung saan nanggagaling.

“Parang oaky naman talaga kami ng Inday Bote staff.

“Even before the show began, we’re all friends na before pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakasama ko na sila before sa Dreamscape.”

Naging kaibigan na raw ni Alex ang buong staff at cast ng Inday Bote kaya ikinalungkot niya ang pagkawala nito.

“Siyempre malungkot ako na matapos siya agad.

“Kasi siyempre, yung mga kasama ko, siyempre dun na kami nagiging close, dun pa lang ako nagiging at ease, kasi three months pa lang.

“Dun ako nanghihinayang.

“Siyempre, whatever the management wants, whatever God wants, yun naman talaga ang magpi-prevail.”


THE VOICE KIDS. Maliban sa maagang pagtatapos ng Inday Bote, pinalitan na rin si Alex bilang host ng The Voice Kids.

Sa second season nito ay si Yeng Constantino na ang maghu-host, kasama si Robi Domingo.

Nilinaw naman ni Alex na nagkasabay kasi noon ang rehearsals para sa kanyang concert na AG From The East: The Unexpected Concert at ang blind auditions ng The Voice Kids, kaya kinailangan niyang bitawan ang isa rito.

Ayon kay Alex, “Mr. M [Johnny Manahan of Star Magic] decided that I should choose the other work, which is the concert, kaya nagkaroon ng kaunting conflict.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“For me, whatever happens, all in God’s will and all for the best.”

Ano naman ang masasabi niyang si Yeng ang kinuha bilang kapalit niya?

Tugon ni Alex, “For me, tamang-tama din naman si Yeng for The Voice, kasi singer talaga siya, galing siya sa competition [Pinoy Dream Academy].

“So, I think mas magiging kampante yung mga bata sa kanya, mayroon na silang host/coach.”

Samantala, wala raw panghihinayang si Alex sa kinahinatnan ng first major solo concert niya sa Araneta Coliseum.

Saad niya, “Basta ako, positivity.

“Yung mga taong hindi pa rin maka-get over dun sa nangyari sa concert, over na. Let’s get over it.

“Hindi naman po ikauunlad ng Pilipinas, hindi naman tayo mananalo sa China pag nangyari yun, o bababa ang gasoline, pareho pa rin po.

“I-let go na lang po natin kasi tapos na po.

“For me, it’s God gift, it’s a manifestation of His love, and it was impossible but it happened.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, tapos na.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close