Senator Chiz Escudero confirms plan to renew wedding vows with Heart Evangelista in 2016

Inihayag ni Senator Chiz Escudero na nais niyang tuparin ang pangarap ni Heart Evangelista na maikasal silang muli upang makadalo ang mga magulang ng Kapuso actress na sina Reynaldo at Cecile Ongpauco.


Kinumpirma ni Senator Chiz Escudero, 45, na plano nila ni Heart Evangelista, 30, na magsagawa ng renewal of wedding vows sa 2016.

Posible umanong sa bahay ng mag-asawa sa Quezon City ganapin ang isang simpleng seremonya.

Ito ay upang pormal na masaksihan ng mga magulang ni Heart na sina Reynaldo at Cecile Ongpauco ang pag-iisang dibdib ng Kapuso star at senador.

“It’s not a full-blown wedding. It’s just a renewal of vows,” saad ni Senator Chiz sa panayam ng Radyo Inquirer na nailathala sa ABS-CBN News website kahapon, June 3.

Ayon pa kay Senator Chiz, importante sa kanyang matupad ang pangarap ni Heart na makasama ang mga magulang kahit man lang sa renewal of vows.

Lalo pa’t hindi nakarating ang mag-asawang Ongpauco sa kasal nina Senator Chiz at Heart sa Balesin Island Club, sa Quezon province, noong February 15.

Paliwanag ng senador, “Mas mahalaga masaya si Heart dahil matagal na niyang binibitbit at pinapasan ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Malaking tinik ang nabunot sa kanya, 'ika nga, kaugnay nga ng pagkakabati-bati at pagkakaayos.”

Nauna nang naibalita ang tungkol sa pagkakaayos ng senador at mga magulang ni Heart sa mismong bahay ng Kapuso actress noong May 25.

Ito ay matapos ng dalawang taong alitan na nag-ugat sa disgusto ni Mrs. Ongpauco sa pakikipagrelasyon ni Heart sa senador.

Read: Have Heart Evangelista's parents reconciled with Senator Chiz Escudero?

Sa pagpapatuloy ng panayam kay Senator Chiz, ibinahagi niyang hindi na naungkat ang tungkol sa hindi nila pagkakaunawaan ng mga magulang ni Heart noon.

Sa katunayan, pagkatapos nilang mag-dinner sa bahay ni Heart noong May 24 ay nagkita-kita ulit sila ng sumunod na araw para naman sa birthday celebration ni Mrs. Ongpauco.

Kuwento ng senador, "Araw matapos noon, pinagdiwang naman ng kanyang nanay yung birthday niya at nagsalu-salo ulit kami kasama ang mga kapatid niya.

“So all is well that ends well.”

Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong May 25, mismong si Heart ang nagpahiwatig tungkol sa plano nilang magpakasal muli ni Senator Chiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Base ito sa makahulugang Instagram post ni Heart kung saan ibinahagi niya ang larawan nila ni Senator Chiz na kuha sa kasal nila sa Balesin.

Kalakip nito ang caption na nagsasabing: “All I can say is… I can’t wait.”

At nang tanungin si Heart ng isang fan kung magkakaroon sila ng “second wedding” ni Chiz na dadaluhan ng kanyang mga magulang, sumagot ang Kapuso actress ng isang simpleng “amen” na emoticon.

Read: Chiz Escudero, Heart Evangelista to get married for the second time?


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close