Carla Abellana on bashers on social media: “Hindi sila worth the attention and time.”

Hindi raw alam ni Carla Abellana kung bakit siya nananaba ngayon sa kabila ng hindi naman siya mahilig kumain. Dahil dito, dumarami ang nanlalait sa Kapuso actress dahil daw sa kanyang katabaan, pero deadma lang si Carla dito.


Aminado si Carla Abellana na tumaba siya ng kaunti, kahit hindi naman daw siya palakain.

Sabi ng 28-year-old Kapuso actress, “No. I think it comes with age.

"I would say, kung ano yung tinray ko at lahat ng ginawa ko before, kahit gawin ko ngayon, hindi gumagana.

"So, yun, hindi ko alam."

Dahil sa kanyang pananaba, marami ang nangba-bash ngayon kay Carla sa social media, partikular na sa kanyang Instagram account.

Nasasaktan ba siya sa mga panlalait na kanyang natatanggap?

Tugon ng actress-TV host, “No, no... sanay na ako siyempre.

"Hindi rin mawawala yun. Ke payat ka, ke mataba ka, lalaitin ka nila."

May mensahe ba siya sa mga nangba-bash sa kanya?

Nakangiting sagot ng Karelasyon host, “Wala. Hindi sila worth the attention and time.”

Sa ngayon daw ay nagwu-workout na si Carla at kailangan pa raw niyang magbawas ng ilang pounds.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Carla sa pictorial niya para sa bagong anti-aging product na kanyang iniendorso mula sa ATC Healthcare, Huwebes ng gabi, June 4, sa Solaire Resort and Casino, sa Pasay City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang photographer ni Carla para sa nasabing photo shoot ay ang pamosong fashion photographer at dating model na si Nigel Barker, na lumipad mula Amerika para sa kanyang ilang araw na trabaho dito sa Pilipinas, kabilang na ang pictorial ng Kapuso star.

(Nigel Barker. Photo by Noel Orsal.)


CRYPTIC INSTAGRAM POSTS. Sa Instagram account ni Carla ay kapansin-pansin ang ilang kakaibang posts niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Katulad na lang ng dalawang mensaheng ito:

Kaya mo to, cars. Kaya mo to. #workworkwork

A photo posted by Carla Abellana (@carlaangeline) onMay 13, 2015 at 5:18pm PDT

Lord, i know you'll help me. #faith #workworkwork

A photo posted by Carla Abellana (@carlaangeline) onMay 15, 2015 at 7:49pm PDT

Bakit nga ba may mga ganito siyang mensahe sa Instagram?

Sagot ni Carla, “Bawal? Tao din ako, ‘di ba? Para alam nilang tao din ako.

“Tao din lamang din kami. We can post whatever we want.

"That’s our Instagram account, we’re free to.”

May isang blind item, na posibleng siya ang tinutukoy, na naburyong na raw sa kanyang career dahil sa kakulangan ng trabaho. Nadagdagan pa raw ito nang maipareha sa iba ang kanyang ka-loveteam.

Ang perennial onscreen partner ni Carla na si Tom Rodriguez ay makakapareha na ni Miss World 2013 Megan Young sa remake ng Marimar sa GMA.

Pero paglilinaw ni Carla, “Marami po [akong projects]... Karelasyon, Ismol Family, Sunday All Stars, Pari 'Koy, and Del Monte Kitchenomics.”

Wala rin daw problema ang pagkabuwag ng kanilang loveteam ni Tom.

Aniya, “Good. Good ‘yan. Sana magkaroon pa siya ng isang dosena pang loveteams na iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang ano ‘yan, mas magandang exposure, mas madaming experiences, mas makapag-ipon siya ng mga bagong chapters ng experiences."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close