Carla Abellana on real score with Tom Rodriguez: “We are dating, we are free, we are happy, we are taking our time.”

Sa June 12 na ang ika-28 kaarawan ng Kapuso actress-TV host na si Carla Abellana. Pero wala daw siyang wish para sa sarili, kundi para sa iba. "Sana wala nang ma-torture na aso, sana wala nang sinasaktan na aso. Sana wala nang mga batang nagugutom, sana gumaling lahat ng maysakit. Sana lahat ng mga bata makapag-aral... "


Matagal-tagal na rin ang napapabalitang ligawan nina Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Pero hanggang ngayon ay wala pang kumpirmasyon kung sila na ba.

Kaya tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Carla: Ano na ang real score nila ni Tom?

Sagot ng Kapuso actress, “Real score? Nasabi na namin...

"We are dating, we are free, we are happy, we are taking our time.

“We are getting to know each other... ano pang gusto mo?”

Usisa naman ng Startalk sa 27-year-old actress: Paano mo idi-describe ang relasyon niyo ni Tom?

Sabi ni Carla, "Masaya. Easy going. Go with the flow, parang ganun."

Tanong naman ni Lhar Santiago ng 24 Oras sa dalaga: Are you in love?

Natatawang sagot ni Carla, “With many things and with many persons!

"With him? Ang importante, alam niya kung ano, hindi niyo na kailangang malaman."

Gaano siya kasaya kay Tom?

Sagot ni Carla na, “Okay naman, very happy. Super-saya. Okay naman.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP at iba pang miyembro ng media si Carla sa photo shoot nito para sa bagong iniendorsong anti-aging product mula sa ATC Healthcare, Huwebes ng gabi, June 4, sa Solaire Resort and Casino, sa Aseana City, Pasay City.

KARELASYON. Lima ang kasalukuyang shows ni Carla sa GMA. Isa na rito ang weekly drama anthology na Karelasyon, kung saan siya ang tumatayong host.

Lalong gumaganda ang ratings ng show kaya naman mai-extend daw ito sa ere.

Pagkumpirma ni Carla, “Oo, more episodes pa coming.”

Ano ang mga natutunan niya mula sa featured stories ng show?

Tugon nito, “Ang ganda, in fairness every episode is very interesting.

“Hindi ordinaryo, e, so ang ganda basahin lagi kung ano kaya ang klase ng relasyong pag-uusapan o ikukuwento next week.

"Yung ganun, so iba-iba.

“Magandang challenge din yun for the researchers and writers, ‘di ba? Na makapag-present kami ng iba’t ibang klase talagang relasyon na hindi tayo sanay at hindi ordinary.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BIRTHDAY. Samantala, sa June 12 na ang ika-28 kaarawan ni Carla. Pero nagulat pa siya na ang media ang nagpaalala nito sa kanya.

Sabi niya, “A, talaga? Ay, oo nga!

"Seryoso, hindi ko naaalala, e.

“Nakakalimutan ko siya.”

Wala naman daw mahihiling pa si Carla para sa sarili.

Kaya ang wish niya: “Sana wala nang ma-torture na aso, sana wala nang sinasaktan na aso.

“Sana wala nang mga batang nagugutom, sana gumaling lahat ng maysakit.

"Sana lahat ng mga bata makapag-aral... marami."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close