TJ Trinidad renews management contract with Annabelle Rama

It make no difference to TJ Trinidad that he plays a rich boy in The Rich Man’s Daughter and a tricycle driver in a Magpakailanman episode: “Hindi naman importante kung mayaman o mahirap ang role mo. As long as ilalagay mo ang sarili mo doon sa karakter na pinu-portray mo."


Ang talent manager na si Annabelle Rama pa rin ang humahawak ng showbiz career ng Kapuso actor na si TJ Trinidad.

Pagkumpirma ni TJ, “Yes, yes, matagal na...

"Kaka-renew ko lang sa kanya, five years ulit."

Dagdag niya, “Nag-usap ulit kami, e, she’s really funny!

“Actually, maganda yung relationship namin, natutuwa nga ako sa kanya, e.

“Natatawa ako sa mga antics niya.

“She’s very loving, actually.

“Para siya yung persona na nakikita mo sa TV, very protective.

"I mean, it’s also part of who she is. Like a show, right?

“But you take that all away, pag kayu-kayo na lang… she’s very loving.”

Simula pa raw noong taong 2010 ay si Annabelle Rama na ang manager niya.

“Yung official, yung pirmado.

“So, nag-five years kami, sabi niya, ‘Ano?’

“Pinadala na lang niya yung ano [kontrata] sa bahay!” natatawang kuwento ni TJ sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Maayos at mahusay raw ang kanyang manager kaya siya tumatagal dito.

“Yeah, she’s a good person!”


RICH MAN, POOR MAN. Sa June 6 sa episode ng GMA dra,a anthology na Magpakailanman, na pinamagatang "Ina Bakit Mo Ako Pinabayaan?", ay gaganap si TJ bilang isang tricycle driver na magkakaroon ng relasyon sa isang mas matandang babae, na gagampanan ng nagbabalik sa pag-arte sa drama sa telebisyon na si Alma Moreno.

Pagbibidahan din ito ni Winwyn Marquez, na anak sa totoong buhay ni Alma.

Masaya si TJ na maging bahagi ng naturang proyekto dahil unang beses na pagsasama ito sa isang drama series ng mag-inang sina Alma at Winwyn.

“Yeah, I’m happy and I’m honored to be part of this project na first time nga na pagsasama nila in a drama project sa TV.”

Saan siya mas kumportable, ang gumanap bilang mayaman tulad ng papel niya sa The Rich Man’s Daughter o ang gumanap bilang isang mahirap na tricycle driver tulad ng gagampanan niya sa Magpakailanman?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “Alam mo, pareho lang naman, e.

“Nasa iyo naman kung paano ang atake na gagawin mo sa bawat papel o role na ibibigay sa iyo.

“Hindi naman importante kung mayaman o mahirap ang role mo, as long as ilalagay mo ang sarili mo doon sa karakter na pinu-portray mo.

“I would say I enjoy both, mayaman man o mahirap yung role ko, halos pareho lang.

“So, you know, it has nothing to do with kung mayaman o mahirap ang papel mo.”

Ang mas mahalaga raw kay TJ ay maibigay o maipakita niya ang tamang pag-arte at emosyon sa kanyang ginagampanang papel.

“Yeah, yeah, iyon ang importante sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN