Former PBB Teen housemate Yves Flores says there’s freedom in not having a loveteam

From PBB Teen Edition 4 housemate Yves Flores played support roles in projects that launched the Kathryn Bernardo-Daniel Padilla and Enrique Gil-Liza Soberano loveteams. "Okay ako dito, yung parang palipat-lipat," he says while waiting for a bigger break.


Sunud-sunod ang mga proyektong dumarating ngayon sa Kapamilya young actor na si Yves Flores.

Pagkatapos ng teleseryeng Forevermore, first time naman siyang sasabak sa pelikula via Star Cinema’s Just The Way You Are, na tinatampukan dina nina Enrique Gil at Liza Soberano.

Si Yves ay produkto ng reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother: Teen Edition 4 (2012).

Pagkatapos niyang lumabas sa Bahay Ni Kuya ay nabigyan siya ng guestings sa iba't ibang shows ng Kapamilya network.

Ang una niyang teleserye ay ang Kahit Puso'y Masugatan na sinundan ng Princess And I.

Pagkatapos nito aymedyo nabakante si Yves, hanggang sa dumating ang Got To Believe at nagtuluy-tuloy na ang mga proyekto niya sa ABS-CBN.

Aminado si Yves na nagkaroon ng pagkakataong medyo nainip siya at akala ay wala nang projects na matotoka sa kanya.

“Wala akong ginagawa, kaya parang naisip ko, ‘Ano ‘to, parang ganito ba talaga ito?’

“Una, hindi ko alam kung anong gagawin ko talaga, wala akong idea kung mag-aaral ba ako o itutuloy ko ‘to.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos bigla akong nagka-Got To Believe, dahil kay Direk Cathy [Garcia-Molina,], nakasama ko yung KathNiel.

“Siyempre yun, work, work, work…

“After Got to Believe, parang yung character, parang nakilala ng tao, si Pedro, parang minahal ng tao.

“Tapos, biglang pinatawag ako ni Tita Malou [Santos, Star Cinema managing director].

“Feeling ko, ‘Okay ito, a,’ first time akong ipinatawag, meeting, nag-usap kami.

“Tapos sabi, 'May project ka sa akin,' kaya sobrang tuwang-tuwa ako talaga.

“Dahil ang sabi ay may movie with Quen and Liza.

“E, si Quen, nakatrabaho ko sa Princess and I, tapos si Liza, sa Got To Believe.

“So, sakto dahil mga ano ito, tropa, kilala ko itong mga ito.

“Kasi nahihiya ako kapag katrabaho ko ay ‘di ko kilala. Alam mo yun?

“Parang, nahihiya ako, parang, ‘Mabait ba ito?’"

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yves sa pressccon ng Just The Way You Are noong June 1, sa 14th floor ng ELJ Building, ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


CHEERLEADER. Bakit parang naiba ang personality niyana mula sa pagiging tahimik sa PBB ay makulit na siya ngayon?

“Hindi, makulit ako sa Bahay [ni Kuya]!” natatawang paglilinaw niya.

“Makulit ako, gusto ko masaya lahat, gusto ko napapatawa ko sila, gusto ko chill lang, happy sa set, ganoon.

“Minsan, may mga panahon na tahimik lang ako, siguro puyat o antok.

“Pero madalas ako yung makulit sa set. Sa taping, palagi akong hinahanap ng mga tao.

“Minsan nga pack-up na ako, gusto nila mag-stay ako.

“‘Bakit, clown ba ako?’ Ganun.

"Kapag sina Liza, si Quen walang ginagawa, ako yung hinahanap.

“Ayun, masaya ako kapag nakikita kong masaya yung mga kaibigan ko.”


TROPA. Nagkuwento rin si Yves kung gaano katindi ang takot niya kay Direk Cathy noong una niya itong makatrabaho.

Pero parang favorite naman siya ng direktor.

“Sobrang… noong una sa Got To Believe, natakot ako sa kanya.

“Lagi nilang sinasabi, ‘Si Direk Cathy? Yari ka diyan, ayaw niya ng makulit!’ Ganyan, lagi akong tinatakot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naalala ko pa, first eksena ko kay Direk Cathy, hubad pa, hubad, mataba pa ako noon.

“Huwag n'yo nang panoorin yun, promise!” nakatawang saad niya.

Pagpapatuloy ni Yves, “Kasi siyempre, ‘di ba, parang, ‘Wow! Bless ako na magiging direktor ko siya.’

“Lately, sinabi niya sa akin, parang naging tropa na kami... sinabi niya sa akin na, ‘Alam mo noong una, akala ko ang yabang mong tao. Nakita ko mayabang ka, tapos hindi pala, nagkamali ako, napakabait mong tao.’

“Hindi sariling buhat, ha, pero sabi niya sa akin yun.

“Natuwa ako, ‘Direk, totoo ba ‘yan? Thank you po. Thank you, Direk.’

“Tapos sa set, kapag may problema ako, ang kinakausap ko, siya.

“Tapos minsan ay pinagsasabihan niya ako sa mga ano, parang nagiging nanay ko siya, kapatid, tropa…

“Kaya si Direk Cathy, grabe, mahal na mahal ko ‘yang direktor na ‘yan!

“Kaya kahit kina DJ [Daniel Padilla], sina Quen, kahit tanungin mo...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro parang isa sa mga favorite naming direktor, si Direk Cathy.

“The best talaga, magaling na, mabait pa!”


SOLO. Mas okay ba sa kanyang walang ka-loveteam?

Sagot ni Yves, “Sa ngayon, siguro gusto ko yung mag-solo muna.

"Kasi tingnan mo, noong una sa KathNiel lang ako,'tapos naging LizQuen…"

Laging third wheel, mas gusto ba niya yun?

“Hindi naman. Siyempre, sana darating din yung araw na…

"Pero hindi naman ako nagmamadali.

“Siyempre lahat naman darating diyan, ‘di ba?

“Pero masaya ako, e, okay ako dito, yung parang palipat-lipat.

“Kasi kung may ka-loveteam ka, dalawa kayo, partner kayo, couple kayo. Dapat magkasama kayo palagi.

"Ako, free ako kahit saan. Puwede ako dito o kahit saan."

Sinong young star ang gusto niyang sundan ang yapak? Si Enrique o si Daniel?

Sagot ni Yves, “Well, pareho sila, puwede, pero mas gusto ko siyempre yung ako lang, yung sarili ko.

“Ayaw ko namang gumaya sa iba, gusto ko yung makilala ako bilang Yves Flores, hindi bilang gumaya ka sa ganito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko gagawa ako ng sariling ako, bilang ako.

“Yung hindi nila nagawa, gusto ko na iyon naman yung gagawin ko.”

Umaasa ba siya na darating din yung time na parang kagaya nila, tinitilian, maraming projects, at lead actor?

“Well, sabi ko nga ay hindi naman ako nagmamadali, hindi natin masasabi, ‘di ba?

"Tingnan mo si DJ, hindi natin ini-expect na, boom... ganoon din si Quen, hindi ba?

“So, hindi natin masasabi.

"Nasa performance naman 'yan, nasa artista 'yan kung paano gagalaw.

“Wala sa management 'yan, wala sa ibang tao, nasa iyo 'yan, e.

“Kung paano ka aarte, paano mo gagalingan, paano mo aayusin ang trabaho mo.”


UNEXPECTED. Masaya ba siya sa career niya ngayon?

Sagot ni Yves, “Oo naman, sobrang saya, sobrang blessed.

“Kasi housemate lang ako dati, PBB lang ako dati, na parang housemate ka lang, e, ngayon… hindi ko ine-expect ito.

“Lahat, hindi ko ini-expect na magkakaroon ng ganito, first movie ko ito, actually.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko ini-expect na magka-movie ako at Star Cinema pa, na parang, ‘Oh, my gosh, thank you!’

“So, lahat itong nangyayari, hindi natin masasabi talaga ang future, ‘di ba?”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close