Toni Gonzaga and Paul Soriano to push through with June 12 wedding?

Sa kabila ng kanilang busy schedule nitong mga nakaraang buwan, nakatakdang ituloy nina Toni Gonzaga at Paul Soriano ang planong pag-iisang dibdib sa mismong araw kung kailan ipagdiriwang nila ang kanilang eight anniversary bilang magkasintahan.


Tila tuloy pa rin ang nakatakdang kasal nina Toni Gonzaga at Paul Soriano sa June 12, 2015, na siya ring araw ng kanilang ika-walong anibersaryo bilang magkasintahan.

Ito ay sa kabila ng pahayag ni Toni na posibleng ma-postpone ang araw ng kanilang kasal dahil nagkataong sunud-sunod ang kanilang trabaho ni Paul nitong mga nakaraang buwan.

“Hindi pa namin ma-confirm because Paul is going to leave this April and May, so inaayos pa namin lahat.

“Hopefully, talaga this year ma-push namin,” saad ni Toni sa ulat ng Bandila noong huling bahagi ng Abril.

Ngunit ngayong Biyernes ng gabi, June 5, isinagawa ang isang bridal shower para kay Toni na inorganisa ng nakababata nitong kapatid na si Alex Gonzaga.

Base sa kumalat na Instagram posts na may hashtag na #thebestmaidofhonorparty, ibinahagi ni @cathymaecruz ang larawan ng magkapatid na sina Toni at Alex na kuha mula sa naturang party.

Kalakip nito ang hashtag na “#7days” na tila nagpapahiwatig kung ilan na lang ang natitirang araw bago ikasal sina Toni at Paul.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilan sa showbiz personalities na dumalo ng bridal shower ni Toni, na ginanap sa Discovery Primea Hotel sa Makati City, ay sina Vice Ganda, Angel Locsin, Bianca Gonzalez, at Mariel Rodriguez.



SIMPLE WEDDING. Nauna nang inihayag ni Toni na napagkasunduan nila ni Paul na magsagawa ng isang simpleng Christian wedding ceremony na pangungunahan ng “childhood pastor” ng director/producer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It's just a simple wedding. It's nothing grand. It's very traditional.”

Samantala, si Paul naman ay minsan nang ibinahagi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na excited na siya sa honeymoon nila ni Toni pagkatapos ng kasal.

“Anywhere basta outside the Philippines, kasi we haven't had that opportunity,” sabi ni Paul sa panayam ng PEP noong April 7.

Dagdag na biro pa ng direktor, “It's our first time to do a solo trip, 'di ba?

“So, far away from Mommy Pinty! So they can't follow... Hindi, joke lang!”

Sa pareho ring panayam ay sinabi ni Paul na sa June 12 ang kanilang ikawalong anibersaryo ni Toni bilang magkasintahan.

“June 12 is gonna be our eight year. Independence day is our anniversary,” ani Paul.

READ: Paul Soriano quips no Mommy Pinty on honeymoon with Toni Gonzaga


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close