Sheryl Cruz denies claims that she and Senator Grace Poe have the same mother

Ayon kay Sheryl Cruz, handang patunayan ng pamilya nila na mali ang espekulasyong si Senator Grace Poe ay anak din ng ina ng aktres na si Rosemarie Sonora, sa pamamagitan ng DNA test. "I’m sure yung mom ko, she’s actually challenged. Knowing the kind of person she is, she’s not gonna back out from that [DNA test] because wala naman siyang kailangang itago," pahayag ni Sheryl.


Kaagad nagpakita ng suporta at ipinagtanggol ni Sheryl Cruz ang pinsan niyang si Senator Grace Poe kaugnay ng pagkuwestiyon sa citizenship ng senadora upang hindi ito makatakbo sa pagka-Presidente sa 2016 elections.

Bagamat hindi pa nagdedeklara ng opisyal na kandidatura ay isa si Senator Grace sa frontrunners sa mga isinasagawang presidential surveys.

“Nakakalungkot lang because what they did to my uncle when he was still alive, ginagawa na naman nila doon sa pinsan ko, 'di ba? Para bang hindi na sila naawa,” sabi ni Sheryl sa interview sa kanya ni Mario Dumaual para sa TV Patrol.

Ang pagkuwestiyon sa citizenship ang isa rin sa mga ibinatong isyu sa yumaong ama ni Senator Grace at Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr. noong tumakbo ito sa 2004 Presidential elections.


ROSEMARIE IS NOT GRACE’S MOTHER. Bumuwelta rin si Sheryl sa isyung ang kanyang inang si Rosemarie Sonora umano ang tunay na ina ni Senator Grace.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mayroon kasing espekulasyong anak ni Rosemarie si Grace sa yumaong Pangulong Ferdinand Marcos.

Ayon pa kay Sheryl, handang patunayan ng pamilya nila na mali ang espekulasyong ito sa pamamagitan ng DNA test.

“I’m sure yung mom ko, she’s actually challenged.

"Knowing the kind of person she is, she’s not gonna back out from that [DNA test] because wala naman siyang kailangang itago."


VAGUE APOLOGY. Nagbigay rin ng reaksiyon si Sheryl sa ginawang apology ni Representative Toby Tiangco matapos nitong manguna sa pagkuwestiyon sa citizenship ni Senator Grace.

Ang pagkuwestiyon ni Tiangco ay tila nagdulot ng mas malaking lamat sa pagkakaibigan ng pamilya nina Senator Grace at Vice President Jejomar Binay.

Sabi ni Sheryl, “It’s just kind of shallow.

"For me also, it’s vague, what exactly are you apologizing for?

"Mas maganda kung meron pang a little more details, 'di ba?

"Para at least mas nauunawaan, hindi lang ng family namin kundi ng buong bayan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MEDICAL RECORDS. May hamon pa si Sheryl na tingnan ang medical records ng pamilya nila sa Makati Medical Center.

“Nasa Makati siya lahat. So, madaling-madaling makuha iyon.

"Si Dr. Manahan, siya iyong nagpaanak sa mom ko.

"And he was actually the first person na nagsabi na tatlo lang kaming anak ng brothers ko."

Ang dalawa pang kapatid ni Sheryl ay sina Renzo at Patrick Cruz.

Pinasinungalingan din ni Sheryl ang isyung nagtatago ang kanyang ina. Noong 2013 ay nangampanya pa raw ito para sa senatorial bid ni Senator Grace.

Matagal nang nag-retire sa showbiz si Rosemarie.

Nang mamatay ang dati nitong asawang si Ricky Belmonte ay muli itong nakapag-asawa. Ngayon ay tahimik na ang buhay nito sa Amerika kasama ang bago nitong asawa.

Kung may iniiwasan daw si Rosemarie, ito ay ang mabulabog muli ang buhay niya ng mga gawa-gawang kuwento.

SPARE US OR ELSE… Nagbiro pa si Sheryl na huwag daw siyang gagalitin, pati na ang mga babae niyang kamag-anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawa nga niyang sabi, “Iba kapag nagalit ako!

"Nakita n’yo ang auntie ko [Susan Roces], pag nagalit ang auntie ko, hindi lang ‘Not once but twice!’

"Hindi n’yo pa nakikita kung paano magalit ang mga babae sa aming pamilya."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close