Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Kylie Padilla confirms breakup with Matt Henares

by Gorgy Rula
Jun 6, 2015
Kylie Padilla on breakup with Matt Henares: “Maayos naman yung nangyari. Siyempre, malayo siya. Gusto ko muna mag-focus sa trabaho, yun lang.”

Hindi itinanggi ni Kylie Padilla ang kumalat na balitang break na sila ng boyfriend niyang si Matt Henares.

Hindi na idinetalye ng Kapuso actress ang dahilan ng breakup nila, pero nagkausap daw sila nang maayos at napagkasunduan nilang maging magkaibigan na lang sila.

Saad ng 22-year-old actress, “Maayos naman yung nangyari.

“Siyempre, malayo siya. Gusto ko muna mag-focus sa trabaho, yun lang.”

Kasalukuyang nasa Australia si Matt dahil sa kanyang culinary scholarship doon.

Inamin ni Kylie na hindi ganun kadali ang desisyong iyon, kaya hangga't maaari ay ayaw na sana niyang pag-usapan pa ito.

INSTAGRAM POST. Kaugnay nito, kapansin-pansin ang isang Instagram post ni Kylie tungkol sa sarili at sa ideya ng pag-ibig.

Bahagi ng ipinost nitong mensahe noong isang linggo:

“Tired of that idea of love. I’m the hero of my story.

“Tired of flirting, trying to look cute. I feel stupid anyway.

“Maybe for the guy who’ll give me the ring.

Continue reading below ↓

"No more little boys. My dick’s probably bigger than theirs anyway."

Ayaw nang ipaliwanag ni Kylie ang tungkol dito.

Sabi na lang niya, “Siyempre, I’m at the age na dini-discover ko pa ang sarili ko.

“Siguro huwag na talaga ako mag-post ng ganun.

"But nothing is referring to him!" natatawa niyang sagot nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa rehearsal ng Sunday All Stars kahapon, June 5.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Kapansin-pansin ding tinanggal na nina Kylie at Matt sa kani-kanilang Instagram accounts ang mga litratong magkasama sila.

Hindi na rin nila pina-follow ang isa’t isa.

Si Matt ay anak ng actor-talent manager na si Ronnie Henares at dating GMA Artist Center head na si Ida Henares.

LONG-DISTANCE RELATIONSHIP. Napatango naman si Kylie nang tinanong namin kung may kinalaman ang long-distance relationship nila dahil isa sa hinaing niyang malayo naman si Matt sa kanya.

Pahayag niya, “Kaya ko naman, e.

"Pero itong period ng buhay ko, kailangan ko lang panindigan na feeling ko na hindi muna lovelife ang unahin ko, trabaho muna."

Continue reading below ↓

Isang taon si Matt sa Australia kaya hanggang Skype at tawagan lang sila.

Saad pa ni Kylie, “Ewan ko, basta, ganun na lang ang nangyari.

“Basta, gusto ko lang i-confirm na, oo, hiwalay na kami.

“Ayoko naman ng malabo sa mga tao, e.”

Nagkakausap pa rin naman daw sila minsan dahil nandun pa rin ang friendship.

“Dun naman nabuo, e. Ayoko naman mawala yun.”

HANDLING IT ON HER OWN. Ayon kay Kylie, hindi pa niya naikukuwento sa kanyang mga magulang ang tungkol sa breakup nila ni Matt dahil kaya na niya itong i-handle.

Saad niya, “I have a show, e.

“Yun na lang ang iniisip ko ngayon. Sa trabaho ang utak ko ngayon.

"I’m enjoying what I have right now. Ang dami kong blessings.

"Meron pa akong bagong endorsement.

"So, I’m thankful na sa trabaho, okay naman.

“Feeling ko ngayon, kailangan ko talaga kumayod.

“Kailangan kong i-prove sa sarili ko na trabaho muna.”

Continue reading below ↓

Ito raw ang dahilan kaya ayaw muna niyang mag-entertain ng mga manliligaw dahil kailangan niyang magtrabaho at mag-focus sa bagong drama series niyang Buena Familia at sa Sunday All Stars.

Read Next
Read More Stories About
Kylie Padilla
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kylie Padilla on breakup with Matt Henares: “Maayos naman yung nangyari. Siyempre, malayo siya. Gusto ko muna mag-focus sa trabaho, yun lang.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results