Krista Miller on Cesar Montano-Sandra Seifert rumored affair: “Wala akong alam... pero kung anuman, I’m happy for them.”

Krista Miller says she’s glad she’s moved on from her past controversy involving Cesar Montano: “Wala na yung kay Cesar, sobrang tagal na nun. Wala na yun, parang part lang iyon ng ano, part lang iyon ng pagiging… matatag niya. Wala, wala naman kasing something sa amin, e.”


Wala raw alam si Krista Miller sa balitang relasyon nina Cesar Montano at Sandra Seifert, pati na ang isyung buntis diumano ang dating beauty queen sa anak nila ng actor-director.

Matatandaang ilang taon na ang nakalilipas ay naugnay si Krista kay Cesar, bagamat pareho nila itong itinanggi.

Read: Krista Miller denies affair with Cesar Montano: "Walang katotohanan ang lahat."

Ayon kay Krista, “Actually, hindi ko nga alam yung balita, e, kasi wala akong update sa mga showbiz ngayon.

“Kasi naka-focus ako sa life ko talaga ngayon. Wala akong alam sa ganoong mga issue.

"Pero kung anuman, I’m happy for them."

Ano ang masasabi ni Krista sa balitang magiging ama ulit si Cesar?

“Talaga, bakit ano… bakit may gano'n?” natatawang biro niya.

Pero sinabi ni Krista na nagpapasalamat siyang nalagpasan na niya ang mga intriga sa kanila ni Cesar noon.

“Wala na, sobrang burado na lahat.

"Parang ano lang, e, kapag titingnan mo ay parang nakakatawa na lang, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang, ‘My God, nalagpasan ko iyon!’ Parang, 'Ang galing-galing Mo naman!'”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Krista sa press conference para sa World Premieres Film Festival Philippines/Filipino New Cinema section, noong June 4.

Kasama si Krista sa entry na Piring (Blindfold), ang directorial debut ng aktor na si Carlos Morales.

Bukod kay Krista, kasama rin sa cast sina Yussef Esteves, Bembol Roco, at Tessie Tomas.


NO COMMUNICATION WITH CESAR. Kailan sila huling nagkita nag-usap ni Cesar?

Sagot ni Krista, “Wala na yung kay Cesar, sobrang tagal na nun.

“Wala na yun, parang part lang iyon ng pagiging… matatag niya.

“Wala, wala naman kasing something sa amin, e.”

So, inalis na niya si Cesar sa bokabularyo niya?

Nakangiting sabi ni Krista, “Wala naman talaga siya sa bokabularyo ko, e.

“Basta, as a director, e, di happy ako para sa kanya.

"At sana ay okay na rin sila ni Sunshine [Cruz, Cesar's wife], ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, as in wala talaga akong update sa kanya, e.

"As in, move- n na talaga ako, e."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close