Joross Gamboa excited to be a dad soon

Joross Gamboa (shown with wife Katz Saga during their wedding last November 2014 in Alabang) is excited about having a boy as his first baby: “Ang dami kong barkada na ang sama ng loob sa akin! Kasi sila, puro babae ang anak.”


Si Joross Gamboa ang sinasabing posibleng may malaking pagkakataon na manalong Best Actor para sa kauna-unahang Filipino New Cinema category ng World Premieres Film Festival Philippines na magaganap mula June 24-July 7 sa SM Cinemas.

Ang indie film niyang I Love You, Thank You ay lalaban sa pito pang pelikula sa naturang local film festival.

Isang bading ang karakter ni Joross dito at sabi nga niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Filipino New Cinema noong June 4 sa Torre Venezia sa Timog Ave., Quezon City, kung maaari raw ay last gay role na sana niya ito.

“Sabi ko, last ko muna. Pero kung minsan, kapag may magandang material, mahirap tumanggi.

“Ang artista naman kasi, ayoko rin namang i-limit ang sarili ko.

“Pero nagse-set lang ako ng limit sa ngayon kasi nga, baka ma-typecast na ko,” natawa niyang sabi.

Ang I Love You, Thank You ay tinanggap niya raw at natapos gawin noong isang taon pa dahil nagandahan daw talaga siya sa materyal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Joross, “Nabasa ko ang script at nakausap ko rin ang manager ko, si Sir Noel [Ferrer], so nilinaw namin, inupa muna namin.

“Ang maganda run, pare-pareho kami ng vision na ang gusto namin, matinong palabas ‘to.”

EXCITED TO BE A DAD. Malapit nang maging daddy si Joross dahil nasa ika-limang buwan na raw ng pagdadalang-tao ang misis niya na si Katz.

“Baka late September or early October siya manganganak,” masayang kuwento ni Joross.

Pero mas masaya ito nang ibalitang lalaki ang magiging panganay niyang anak.

Inabot ng tukso si Joross dahil buti na lang daw at lalaki ang magiging anak niya, dahil kung magkataong babae ito ay baka maging “bayad-utang” niya ito dahil sa pagkakaroon niya ng reputasyon dati bilang isang “chickboy.”

Natatawang sabi niya, “Ang dami kong barkada na ang sama ng loob sa akin!

“Kasi sila, puro babae ang anak.

“Sabi nga ni Maja [Salvador], 'Ay, hindi pala totoo kapag bad boy... Nagbago ka naman kasi bago ka magkaanak.'”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang misis naman daw niya ay gusto ring lalaki ang maging unang anak nila.

“Kapag boy kasi, gusto naming una para makalat ang apelyido,” dagdag pa niya.

THRIVING BUSINESSES. Kinumusta rin namin kay Joross ang married life niya. Ikinasal si Joross noong November 2014.

Ayon kay Joross, “Masaya, sobrang blessed kami.

“Maraming pumapasok na blessing at yung mga businesses namin. Si Katz, nagkaroon siya ng nail bar.

“Ako naman or kami, meron na kaming sariling brokerage. Tinutulungan ako ng dad ko, pero ito, sa akin na.

“'Tapos may trucking din kami at saka ngayon nag-i-invest kami sa Brunei. Nagsu-supply kami ng mga call cards sa mga Pinoy dun.”

Seryoso na nga siya bilang padre de familia.

“Kailangan, nag-iipon para sa future,” sabi niya.

Mas iba nga raw ngayon ang relasyon nila ng misis niya kumpara noong hindi pa sila kasal.

“Mas may covenant siyempre kay God, mas seryoso,” pagmamalaki niya.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close