Your Face Sounds Familiar winner Melai Cantiveros downplays competition among fellow celebrity contestants

Melai Cantiveros says she and husband Jason Francisco doesn’t have plans of having another baby yet. “Hindi, kasi i-enjoy muna namin si Amelia para hindi siya maging malungkot dahil susundan agad.”


Si Melai Cantiveros, 27, ang itinanghal na grand winner ng unang season ng reality show ng ABS-CBN na Your Face Sounds Familiar.

Ginanap ang results night nitong Linggo, June 7, sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.

Tinalo ni Melai, sa pamamagitan ng text votes, ang mga co-finalist niyang sina Jay-R, Nyoy Volante, at Edgar Allan Guzman.

Nakuha ni Melai ang 51.93% ng text votes, na sinundan ni Nyoy na nakakuha ng 24.51%.

Pumangatlo naman si Jay-R na nakakuha ng 16.1%, at panghuli si Edgar Allan na nakuha ang 7.46% ng text votes.

Sa finals performance night noong Sabado, June 6, ginaya ni Melai ang international singer na si Miley Cyrus.

Kinanta ni Melai ang “Wrecking Ball” na inspired din sa music video ng hit song ni Miley.

Nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Melai pagkatapos ng results night, sinabi niyang malaki ang kanyang pasasalamat na siya ang nanalo, lalo na’t simbahan ang kanyang napiling charity—ang Alay Kapwa Desk Social Action Center Diocese of Marbel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Two million pesos ang napanalunan ni Melai, at ang kalahati nito ay mapupunta sa kanyang napiling charitable institution.

“Ang aking charity ay sa simbahan, kaya thank you, Lord... thank you, Lord.

“Sa mga sumuporta sa mga text, thank you very much.”

Nagpasalamat din si Melai dahil sa suporta ng fans nila ng asawang si Jason Francisco, o mas kilala sa bansag na Melason.

“Siyempre sa lahat ng Melason, thank you sa inyong support, sa walang sawa ninyong pag-text.

“’Yan, napudpod na mga kamay nila.”


NOT A COMPETITION. Ayon kay Melai, kahit magkakalaban sila ay walang namamagitang kumpetisyon sa walong celebrity finalists ng Your Face Sounds Familiar.

Sina Jolina Magdangal, Maxene Magalona, Karla Estrada, at Tutti Caringal ang apat pang contestants ng kumpetisyon na hindi pinalad na makasama sa final four.

Nagpasalamat si Melai sa kalaban niya sa final two na si Nyoy at sa iba pa nilang mga kasama dahil sa pagtulong ng mga ito sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Thank you very much, Kuya Nyoy.

"Sila talaga ang tumutulong sa ‘kin, ina-advise-an nila ako."

Dagdag pa niya, “Kung akala niyo kumpetisyon ito, hindi ito kumpetisyon, kung hindi pagmamahalan, bonding ito sa amin.

“Kaya it’s a very bonus na ibinigay ito [pagkapanalo ko] ni Papa God sa buhay ko.”

Ano ba ang naging advice sa kanya ng mga kasama niya sa show?

“Ang advice nila sa akin na seryosohin ko daw, huwag laruin, kasi para makita nila talaga na seryoso ako sa ginagawa ko.

“Kahit alam naman nila na seryoso ako, yung mukha ko, parang may pagka-something.

“So, ako, nagpapasalamat ako sa lahat.”

Ano naman ang maipapayo ni Melai sa mga susunod na magiging contestants sa season two ng Your Face Sounds Familiar?

Natatawang sagot niya, “'Di ako maka-advice ngayon kasi shocked pa ako, e.

“Next day na lang ninyo ako tanungin diyan.”


FUTURE PLANS. Hindi ito ang unang pagkakataong nanalo si Melai sa isang reality show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang siya ang big winner ng Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009-2010.

Subalit sinabi ni Melai na mas na-appreciate niya ang Your Face Sounds Familiar kaysa noong PBB.

“Feeling ko, ito, kasi yung PBB, parang first time ko pa [lang] sa showbiz noon, hindi ko pa ma-appreciate.

“Ito talaga yung appreciate na appreciate ko… yung mga sigaw ng tao, na sa PBB, hindi ko marinig yung mga tao.

“Parang char-char lang, pero ngayon, here’s the real world.”

Dahil sa pagkapanalo niyang ito, balak niya bang sundan na ang baby nila ni Jason na si Amelia?

Sagot ni Melai, “Hindi, kasi i-enjoy muna namin si Amelia para hindi siya maging malungkot dahil susundan agad.”

Ano ang plano niya sa napanalunang pera?

“Siguro ang one million, pag-iisipan namin muna, kasi sobrang shocked pa rin ngayon, char lang!

“Hindi, savings ni Amelia, savings naming lahat.”

Isa namang reporter ang pumuri sa kanyang boses. Dahil sa pagkapanalo niya ay may offer na ba sa kanyang mag-record ng album?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawang sagot ni Melai, “Hindi maganda, wag niyo kong char-charin!

“Nanalo lang ako sa char-char ko.

“[Pero] wala pang offer.

“Pero maraming offer na shows, pero wala pang offer na recording, kasi mahiya naman ako sa boses ko, char lang!”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close