KC Concepcion "pretty civil" with ex-boyfriend Piolo Pascual

by Bernie V. Franco
Jun 8, 2015
KC Concepcion on the best thing about having your freedom: "Stress free, you get a relaxed glow & you live a healthier lifestyle!"

Muling nag-entertain si KC Concepcion ng questions mula sa kanyang fans sa Twitter, sa pamamagitan ng #AskKC, nitong Linggo, June 7.

Sa nasabing activity, sinasagot ng aktres ang mga katanungan mula sa kanyang Twitter followers.

Isang follower ang nagtanong kay KC kung magkaibigan na ba sila ng former boyfriend niyang si Piolo Pascual.

Ang maiksi pero diretsang sagot ng actress-TV host: “Pretty civil.”

November 2011 nang aminin ni KC ang paghihiwalay nila ni Piolo matapos ang isang taong relasyon.

Read: KC Concepcion finally admits breakup with Piolo Pascual; refuses to say why

Nito lamang March, sa 20th anniversary ng ASAP, itinanggi ni Piolo ang bali-balitang nagkabalikan sila ni KC.

“No, Kristina and I are okay. [It was] just a thorn off my chest, okey na yun,” sabi ng Kapamilya actor sa interview.

Read: Piolo Pascual denies reconciliation with KC Concepcion

Noong February naman, sinabi ni Piolo sa isang interview na nasulat dito sa PEP na “more than civil” sila ng dating girlfriend.

Continue reading below ↓

Read: Piolo Pascual on relationship with ex-girlfriend KC Concepcion: “More than civil.”

Sa #AskKC, natanong din si KC kung ano ang masasabi niya sa kanyang kaibigan na si Sarah Geronimo, na incidentally ay leading lady ni Piolo sa upcoming movie na The Breaup Playlist.

Tweet ni KC tungkol kay Sarah: “She's blooming & so excited for her to get more independent as time goes by.”


LIFE LESSONS. Nagbahagi rin si KC ng mga advice sa ilang followers.

Isang follower na kaka-debut lang niya ang nagtanong kay KC kung ano ang payo niya rito.

Sagot ng 30-year-old Kapamilya star: “Enjoy life & surround urself w/ ppl who will build u up, not tear u down.”

"@itsAmelie_31: I turned 18 last sunday, any advice ? #AskKC ðŸ˜Â" - Enjoy life & surround urself w/ ppl who will build u up, not tear u down.

— KC Concepcion (@kc_concepcion) June 7, 2015

May nagtanong din kung ano ang sikreto niya para sa isang “beautiful life.”

"@HoneyBanchs: Ano po ba ang sikreto to a beautiful life? #AskKC =)))) @kc_concepcion" - Choose Happiness! And choose your battles wisely.

— KC Concepcion (@kc_concepcion) June 7, 2015

Ibinahagi rin ng aktres kung ano ang masaya sa pagkakaroon ng "freedom."

"@Nurs3G: best thing about having your freedom?" - Stress free, you get a relaxed glow & you live a healthier lifestyle!

— KC Concepcion (@kc_concepcion) June 7, 2015
Read Next
Read More Stories About
KC Concepcion, Piolo Pascual
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
KC Concepcion on the best thing about having your freedom: "Stress free, you get a relaxed glow & you live a healthier lifestyle!"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results