German Moreno gets emotional as he returns to late-night show

Naging emosyunal si German Moreno sa kanyang pagbabalik sa Master Showman ng GMA Network kagabi, June 7. Ito ay matapos ng limang buwang leave of absence ng TV host, sanhi ng dinanas niyang mild stroke noong Enero.


Hindi napigilang mapaluha ni German Moreno, 71, sa kanyang pagbabalik sa GMA late-night talk show na Walang Tulugan With The Master Showman.

Ito ay makalipas ng kanyang limang buwan na leave of absence, sanhi ng dinanas niyang mild stroke noong January 2.

Read: German Moreno suffers mild stroke

Sa June 7 episode ng Master Showman, naging emosyunal si Kuya Germs (palayaw ni German Moreno) nang makita ang matalik na kaibigang si Gloria Romero, na personal na bumisita sa studio upang salubungin ang pagbabalik-telebisyon ng nag-iisang Master Showman.

“Ito ay [iyak na dala ng] tuwa. Love you, Mare!” naluluhang saad ni Kuya Germs pagkatapos nilang mag-beso ni Gloria.

Agad ding napangiti ni Gloria si Kuya Germs sa mga sumunod na tinuran ng beteranang aktres patungkol sa full recovery ng TV host: “Ay, basta, ako natutuwa! Ay, ang gwapo pa lalo!”

Dugtong pa ng 81-year-old actress, “Kayang-kaya niya ‘yan.

“Yes, [the show must go on].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Look at all the people na nagmamahal sa ‘yo. Hindi lang dito, sa buong mundo.

“They miss you. I’m so happy to see you back.”

Sa parte ni Kuya Germs, pinasalamatan niya ang mga kaibigan at manonood na walang sawang sumusuporta at nagdasal para sa kanyang full recovery.

Mapapansing bahagyang hirap pa sa pagsasalita si Kuya Germs, ngunit desidido na itong magbalik-trabaho at muling magbigay ng saya sa mga manonood.

Sabi pa ni Kuya Germs, “At lahat-lahat uulitin ko, ang aking minamahal na Kapuso [family] at ang mga viewers talaga, mula noon hanggang ngayon, thank you.”

Ayon pa kay Gloria, naka-schedule siyang mag-taping para sa teleseryeng The Rich Man’s Daughter, ngunit pinayagan siya ng production team na unahin ang kanyang guest appearance sa Master Showman.

Aniya, “Meron akong taping sa The Rich Man’s Daughter. Mabuti na lang sabi, ‘Dun ka nga kay Kuya Germs.’”

Nakangiting sagot naman ni Kuya Germs, “Alam ko. Thank you, Mareng Glo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close