Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Daniel Padilla reacts to his younger siblings joining showbiz

by Nerisa Almo
Jun 8, 2015
Daniel Padilla quipped about his younger brother JC joining showbiz: “Kung mag-artista siya, e, di magkakampi kami. Sakupin namin ang Pilipinas!"

Ipinaliwanag ni Daniel Padilla kung bakit hindi kasama sa lineup ng guests niya sa kanyang Most Wanted concert ang nakababata niyang kapatid na si JC Padilla.

“Gusto niya yung concert niya, ayaw niya yung hindi siya rockstar,” sabi ng 20-year-old Kapamilya heartthrob sa press conference ng concert niya noong Sabado, June 6.

Bagamat isa ring musician ang kapatid, agad namang nilinaw ni Daniel na hindi sila dapat pagkumparahin.

Pahayag ng Teen King, “Bakit kailangang maging rival?

“Kung mag-artista siya, e, di magkakampi kami.

“Sakupin namin ang Pilipinas... joke lang!”

Sabi pa niya, “Hindi naman artista 'yon, e. Singer 'yon. Ayaw mag-artista nun.”

FUTURE KATHNIEL? Kung gaano kagusto ni Daniel ang pagpasok ng kanyang kapatid na lalaki sa showbiz, ganito naman ang pagtutol niya sa ideya na maging celebrity na rin ang mas nakababatang kapatid na si Carmela.

Nagsimula ito nang maging guest ang eight-year-old na anak ni Karla Estrada sa morning talk show na Kris TV.

Continue reading below ↓

Kasunod nito, nag-post si Kris Aquino ng larawan ni Carmela kasama ang eight-year-old ding anak ng Queen of All Media na si Bimby.

May caption itong: “@carlaford1121 our future #KathNiel Carmela & Bimb ?￰゚メレ? #CarBi”

@carlaford1121 our future #KathNiel Carmela & Bimb 💚💚💚 #CarBi

A photo posted by Kris Aquino (@withlovekrisaquino) onMay 29, 2015 at 7:04am PDT

Para kay Daniel, “Walang masama maging KathNiel.”

Kailan niya papayagan si Carmela na mag-showbiz?

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Natawang sagot ni Daniel, “Kapag 30 na siya!”

Dagdag niya, “Gusto ko saka na siya mag-artista.

"Gusto mag-mature na muna siya 'tapos papasok siya sa showbiz."

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Daniel Padilla quipped about his younger brother JC joining showbiz: “Kung mag-artista siya, e, di magkakampi kami. Sakupin namin ang Pilipinas!"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results