Senator Jinggoy Estrada details how burglar at his QC home ate, stole cash, and pooped before flee attempt

Senator Jinggoy on his reaction upon learning from his eldest daughter about the robbery incident: “I was really shouting na humihingi ako ng saklolo. Kasi wala ako roon, ang pamilya ko lang ang nandoon, ang asawa ko ang nandoon, pati mga anak ko. So they were really helpless, and I was also helpless."


Halu-halong emosyon ang naramdaman ni Senator Jinggoy Estrada dahil sa insidenteng pagnanakaw sa bahay ng kanyang pamilya sa Corinthian Hills, Quezon City, noong Sabado ng madaling araw, June 6.

Kinilala ang isa sa dalawang suspek na si Eric Dalagan na nahuli at naaresto ng pulisya matapos manloob sa bahay ng mga Estrada.

Ikinuwento ni Senator Jinggoy na bandang 3:18 A.M. noong Sabado, dumating sa bahay nila ang misis niyang si Precy Estrada at mga anak mula sa dinaluhang 85th birthday party ng ina ng senador na si Loi Ejercito.

Agad umanong inalerto ni Precy ang kanilang security personnel nang mapansing tila may nakapasok na magnanakaw sa kanilang bahay dahil nakauwang ang pinto sa kuwarto ng anak niyang babae.

Tiyempong tatakas at tatalon pa lamang ang suspek na si Eric sa balkonahe nang naabutan siya ng security guards, habang ang isang hindi pa nakikilalang suspek ay tuluyang nakatakas.

"INSIDE JOB." Ayon pa kay Senator Jinggoy, tila pamilyar sa kanya ang hitsura ni Erik nang makita ang larawan ng suspek.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ni Senator Jinggoy, base sa ulat ng GMA News Online kahapon, June 8: “Do I think it's an inside job, someone guided the suspects? Yes.

“He looks familiar.

“He could be one of those we contracted to do paint job or electrical works so he was able to familiarize himself with our house.”

Napag-alaman din base sa nakalap na CCTV na nagtagal ng apat hanggang limang oras ang dalawang suspek sa bahay ng mga Estrada.

Halos hindi mapaniwalaan ni Senator Jinggoy na nakuha pa ng mga suspek na magbalat at kumain ng mansanas sa kusina.

Kuwento ni Senator Jinggoy, “"He drank juice and peeled an apple. He really felt at home.”

Pagkatapos, nagtungo ang dalawang suspek sa master’s bedroom—kung saan matatagpuan ang opisina ni Precy—upang kunin ang pera at ibang mamahaling gamit na nadatnan nila roon.

EAT, STEAL, POOP, AND RUN? Sa hiwalay na ulat ng Philippine Daily Inquirer kahapon, idinetalye ni Senator Jinggoy ang kawalan ng modo ng mga suspek.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa pagnanakaw, may dumumi pa sa balkonahe ng bahay ng mga Estrada.

Sabi ni Senator Jinggoy, “At hindi lang iyon, doon sa balcony, maraming portions doon sa bahay, pati sa baba na nag-defecate ang suspect.

“Hindi lang isang beses, hindi lang sa balcony.

“The other day, mayroong natagpuan na ano at ang pinangtakip pa doon sa kanyang dumi ay short pants pa ng anak kong bunso.”

Ipinarating sa kanya ang nangyaring pagnanakaw sa kanilang bahay dahil ni Janella, ang panganay niyang anak na babae.

Sa parte niya, wala umanong magawa si Senator Jinggoy na kasalukuyang nakaditena sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City.

Kaugnay ito ng kasong plunder na kinahaharap ni Senator Jinggoy, sanhi ng diumano’y pakikipagsabwatan nito sa tinukoy na pork barrel mastermind na si Janet Lim-Napoles.

Lahad pa ni Senator Jinggoy, “Hindi ko ma-explain ang reaksyon ko.

“I was really shouting na humihingi ako ng saklolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi wala ako roon, ang pamilya ko lang ang nandoon, ang asawa ko ang nandoon, pati mga anak ko.

“So they were really helpless, and I was also helpless.”

Hanggang sa kasalukuyan ay mayroon pa rin umanong “trauma” ang anak niyang babae dahil sa insidenteng pagnanakaw sa kanilang bahay.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close