Aiza Seguerra slams Emgoldex for using him in its false advertisements

Aiza Seguerra reacts to the use of his photographs that are being used to advertise Emgoldex, which has been tagged by Securities and Exchange Commission as a pyramiding scam.


“FYI HINDI NIYO AKO KLIYENTE AT HINDING HINDI KO KAYO INIINDORSO.”

Ito ang mensaheng nais iparating ni Aiza Seguerra sa Emgoldex, na minsan nang inilarawan ng Securities and Exchange Commission (SEC) bilang isang pyramiding scam.

Sa kanyang Instagram account kahapon, June 8, ipinaliwanag ng singer na wala siyang anumang kaugnayan sa nabanggit na brand, na gumagamit ng larawan niya para mahikayat ang publiko na maging kliyente.

Ayon kay Aiza, “Nag-sponsor kayo ng show ko sa Dubai at binigyan niyo ako ng T-shirt at dahil maayos akong tao, nagpasalamat ako at nagpa-picture ako sa inyo."

Pero wala na raw anumang pag-uusap na nangyari pagkatapos noon.

Kaya, ang panawagan ni Aiza sa kanyang Instagram account:

“DO NOT USE ME TO GET PEOPLE TO JOIN YOUR GROUP BECAUSE I AM NOT ENDORSING YOUR GROUP. DO NOT USE FALSE ADVERTISING TO ENTICE PEOPLE TO JOIN YOU. I AM WARNING YOU, DO NOT USE MY NAME.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kanyang ikalawang Instagram post, muling inulit ng 31-year-old singer: “STOP USING MY NAME TO ENTICE PEOPLE TO JOIN YOUR GROUP.

“Ginamit niyo ang walang malisyang photo-op para sa kapakanan ninyo!!!! Mahiya kayo. STOP USING MY NAME!”

Ang Emgoldex ay isang online store para mga gustong bumili at magbenta ng "investment gold bars."

Subalit ayon sa nakaraang ulat ng Bandila, marami nang overseas Filipino workers ang nagreklamo sa SEC laban sa Emgoldex.

Nilinaw rin ng SEC na hindi registered corporation ang Emgoldex.

OTHER CELEBRITIES. Hindi lamang larawan ni Aiza Seguerra ang makikitang ginagamit ng naturang brand para manghikayat ng bagong kliyente.

May larawan din ang Kapuso teen actress na si Krystal Reyes na kuha kasama ang isang miyembro ng brand at sa likod ay ang tarpaulin ng Emgoldex.

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingin ang pahayag ng dalagang actress tungkol dito sa pamamagitan ng GMA Artist Center.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa aming nakausap, hindi miyembro ng Emgoldex si Krystal.

Dagdag pa niya, “The photo was taken during her visit sa shop ni Farrah to pull out shoes.”

Samantala, kabilang din ang larawan ni Ara Mina na nagagamit ngayon para manghikayat na maging miyembro ng Emgoldex.

Nang tanungin ng PEP ang aktres tungkol dito, inamin niya na miyembro siya ng brand sa ilalim ng Team Golden Farrah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Subalit nilinaw niya, “I'm not endorsing Emgoldex, I'm just a client.”

Nabanggit din niya, “So far, ok naman sa 'kin, nabalik money ko.

“May mga tao talaga lang minsan na mapagsamantala especially mga team leader, dun nasisira ang company kasi minsan yung iba tinatakbo na rin daw yung money.

“Kaya dapat trusted mo ang sasalihan mo and yung iba nga nanggagamit ng pics ng mga celebrity.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang din sa celebrities na iniuugnay sa Emgoldex ngayon ay si Jess Lapid at ang kanyang pamilya.

Kinontak na ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pamunuan ng Emgoldex sa pamamagitan ng email para sa kanilang opisyal na pahayag.

Bukas ang website na ito sa reaksiyon ng Emgoldex at mga taong nabanggit sa artikulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close