Jackie Forster responds to estranged son Kobe Paras’s comment on Instagram calling her just "Jackie"

Hindi apektado si Jackie Forster sa pagtawag ng estranged son niyang si Kobe Paras sa kanya bilang "Jackie" lamang. Sinabi rin ng dating aktres na proud siya sa tinamong tagumpay ng anak sa Hungary, kung saan muli itong tinanghal na King of the Slam Dunk sa ginanap na Fiba World under-18 dunk contest.


Pagkatapos ng halos isang buwang pananahimik, naghayag na si Jackie Forster ng kanyang saloobin tungkol sa pagtawag sa kanya ng anak na si Kobe Paras bilang "Jackie" lamang.

Sa kanyang Instagram post kagabi, June 8, sinabi ng estranged wife ni Benjie Paras na hindi niya ininda ang ginawa ng anak.

Sinamahan niya ang post ng larawan ni Kobe noong bata pa lamang ito kung saan akma itong magsu-shoot ng bola sa isang ring.

Sabi nito sa caption, “I may just be Jackie to you and though I can only see you through tags on Facebook, but know that mama will always be proud of you Kobe ♡ I know one day God will replace all this pain we both feel with something wonderful?
#faith
#imissandloveyouandreandkobe

Matatandaang nitong nakaraang Mayo, sa isang komento sa Instagram, tinawag lamang ni Kobe ang ina sa first name nito.

Umalma naman ang ibang netizens at sinabing kawalan ito ng paggalang kay Jackie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Kobe Paras addresses estranged mother Jackie Forster simply as ‘Jackie’


PROUD MAMA. Kasalukuyang nasa bansang Hungary si Kobe para sa Fiba World under-18 Slam Dunk Championship.

Undefeated ang anak sa kategorya nito kaya naman proud na proud si Jackie.

Kakapanganak lang ni Jackie sa kanyang pang-limang anak at nangako ito sa kanyang mga nakaraang posts sa Instagram na pag maayos na ang kanyang kalagayan, ilalahad na nito ang mga nakatagong sikreto sa hiwalayan nila ni Benjie.

Ang panganay nilang anak na si Andre ay isa sa fast-rising stars sa showbiz.

Read: Jackie Forster on estranged sons Andre and Kobe Paras: “It’s too bad that they also don't make a way to come speak to me privately.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close