Matteo Guidicelli on girlfriend Sarah Geronimo: “She’s not my dream girl. She’s my one and only girl.”

Marami ang kinilig sa pahayag ni Matteo Guidicelli na hindi lamang niya dream girl kundi "one and only girl" ang nobyang si Sarah Geronimo. Sa tanong naman kung ang Popstar Princess na ba ang nakikita niyang babaeng pakakasalan, sagot nito, “I want to be in a relationship to find my forever, ‘di ba?”


“She’s not my dream girl. She’s my one and only girl.”

Ito ang nakakakilig na deklarasyon ni Matteo Guidicelli sa tanong kung maituturing ba niyang si Sarah Geronimo ang kanyang dream girl?

Paliwanag pa ng Kapamilya star, “I guess it speaks for itself, ‘di ba? She’s my one and only girl, yun.”

Nitong nakaraang ilang araw, sa panayam sa girlfriend nitong si Sarah, sinabi ng nobya na at the age of 32 niya balak mag-asawa.

Sa ngayon ay 26 years old na si Sarah samantalang 25 naman si Matteo.

Wala pa raw siyang groom, "boyfriend pa lang."

Read: Sarah Geronimo on getting married: “Wala pa akong groom, boyfriend pa lang.”

Siya na ba ang groom na hinahanap ng Popstar Princess?

Nakangiting sagot ni Matteo, “Tingnan po natin. Only God knows. Only God knows.

“We can’t tell the future. Pero sana, if we love something, if we have passion about something, anything is possible.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakikita ba niya ang sariling dadalhin sa altar si Sarah?

Kinikilig na sagot nito, “Sana. Tingnan natin. Sana.”

Dagdag pa nito sa hiwalay na panayam ng media, “Hindi natin alam, e. I mean, I’m praying for the best, I’m wishing for the best.

"But the first people that will know if ever I’m going to get married is my family, ‘di ba?

“So I’m still 25 and siyempre I have my own dream when I will gonna get married. Siyempre, sa akin muna yun.

“Sarah and I are doing very well, very strong right now, and let’s pray everything will go well.”

So, si Sarah na ba talaga?

Diretsong sagot nito, “Sana po. Sana po. Siyempre, I’m in a relationship not just to have fun or just to have a girlfriend.

“I want to be in a relationship to find my forever, ‘di ba?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Matteo sa presscon ng Dreamboys, ang upcoming concert nito kasama sina Daniel Matsunaga at JC de Vera na gaganapin sa Music Museum sa darating na July 11.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(JC, Matteo, and Daniel during Dreamboys presscon. Photo by Noel Orsal.)

Ginanap ang presscon tanghali ng Martes, June 9, sa Jet 7 Bistro, Quezon City.

“I’M NOT USING HER...” Apektado ba siya sa patuloy pa ring pang-iintriga sa kanya na ginagamit lang niya si Sarah para sumikat?

Pagsalungat ng actor, “Hindi naman ako affected dahil alam ko naman na sasabihin nila yun. You can’t please everybody, and they’re going to say that. Everybody can say that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But you know in my heart, I know that I’m not using her or I’m not doing anything like that.”

Ito raw ang nag-udyok sa kanila para hindi maging sobrang public tungkol sa kanilang relasyon, at sana raw ay mas maging okay yung ganung set-up para walang pagdududang ginagamit lang niya ang singer-actress.

Samantala, excited naman si Matteo sa nalalapit na movie nina Sarah at Piolo Pascual.

Kuwento pa niya, “Ayun, very excited ako. Sabi ko kay Piolo, I’m very excited to watch the movie in July.”

Ano naman ang masasabi niya na nag-request daw si Sarah ng kissing scene kay Piolo?

Balewala daw ito sa kanya at masaya pa siya dahil lumalawak na raw ang pananaw ng nobya sa buhay.

Aniya, “Uhm, hindi naman ako nagulat. Ewan ko, naging masaya ako kasi parang she’s growing as a person, ‘di ba?

“She’s growing to be an artist trying some of these things. So whatever she wants to do for her craft so go, ‘di ba? She can make her own decisions.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close