MTRCB places Pangako Sa ‘Yo under “probationary period” after use of foul language in previous episode

Bukod sa self-regulation ng mga taong nasa likod ng Pangako Sa ‘Yo ay pinatawan din ng MTRCB ang primetime teleserye ng probationary period sa loob ng tatlong buwan upang matiyak na hindi na mauulit ang paggamit ng sexual innuendo.


Naglabas na ng desisyon ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) pagkatapos ang “mandatory conference" kasama ang ABS-CBN representatives.

Sa nasabing pagpupulong na naganap nitong Martes, June 9, ay pinag-usapan ang issue tungkol sa sexual innuendo ng isang karakter sa May 29 episode ng primetime teleseryeng pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa Kapamilya Network.

“Yung naging desisyon namin ay base na rin sa pag-amin ng representatives ng programa na may konting pagkukulang at may mga salitang ginamit sa programa na hindi angkop o karapat-dapat sa telebisyon,” ayon kay Attorney Jose Antonio Veloso, MTRCB co-chair of Adjudication Committee, sa panayam ni Ahwel Paz para sa dzMM nitong Martes ng tanghali.

Nagpadala ng sulat na may petsang June 4 ang MTRCB sa top executives ng ABS-CBN upang ipaalam na nakarating sa regulation board ang sekswal na salita na ginamit ng isa sa mga tauhan ng primetime teleserye.

Read: MTRCB summons ABS-CBN execs due to use of foul language in Pangako Sa ‘Yo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa ni Atty. Veloso, makikipagtulungan sila sa mga taong nasa likod ng programa upang magkaroon ng regulasyon at hindi na maulit ang nasabing pagkakamali.

“Hiningi namin sa kanila kung ano yung mga kongkretong hakbang na kanilang gagawin para maiwasan na maulit itong paggamit ng mga salitang ito.”

Sabi pa ni Atty. Veloso, “In any case isa-submit nila ‘yan by June 17, and ito ay magiging bahagi ng aming resolusyon, which will include self-regulation sa part ng programa pag sa tingin nila, maselan yung mga paksa o yung mga tema ng isang episode.

“Sila na mismo ang maglalagay ng strong parental guidance."

Bukod pa rito, isasailalim daw ang programa sa probationary period sa loob ng ilang buwan.

“May probationary period ng three months sa panahon na ‘yan, imo-monitor namin nang mas maigting yung programa and sila rin para magtulungan kami.

"Kung sa tingin nila o sa tingin namin, may maseselan na mga bahagi ng episode, ipapaalam namin ito sa kanila para maiwasan po ang pagkakamali."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close