PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

FIRST READ ON PEP. Queenie Padilla now happily married to non-showbiz guy; joins dad Robin Padilla in Spain for vacation

Queenie a.k.a. Mashel Khadija Mir delays plans of having a baby with non-showbiz husband.
by Rachelle Siazon
Published Mar 10, 2017 | Updated Jun 9, 2015
Ang panganay na anak ni Robin Padilla kay Liezl Sicangco na si Queenie Padilla ay nag-asawa na at kasalukuyang nakabase sa Dubai.

Happily married na sa isang non-showbiz guy si Queenie Padilla na kilala ngayon sa kanyang Muslim name na Mashel Khadija Mir.

Kinumpirma ni Queenie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang 'married' status ngayong araw, June 9, sa pamamagitan ng palitan ng mensahe sa BLOG ng dating Kapamilya actress.

Unang napansin ng PEP ang tungkol sa pagkakaroon ng asawa ni Queenie sa bio nito sa kanyang Instagram, kung saan inilarawan niya ang sarili bilang “wifey.”

Maging sa public account ni Queenie sa Facebook ay makikita sa kanyang profile ang tungkol sa kanyang 'married' status.

Gayunman, tila nais ni Queenie na panatilihing pribado ang tungkol sa kanyang buhay may-asawa, lalo pa’t hindi pa niya ipinapakita ang mukha ng kanyang mister sa mga larawang ipino-post niya sa kanyang BLOG at social media accounts.

Ang tanging ibinahagi niya sa kanyang Facebook followers ay isang throwback couple photo, kung saan parehong nakatalikod si Queenie at ang kanyang napangasawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Queenie sa kanyang FB post noong January 4 ngayong taon, “I still remember that moment like it was yesterday.... ‪#‎hubby ‪#‎nikkah #2012.”

Ang salitang “nikkah,” ayon sa islam.about.com, ay isang legal contract sa pagitan ng bagong kasal sa ilalim ng relihiyong Islam.

Hindi malinaw kung ang eksaktong petsa ng kasal ni Queenie at ng kanyang non-showbiz husband ay Enero ngayong taon o noon pang 2012.

Bunsod nito, ilan sa Facebook followers ni Queenie ang nagtatanong kung “2012’ pa siya kinasal.

Nang tanungin ng PEP kung totoong kasal na siya noon pang 2012, ito ang sagot ni Queenie: "I've been [married] since September 2012."

Sa hiwalay na Facebook post ni Queenie noong March 6, nabanggit niya na wala pa silang planong magkaanak ng kanyang mister na tila halos kasing-edad lang din niya.

Aniya, “I want to enjoy my married life first, grow more as a person, and learn more about Islam before having a baby.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Base pa rin sa Facebook posts ni Queenie ay kasalukuyan siyang nakabase sa Dubai at abala sa paglunsad ng sarili niyang “Muslim clothing line.”

SHOWBIZ LIFE AND LESSONS LEARNED. Noong June 2, inilunsad din ni Queenie ang kanyang BLOG, at ang una niyang entry ay may titulong “Past and Present.”

Dito ay binalikan ng 22-year-old ang kanyang karanasan nang pasukin niya ang mundo ng showbiz.

“Thinking back on my life before deciding on embarking my journey to Islam, I was in fact in cloud 9 on set, escaping into another world and character.

“When I read a script I was like a thrilled kid reading the description of the packaging of a new toy.

“It was music to my ears when I heard the director yell 'action!' but after 'cut!' I was unhappy."

Bagamat nag-enjoy siya nang husto sa kanyang trabaho bilang aktres, inamin ni Queenie na hindi siya kumportable pagdating sa pakikisalamuha sa kapwa-artista at entertainment reporters.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Being an introvert I never did like to socialise or share my whole life on TV.

“But I guess I had to learn to fit in though I detested it.

“It always made me so inarticulate since I was and still a very private person,” pag-amin ni Queenie.

Dumating sa puntong kinuwestiyon daw ni Queenie ang kanyang sarili kung talagang desidido siyang ipagpatuloy ang kanyang showbiz career.

Sa edad niya noong 19, nakadagdag umano sa kanyang kalungkutan ang nangyaring hiwalayan nila ng kanyang boyfriend noong panahong iyon.

Hindi pinangalanan ni Queenie kung sino ang ex-boyfriend niya ngunit hindi kaila sa publiko na nagkaroon sila ng relasyon ni Ejay Falcon.

Lahad ni Queenie, “Months went by, following a deep heartbreak [in which I also take part on the blame, due to the complexity of youthfulness; immaturity and my lack of understanding' just made things worse.]

“I went from being unhappy to being totally lost.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HAPPY AND CONTENT WITH MARRIED LIFE. Ang kanyang karanasan ang siyang nagbigay-daan daw para mahanap ang tunay niyang kasiyahan.

Aniya, “Looking into my life now, nearly 4 years on as a Muslim struggling to practice my religion, I am still happy and until now I never felt the emptiness I felt back then.”

Sa ngayon, kasama ni Queenie ang kanyang ama na si Robin sa pagbabakasyon sa Spain upang mas kilalanin ang "kasaysayan ng mga Muslim" sa naturang bansa.

Base ito sa Instagram post ni Robin ngayong araw, June 9:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang panganay na anak ni Robin Padilla kay Liezl Sicangco na si Queenie Padilla ay nag-asawa na at kasalukuyang nakabase sa Dubai.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results