JC de Vera on reported breakup with LJ Reyes: “Wala pong nangyaring separation.”

Sabi ni JC de Vera, hindi raw sila umabot ni LJ Reyes sa hiwalayan dahil wala namang nangyaring kumpirmasyon na naging sila. Siya rin daw ang nagdesisyon na itigil na muna kung anuman ang namagitan sa kanila.


“Separation? Wala, wala. Wala pong nangyaring separation.”

Ito ang makahulugang sagot ni JC de Vera sa diretsahang tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung mutual ba ang nangyaring separation nila ng napapabalitang girlfriend nitong si LJ Reyes.

Dagdag pa niya, “Actually, hindi talaga napunta dun. Bali-balita lang po [ang hiwalayan]”

Saka ito nagbigay ng maikling paliwanag tungkol sa estado ng anumang namagitan sa kanila.

Aniya, "Well, hindi lang talaga umabot sa ganun.”

Sa hiwalay na panayam ng media, sinabi ni JC na partly, may kanya-kanya silang priorities sa buhay ni LJ na kailangan muna nilang tutukan.

Aniya, “Napunta kami sa stage na, pinag-usapan namin on how to fix things, kung paano yung adjustments, kung paano yung gagawin namin together.

"Pero yun nga, unfortunately hindi kami biniyayaan ng... ayoko namang sabihin na walang time, e...

"Yun nga, like I said, pareho kaming may kanya-kanyang priorities talaga so I think hindi lang talaga siya nag-match.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, ako yung nag-decide to stop.”

Singit na tanong ng isang reporter: To stop the relationship?

Tugon niya, "A, walang-walang confirmation about the relationship.

“Yung part na yun, gusto ko siyang i-keep ng private kasi si LJ napakabait naman na tao yun.

"Ayoko nang dagdagan kung ano pang kahit na issues sa kanya.”

Nakausap ng PEP at iba pang media si JC sa presscon ng upcoming concert nilang Dreamboys kasama sina Matteo Guidicelli at Daniel Matsunaga tanghali ng Martes, June 9.


STILL FRIENDS? Sa hiwalay na panayam ng PEP kay LJ na lumabas ngayong araw din, sinabi nitong sa tingin niya ay magkaibigan pa rin naman sila ni JC.

Ani LJ, “I would like to believe that we are friends still.

“Dahil yun naman talaga kami. Mas focused lang din ako sa maraming bagay.

“Honestly, I am focusing on my relationship with God, with Aki starting big school, busy sched at work plus a new business that I am putting up.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: LJ Reyes on reported breakup with JC de Vera: "...things will never blossom if it is not God’s plan."

Sang-ayon naman dito si JC, pero hindi na raw sila muli pang nagkita simula nung nagkahiwalay ang kanilang landas.

Lahad nito, “Since nung nag-decide ako to stop, hindi na ulit kami nakapagkita yun nga since tumanggap ako ng maraming trabaho.

“I think yun talaga yung path na pupuntahan ko—to focus muna on work and to enjoy kung ano mang meron ako sa career ko ngayon habang tumatagal pa, ‘di ba?

"So yun, sana maging okay pa, just in case na magkita kami [ulit].”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close