John Lloyd Cruz and Angelica Panganiban are “still together” amid split rumor

Kumalat kahapon, June 9, ang balitang nagkakalabuan diumano ang magkasintahang John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban. Ngunit ayon sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) source, mukhang naayos daw ang gusot sa pagitan ng dalawa at okey na raw muli ang kanilang relasyon.


“They’re still together…”

Ito ang bahagi ng maiksing mensahe mula sa mapagkakatiwalaang source na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ngayong tanghali ng Miyerkules, June 10.

May kaugnayan ito sa bali-balitang nagkalabuan na ang magkarelasyong John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban.

“They’re still together daw, ok na,” ang buong mensahe ng PEP source.

Kung susuriing mabuti ang mensahe, mukhang naayos na ang gusot ng dalawa na ayon pa sa bali-balita ay tatlong linggong walang komunikasyon ang dalawa.

Kahapon, June 9, sa kolum ng batikang manunulat at TV host na si Ricky Lo sa Philippine Star, naiulat nitong may nakapagsabi raw sa kanyang tatlong lingo nang hindi nag-uusap ang magkasintahan.

Ayon pa sa kanyang "VDPA (Very Deep Penetration Agent)" na malapit daw sa dalawa, “John Lloyd and Angelica haven’t been talking to each other for three weeks now.

“The same thing happened last year but they were able to patch things up before they got worse. This time, feel ko tuluyan na silang maghihiwalay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala naman daw ibinigay na dahilan ang kanyang source kung ano ang dahilan ng namumuong tensiyon sa magkasintahan.

Laman din ng ilang panulat sa tabloids ngayong araw, June 10, ang diumano’y hiwalayan ng dalawa.

Sa Pilipino Star Ngayon naman, ganito ang nakasulat: “Natuwa ang mga babae na matagal nang nagpapantasya kay John Lloyd Cruz dahil sa balita na malapit na silang maghiwalay ni Angelica Panganiban.”

ANGELICA’S INSTAGRAM POST. Nitong Mayo—base sa mga Instagram posts ni Angelica—mukhang wala namang problema sa kanila ni John Lloyd.

Nag-post pa nga ito ng dubsmash video nila ni John Lloyd, kung saan ang soundbite na ginamit ay hango sa blockbuster film nina Angelica at JM de Guzman na That Thing Called Tadhana.

Sinundan pa ito ng masayang picture nilang dalawa kung saan sinabi niyang nami-miss na niya si John Lloyd.

Walang forever!!! Echos.. Mizzing this guy tho...

A photo posted by Angelica Panganiban (@iamangelicap) onMay 6, 2015 at 7:55pm PDT

Kahapon, dalawang magkasunod na larawan ng pagkain ang ipinost ni Angelica sa kanyang Instagram kung saan naka-tag ang pangalan ni John Loyd (@idan_cruz).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Idan" ang palayaw ni John Lloyd sa mga non-showbiz friends.

Pansit bahay... Merienda o dinner?

A photo posted by Angelica Panganiban (@iamangelicap) onJun 9, 2015 at 12:36am PDT

Bistek 😉 ready na silaaaa!!!

A photo posted by Angelica Panganiban (@iamangelicap) onJun 9, 2015 at 12:37am PDT

Dalawang taon na ang relasyon nina Angelica at John Lloyd na nagsimula noong taong 2012.

PERFECT SUNDAY. Nalantad ang relasyon nila nang maglabas si Angelica sa kanyang Instragam account ng larawan noong Agosto 12, 2012, araw ng Linggo.

May mga nakasulat sa larawan na “Perfect Sunday” at “According to the guy in pink.”

Ang “guy” ay si John Lloyd Cruz na nakasuot ng pink na polo sa isang larawan na bahagi ng photo collage.

Read: Angelica Panganiban posts photo of herself with John Lloyd Cruz on Instagram


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close