(UPDATED) Angelica Panganiban posts photo of herself with John Lloyd Cruz on Instagram

Marami ang naintriga sa larawang nai-post ni Angelica Panganiban sa kanyang Instagram account. Makikita kasi sa naturang larawan na magkasama sila ni John Lloyd Cruz, na nali-link sa kanya ngayon. Kalakip ng larawang ito ay isinulat ni Angelica ang sumusunod: “Welcome, happiness. Joy, pursued. Welcome everyone. Especially those who are smiling out of warmth.”


Bukas na nga ba si Angelica Panganiban sa estado ng kanilang relasyon ni John Lloyd Cruz?

Marami kasi ang naintriga sa inilabas na larawan ni Angelica sa kanyang Instragam account kahapon, Agosto 12, Linggo.

Makikita sa larawan ang mga salitang “Perfect Sunday” at “According to the guy in pink.”

Ang tinutukoy niyang “guy” ay si John Lloyd Cruz na nakasuot ng pink na polo sa isang larawan.

Kumalat na sa blogs at iba pang news websites ang Instagram photo na ito ni Angelica.

Kabilang sa nag-repost ng larawang ito ay ang blogger na si Darla Sauler, isang empleyado ng ABS-CBN.

Ani Darla sa kanyang blog kahapon: "OMG! OMG! OMG! Kinilig ako nang walang halong echos! Angelica Panganiban posted this sa Instagram account niya! With the caption : "Welcome, happiness. Joy, pursued. Welcome everyone. Especially those who are smiling out of warmth." Anuman ang ibig sabihin nito, I am so kilig. And continuous ang prayer ko na maging happy ka na Angge. Ang gandang tingnan grabe! Let’s all welcome the KING and QUEEN of Star Magic pag nagkataon! The most brilliant actor and actress of their generation kung sakali! Bagay na bagay! Please po sana wala nang nega. Let’s just be happy and pray for their happiness also."

May isa pang larawan na inilagay si Angelica sa kanyang Instagram at Twitter accounts. Ito ay pinagsama-samang mga larawan ng tuta, bata, barbecue, at long shot ng dalawang taong nagsu-swimming sa pool.

Nakalagay rin ang mga salitang: “I love Sundays!!! Moment talaga sya!!”

Hula naman ng ilang followers ni Angelica, ang dalawang taong nagsu-swimming ay ang aktres at si John Lloyd:

marissmariss: "That guy is John Lloyd Cruz ?”

hon78: "Yah nahulan ko na yan sa twitter kabisado ko shadow ni JL daming hinihimatay ngayon sa inggit hahahaha go @iamangelicap happy to both of u kakainggit ka heheheheluv luv luv❤❤❤❤❤☺”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

parkeryou: "Sabi na nga ba si JLC yung nasa pool kanina ko pa nanotice. Bagay naman kayo!!!!!”


THE SIGHTINGS. Nagsimulang maugnay sina Angelica at John Lloyd dahil sa pelikulang ginawa nila sa Vietnam para sa 20th anniversary ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN na nagma-manage sa career nila.

Lalo pang umugong ang mga usap-usapan tungkol sa dalawa nang kumpirmahin ni Shaina Magdayao noong Mayo 3 na tinapos na nila ni John Lloyd ang kanilang relasyon.

Gayunman, itinanggi ni Shaina ang pagkakasangkot ni Angelica sa kanilang paghihiwalay ni John Lloyd.

(CLICK HERE for related article.)

Noong Mayo 14, halos dalawang linggo matapos umamin si Shaina, ay inamin naman ni Derek Ramsay na tinapos na nila ni Angelica ang kanilang six-year relationship.

Lumabas din ang pangalan ni John Lloyd bilang third party diumano sa breakup nina Angelica at Derek. Pero pinabulaanan mismo ni Derek ang balitang si John Lloyd ang dahilan ng kanilang paghihiwalay ni Angelica.

(CLICK HERE for related article.)

Sa loob ng Kapamilya network ay alam ding walang kinalaman si John Lloyd sa hiwalayang Derek at Angelica, na matagal na ring may mga isyu sa isat isa na naitatago sa publiko.

Sa kabila nito ay sunud-sunod na ang reports tungkol sa pagkakakita diumano kina John Lloyd at Angelica na magkasama, na nabigyan na ring ng romantic color.

Hunyo 1 nang lumabas ang artikulo sa PEP kung saan sinabi ng ilang mga source na nakita nila si John Lloyd na dumadalaw sa condominium unit ni Angelica sa Quezon City.

(CLICK HERE for related article.)

Sa PEP Alerts noong Hunyo 22 ay nai-report na nakita silang nagdi-dinner sa Goose Station sa Global City, Taguig City.

Hulyo 15 naman nang muli silang makitang magkasama sa Bonifacio Global City sa Taguig.

At ang huli’y noong Hulyo 18, kung saan nakilala na raw ng ilang kamag-anak ni John Lloyd si Angelica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ANGELICA REACTS. Noong Hunyo 11, sa panayam sa kanya ng The Buzz, sinagot ni Angelica ang isyu na nali-link na sa kanya si John Lloyd.

Sabi ng aktres, “Hindi ko naman masisisi ang mga tao kasi puwede nang bigyan ng meaning ngayon.

“Kasi, kung dati siguro ‘to nangyari, hindi naman siya mabibigyan ng meaning, kasi in a relationship ang mga tao noon.

“Ngayon naman, hindi na, so puwede na siyang bigyan ng kulay.

“And hindi ko naman hawak ngayon kung ano ang gusto nilang isipin."

Sinagot din ni Angelica sa naturang panayam ang balitang nakikita sila ni John Lloyd na magkahawak-kamay pa sa mga pampublikong lugar.

Aniya, “Yun ang medyo imposible na talagang mangyari. Hindi na ako yun.

“Hindi ko naman lubos-maisip na gagawin ko yun.

“E, ganoon ang mga tao. Kapag may gusto silang i-push, ipu-push nila.

“Kung doon sila magiging happy, e, I’m happy for them na nakakagawa sila ng mga ganyang klaseng intriga, ganyang klaseng isyu. Nakakabuo sila.

“And kung na-fulfill nila ang happiness nila sa paninira ng ibang tao, then, good, di ba?

“Lahat naman ng bagay may kapalit and naniniwala ako na maganda ang kapalit no’n sa akin.”

(CLICK HERE for related article.)

Gayundin, sa hiwalay na interview, sinabi ng aktres na “naghihintay lang ako” patungkol sa pagiging bukas niya sa mga manliligaw.

(CLICK HERE for related article.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN