Yeng Constantino denies stealing projects from Gonzaga sisters: "I admire Ate Toni and I admire Alex also... Part kami ng isang family."

Yeng Constantino is speaking up against bullying as brand ambassador of Acer laptop, "Ang bullying ay ’di lang sa school, e. Sa buhay rin... sa loob ng bahay, magpipinsan, magkakapatid. It is something na magandang ipaalam ngayon, na mayroon palang ganun and it has to stop.”


Nilinaw ni Yeng Constantino na hindi niya inaagawan ng proyekto ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga.

Pinalitan kasi ni Yeng si Alex sa The Voice Kids bilang host ng nasabing show at si Toni naman ang endorser ng Acer bago kinuha ng nasabing brand ang singer.

“'Di ko naman pinalitan si Ate Toni sa Acer kasi cellphone naman siya, kinuha lang ako sa isang sangay.

“Part kami ng isang family sa The Voice Kids, 'di naman forever mawawala si Alex at si Ate Toni.

"Actually, nadagdag ako sa family, that was how they briefed me nung nandun kami sa meeting.

“At least nawala yung pressure, I don’t like that feeling.

“Kilalang-kilala ninyo ako sa industriya na 'di ako yung type ng performer or artist na mang-a-upstage ng tao, 'di ako ‘yan.

“Ang pinili kong path is to shine in my field and yun pa rin ang plano ko till now.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t wanna step on anybody, I admire Ate Toni and I admire Alex also.

“Happy ako na part kami ng one happy family sa The Voice.”

Kung dati ay kinakabahan at nangangapa pa sa The Voice Kids, ngayon ay mukhang nakasanayan na ni Yeng ang pagiging bagong host ng show.

“Makikita ninyo ang ibang side ni Yeng, makikita ninyo side ko bilang ate at ang pagmamahal ko sa mga bata talaga.

“Yung task talaga na binigay sa akin, walang magulang yung mga bata sa backstage, so that’s the role na binigay sa akin.

“Ang lahat ng compassion at pag-aaruga sa kanila, medyo nakasalalay sa akin. Si Ate Yeng ako dun.”

ANTI-BULLYING. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yeng nung Biyernes, June 5, sa launching niya bilang bagong ambassador ng Acer laptop at composer/singer ng bagong jingle ng brand against bullying, ang “Pull It Off.”

Ayon sa singer, isa ang bullying sa karanasang pinagdadaanan ng karamihan sa mga kabataan natin sa ngayon kung kaya’t dapat itong masugpo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Madami talaga, even we do that.

“Nung pinost namin ang aming ads sa Facebook, nakita namin yung comments ng mga bata, sobrang heartbreaking.

“May mga tao na feeling nila, tama lang ang ginagawa nila na verbal na pagbato ng mga salita.

“Hindi nila alam nakakasira yun ng future. Sabi nila, ‘Salita lang ‘yan, mawawala din ‘yan. Dapat 'di mo damdamin.’

“But words are powerful, you can make or break people through your words.

“You can build them up or bring them down, so piliin mo kung saang bagay mo gagamitin ang salita mo.

"Sa mabuti ba o masama?

“We hope na yung mga words natin are to build up people kasi ganun naman tayo ginawa ng Panginoon.

“Gaya nga ng sinabi ko kanina ang bullying ay 'di lang 'yan sa school, e. Sa buhay rin.

“May nakita nga ako sa Facebook… 'di lang sa school kahit sa loob ng bahay, magpipinsan, magkakapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It is something na magandang ipaalam ngayon, na mayroon palang ganun and it has to stop.”

Ayon pa kay Yeng, siya rin ang sumulat ng jingle ng brand against bullying.

Kuwento niya, “Nakakatuwa nga nung time na sinabi nila sa akin, mineeting nila kami sa Cornerstone, sa talent-management namin.

“They wanted me to write something new na hindi katulad ng mga fast hit songs ko.

“As you can hear it, it’s very pop song, danceable na 'di ko pa talaga na ginagawa in my career.”

ACTING PROJECT. Unang pelikula ni Yeng ang Shift ng Cinema One Originals at bukas daw ito na muling umarte sa tamang proyekto.

Sabi nga niya, “Sana mag-Maalala Mo Kaya naman, yun ang mga gusto ko talaga.

“Nagpaparinig na ako sa management at last year, talagang tinitingnan na namin ang mga stories.

“Napunta kay Angeline [Quinto] yung istorya, nagulat ako kasi payaso yung role.

“‘Oh, my God! Kaya ko ba yun?’ Sige, pass mo na and mas bagay nga yata kay Angeline yung project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naghihintay lang ako ng magandang istorya na tulad ng Shift, yung aming indie film.

“It was really good, bagay sa aming personalidad na talagang napangatawanan ko at nabigyan ko ng buhay yung bida na karakter.

“Yun ang gusto kong mangyari, I want to be wise kung ano ang pipiliin kong karakter.

HAPPILY MARRIED. Pinaniniwalaan sa showbiz na 'pag nag-asawa na ang isang artista o singer ay babababa ang kanyang popularidad.

Pero taliwas ito kay Yeng kung saan hindi lang papaganda ang kanyang showbiz career kundi dumarami ang kanyang iniendorsong produkto.

Bagay na ipinagpapasalamat naman ng singer. Sobra raw yung biyaya na dumating sa buhay niya mula nang dumating sa kanya ang asawa na niya ngayong si Yan Asuncion.

Lahad niya, “Di ko pa rin mapaniwalaan ang mga nangyari sa akin.

“Gusto ko lang talagang yakapin ang lahat ng biyaya na ito.

“And kung ano man ang mangyari in the future, sana ang suporta ng mga sumusuporta sa akin ngayon e ganun pa rin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang tanungin namin kung kailan ba nila balak magkaroon ng anak ni Yan, para sa singer ay prayoridad muna nila ngayon ang kanyang career at business pero bukas sila para rito.

“We will celebrate my 10th year anniversary muna, 'tsaka kami magbe-baby.

“For now business muna 'tsaka career.

“Wala pa kaming naiisip na names pero wish namin is girl. We wish baby girl muna.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close