Ynez Veneracion reveals new love, "Four months pa lang kami, marami pa kaming struggles."

What is the state of Ynez Veneracion’s heart with her new love dancer Sherwin Sarmiento? "Ini-enjoy lang namin yung moment para masaya kami. Pero wala pa akong planong magpakasal," she beams.



May bago na namang pag-ibig ang sexy actress na si Ynez Veneracion, 34.

Ito ay sa katauhan ni Sherwin Sarmiento, 32, isang dancer-choreographer.

Sa katatapos pa lang na 2nd PMPC Invitational Badminton Tournament na ginanap sa Powerplay Bandminton Center noong Linggo, June 7, kasama niya ito at buong hapon siyang hindi iniwanan at binantayan.

Nang magkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makausap ang sexy actress, inalam namin sa kanya ang ilang detalye sa kanilang relasyon.

Bungad ni Ynez, "Ay, bago pa lang kami, four months.

"I had a concert noong February 15…meron akong kinuhang mga backup dancers, yung Speed Dancers, member siya nun.

"'Tapos, 'ayun."

ACCEPTANCE. Tanggap naman daw ni Sherwin kung anuman ang makulay niyang nakaraan pagdating sa buhay pag-ibig.

Ayon kay Ynez, "Makulay din naman ang kanyang past, pareho kami.

"Kung makulay ang past ko, makulay din sa kanya, kaya parang even lang kami.

"Hindi naman namin siya plinano, parang nagka-develop-an lang, parang ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang J. Lo lang ang peg. 'Di ba dati, si J. Lo, dancer din yung naging asawa niya?"

Dugtong pa niya, "Hindi naman siya love at first sight.

"Ito, 'di naman, parang kasi ano...rehearsal-rehearsal, mabait-mabait makisama, 'tapos hayun, naging close din ng kapatid ko.

"Nung una, parang naaano siya, kasi nga artista ako, 'tapos siya dancer lang daw."

Hindi nga naman daw naging problema sa kanya kung ano man ang kaibahan ng estado nila sa buhay.

Aniya, "Kasi nga ako, 'di naman sa... na kailangang politician ang boyfriend mo o kailangang mayaman, kailangang ganito.

"Ako naman, masipag lang, okey na kasi 'di mo naman kailangang bilhin ang happiness.

"Kapag masaya ka, then masaya ka. Asikaso naman niya ako, in fairness."

APPREHENSION. May agam-agam nga lang daw siya kay Sherwin.

Sabi pa ng sexy actress, "Hindi ko nga alam, kung kakayanin niya ang lifestyle ko.

"Siyempre, celebrity nga, 'tapos kapag may mga nanliligaw, 'pag may pumuporma, 'di ko alam kung kakayanin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"In fairness naman sa kanya, guwapo din naman siya, mabait, at sinusuportahan ako sa lahat ng mga ginagawa ko.

"Siya din naman, marami ding lumalapit sa kanya, marami din siyang admirers lalo na dancer siya, marami ding fans.

"So yun lang, maraming temptations on both sides, nasa amin na kung paano namin lalabanan yun. Bahala na lang kami, trust na lang din sa isa't isa ang kailangan."

Hindi naman daw kaila sa kanyang kasintahan na meron siyang anak na babae na apat na taong gulang na ngayon.

Anak niya ito, diumano kay Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu.

Giit ni Ynez. "Super-tanggap niya, close nga silang dalawa, e.

"Pero siyempre, four months pa lang kami, marami pa kaming struggles, 'di ba?

"Meron pa kaming trust issues, so we'll see kung hanggang kelan kami tatagal."

TOO SOON TO MARRY. Dagdag pa niya, "Sobrang close sila ng anak ako kasi siyempre, ako yung sobrang disciplinarian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kapag nagagalit ako, siya ang takbuhan. 'Tito Sherwin, Tito Sherwin.'

"Siya yung umaamo, siya yung...mahinahon kasi 'yan, mahilig sa bata.

"Love talaga siya ng anak ko."

Hindi rin daw sikreto sa kanya, na meron ding anak si Sherwin sa nauna nitong naging karelasyon.

Aniya, "Meron din kasi siya, meron siyang anak na lalaki't babae.

"Yung anak niyang lalaki, seven years old, 'tapos yung babae, eleven 'ata.

"So tanggap ko yun, tanggap din niya yung sa akin. Hindi naman kami kasal on both sides.

"Ngayon, parang ini-enjoy lang namin yung moment para masaya kami.

"Pero wala pa akong planong magpakasal."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close