Derrick Monasterio not worried about lack of projects at GMA-7, "Hindi naman po ako lilipat... bahala na po sila.”

Derrick Monasterio is also not concerned that his tandem with Barbie Forteza was nipped in the bud despite their growing supporters. “Kasi ang talagang leading man niya ay si Andre [Paras]," he explains, and also because Derrick is eyeing a non-showbiz girl as his loveteam for real.


Buwan ng March nang pumunta sa U.S. si Derrick Monasterio para magbakasyon at nitong May lang siya nakabalik sa Pilipinas..

Dahil matagal siyang nawala, pinatay tuloy ang character niya sa afternoon series ng GMA na The Half Sisters kung saan co-stars niya sina Barbie Forteza, Thea Tolentino, at Andre Paras.

“Nagpaalam naman po ako, pero originally yung The Half Sisters, four months lang po siya, e,” pahayag ni Derrick sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Na-extend nang na-extend. E, nakapagpa-book na po kami, mahal magpa-cancel [ng plane ticket].”

Ilang beses na ngang na-extend ang teleserye at ayon sa kanya, “Nakapanghinayang, pero masyado na rin pong mahaba ang itinagal, e.”

Komento pa ni Derrick, “Kumbaga, nakakapagod na rin.”

ANDRE-BARBIE. Bakit naman napahaba ang bakasyon niya sa U.S.?

“Iyon po kasi ang original na plano namin at last year pa kami nagpa-book, kasama ang mom at kapatid ko,” paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sayang ang nabuong tandem nila ni Barbie na DerBie, 'di ba?

“Oo nga po, e. Dumami rin ang fans at supporters namin.

“E, from the start naman po, parang hindi naman po ako talaga ang mismong inila-loveteam kay Barbie.

“Kasi ang talagang leading man niya ay si Andre [Paras].

“Parang nagkaroon lang ng love triangle sa story.

“Hindi sa akin kundi kay Andre talaga si Barbie [sa istorya].”

SPECIAL GIRL. Iba ang ngiti ni Derrick nang matanong naman namin tungkol sa nauugnay sa kanya na non-showbiz girl sa ngayon.

Mas okey ba na hindi artista ang kanyang special someone?

“Opo. Sobrang mas okey.”

Naipakilala na raw niya ang nabanggit na girl sa mommy niya at boto naman daw ito.

“Commercial model po siya at the same time, estudyante po siya sa Miriam College.

“Pero hindi pa naman po gano’n ka-serious yung sa aming dalawa. Dating pa lang naman.”

MOVING OUT? May tsismis na nagpaplano raw siyang lumipat sa ibang network, totoo ba ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi po, wala namang nababanggit sa akin ang manager ko kung tungkol sa offer ng ibang network.

“Pero mag-i-expire na po ang contract ko this year. Sa pagkakaalam ko, sa September.”

May plano ba siyang mag-renew ng kontrata sa GMA o looking forward siya na makalipat sa ibang network?

“Hindi ko pa po alam, depende po sa mga kaganapan.”

Ang mommy niyang si Tina Monasterio ay nagpahayag kamakailan na kung ito ang masusunod ay sa ABS-CBN nito gustong lumipat si Derrick.

“Basta kung ano po… kung wala namang nakaplano sa akin [ang GMA], e di i-try natin yung ibang opportunity.”

Nakipag-meeting na ba siya sa management ng Kapuso Network tungkol sa kung ano na ang plano para sa kanya?

“Hindi pa po, pero hindi naman po ako lilipat, mag-i-expire lang po ang kontrata ko.”

One month na mula nang makabalik siya sa Pilipinas, pero wala pa rin siyang bagong project na gagawin sa Kapuso Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ewan ko po sa kanila,” sabay ngiti na lang ni Derrick.

“Ipinagkakatiwala ko po sa kanila ang career ko, so bahala na po sila.”

MOVIE PROJECTS. Nanatiling isa si Derrick sa mainstays ng Vampire Ang Daddy Ko na pinagbibidahan ni Vic Sotto, pero hindi naman produced ng GMA ito kundi ng M-ZET TV production.

“Sa ngayon, gusto ko po sana makagawa ako ng mga pelikula,” sunod na nasabi niya.

“At saka… maging leading man, yung first choice talaga.”

Ready na ba siya sa mature roles?

“Puwede po.”

Yung medyo sexy?

“Okey lang po.”

Maganda na nga ang built ng kanyang katawan ngayon. Hunk na ang dating niya. Go na rin kaya siya para sa Cosmo Bash kung sakali?

“Puwede po. Twenty na naman po ako.”

Tatlo ang pelikulang nakatakdang simulan ni Derrick. Isa na rito ay ang Babaylan kung saan makakasama niya si Winwyn Marquez at Nikki Valdez na ididirehe ni Allan Mariano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Yung isa pang movie, Sa Isang Iglap ang title pero hindi pa raw final kung sino ang ibang nasa cast. Ikatlo naman ay ang Tres Marias na wala pa ring final cast.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close