PEP EXCLUSIVE: Jennylyn Mercado on status of relationship with Dennis Trillo: "Friendship. Yun lang muna sa ngayon."

Jennylyn Mercado on rumored reconciliation with Dennis Trillo: “Ayoko pang mag-comment about it. Sa ngayon talaga yun ang mao­-offer ko. Sa pagiging sobrang busy ng ganap ko talaga ngayon, hanggang dun na lang muna.”


Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita si Jennylyn Mercado, 28, tungkol sa napapabalitang pagbabalikan nila ng dating nobyo niyang si Dennis Trillo, 34.

Inamin ni Jennylyn na may mga pagkakataong nagkikita sila ni Dennis; ngunit nilinaw ng dalaga na hindi pa higit sa pagiging magkaibigan ang estado ng relasyon nila ngayon.

“Nakita n'yo naman ang sinabi [ni Dennis]—friendship! O, wala na,” natatawang bungad ni Jennylyn.

Ang tinutukoy ni Jennylyn ay ang naunang pahayag ni Dennis na nanumbalik ang pagkakaibigan nila pagpasok ng taong 2015.

READ: Dennis Trillo admits rekindled friendship with Jennylyn Mercado; mum about rumored reconciliation

SIGHTINGS WITH DENNIS. Ngayong Miyerkules, June 10, eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jennylyn sa soft opening ng pag-­aari niyang spa, salon, at boutique, ang Fit and Form Club.

Dito ay inusisa ng PEP ang tungkol sa pagkikita nila ni Dennis sa Balesin Island Club noong nakaraang Holy Week.

Ayon kay Jennylyn, totoong magkasama sila doon ng binata pero hindi ibig sabihin ay may namamagitan na sa kanila na higit sa pagkakaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakita naman nila ang dami naming magkakasama.

“So, nakita nila yung situwasyon namin na nakuhanan kami ng picture na hindi nga kami magkadikit, magkahiwalay lang, madami pa kaming mga kausap,” natatawang balik-­tanaw ni Jennylyn.

Nasundan pa ang paglabas nina Jennylyn at Dennis na namataang magkasamang nanonood ng UFC Fight Night sa SM MOA Arena noong May 16.

READ: Jennylyn Mercado, Dennis Trillo spotted on a date at UFC Fight Night

Komento ni Jennylyn hinggil dito: “Oo, nakita n'yo naman UFC pa!

“'Di ba, kung [romantic] date yun, sana fine dining? Hindi. UFC, 'di ba? Suntukan talaga...”

Tanong ng PEP, hindi ba mas magandang pundasyon ng isang relasyon na pareho sila ng kinahihiligang sports?

Sagot ni Jennylyn, "'Di ba, nagdyu-jiu-jitsu ako matagal na?

"Kumbaga 'yan yung isa sa mga dream ko, e. Yung makapanood nang live UFC.

"Kasi mahirap naman [kung] pupunta ka pa ng Las Vegas. [Kasi] dun sila madalas [magkaroon ng UFC Fight Night].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, happy ako na may kasama akong mahilig sa UFC."

Sa kabila ng pag-­iwas ni Jennylyn tungkol sa diumano'y pagkakamabutihan nila ni Dennis, kapansin­-pansin na masaya ang aura ng aktres at panay ang tawa pagdating sa usaping may kinalaman sa aktor.

Hiningan din ng PEP ng reaksiyon si Jennylyn tungkol sa pahayag ni Dennis na mas nag­-mature at naging “buo ang pagkatao” ng aktres kumpara noong magkarelasyon pa sila.

Nakangiting sagot ni Jennylyn, “Talaga nga naman.

"Hindi ko alam. E, siguro kung yun ang pananaw niya, e, di maganda.”

Sa parte niya, matagal munang nag­-isip si Jennylyn bago maingat na inilarawan ang mga pagbabagong napansin niya kay Dennis sa tuwing nagkakasama sila.

“Lahat ng pagkatao niya...

“Ever since mabait naman talaga yun.

“So, gano'n pa rin siya,” simpleng saad ng Kapuso actress.

Bagamat hindi niya tuluyang sinasara ang pintuan sa posibilidad na magkabalikan sila ni Dennis, ipinaliwanag ni Jennylyn na hindi niya prayoridad ang pumasok sa isang relasyon sa ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko sure [possibility of rekindling romantic relationship].

“Ayoko pang mag-comment about it.

“Sa ngayon talaga yun ang mao-o­-offer ko.

“Sa pagiging sobrang busy ng ganap ko talaga ngayon hanggang dun na lang muna.”

Ganunpaman, bukas naman ang Kapuso actress na magpatuloy ang magandang pagkakaibigan nila ni Dennis.

“Oo, kumbaga, friendship, yun lang muna sa ngayon.”

DEN-JEN SUPPORTERS. Sa kabilang banda, natutuwa si Jennylyn sa kaalamang maraming “Den-Jen” fans ang boto na magkabalikan sila ni Dennis.

Base na rin ito sa feedback ng kani-kanilang followers sa Instagram.

“Hindi ko alam, pero maraming nagta­-tag sa akin sa Instagram.

“Kahit mga pinakaluma­lumaang mga litrato naming dalawa.

“Kahit nung nagte-­taping pa lang kami ng Gumapang Sa Lusak.

“Ewan ko kung saang baul nila hinalungkat yun pero nakakatuwa na merong mga supporters,” nakangiting saad ni Jennylyn.

Sa huli, pinabulaanan ni Jennylyn ang espekulasyon ng Den-Jen fans na si Dennis ang kumukuha ng magagandang Instagram photos ng aktres nitong mga nakaraang linggo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tulad halimbawa ng kuha niya habang lumalangoy sa swimming pool at pati na rin yung nagluluto siya ng umagahan sa kusina.

Base sa komento ng Instagram followers ni Jen, naniniwala silang si Dennis ang kumukuha ng mga larawan ng aktres, lalo pa't kilala ang huli na mahilig sa pag-post ng curated Instagram photos.

Paglilinaw ni Jennylyn ukol dito, “Ay, hindi! Ako ang nag-anggulo ng camera [dun sa underwater shot].

"Nag­-utos lang ako ng tao na 'Kuya, ganitong anggulo ha?'

“Tapos yung sa kusina, sa bahay yun. Malamang si yaya yun o si kuya...”

😍

A photo posted by Jennylyn Mercado (@mercadojenny) onJun 4, 2015 at 9:17pm PDT

Natatawang ipinagmalaki pa ni Jennylyn na bukod sa marunong siyang magluto ay sadyang magaling lang siyang kumuha ng Instagram photos.

“Nag­-enrol nga ako sa culinary school 'di ba? Nag Henry Sison ako.

“Yung eye ko talaga sa ganun magaling,” nakangiting pagtatapos niya.

Good Morning! 😊 Cooking with Love Provides food for the soul.

A photo posted by Jennylyn Mercado (@mercadojenny) onMay 28, 2015 at 5:24pm PDT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close