Iya Villania is the new host of “Chika Minute” on 24 Oras

Following the resignation of Pia Guanio as the segment host of “Chika Minute” on 24 Oras, GMA News and Public Affairs has officially named Iya Villania as Pia’s replacement.


Opisyal nang inanunsiyo na si Iya Villania na ang bagong segment host ng “Chika Minute,” ang entertainment segment ng news and public affairs program ng GMA Network, ang 24 Oras.

Ginawa ang announcement kaninang tanghali, June 11, sa isang press conference na ginanap sa GMA Compound sa Quezon City.

Si Iya ang kapalit ni Pia Guanio na nagsilbing host ng “Chika Minute” sa loob ng 11 years at nagbitiw upang mag-focus sa kanyang pamilya.

Sisimulan ni Iya ang kanyang hosting stint simula ngayong Lunes, June 15.

Bago ang pagkakapili kay Iya, iba’t ibang female celebrities—sina Julie Ann San Jose, Megan Young, Luanne Dy, at Venus Raj—ang nag-pinch hit para kay Pia.

Sa nasabing presscon, sinabi ng isa sa mga production staff ng programa na may tinatayang 15 ang kinunsidera bago napili si Iya.

“She really fit the bill in ‘Chika Minute.’

“Nung time na nagpaalam si Pia, we went out there to look for somebody na wala sa mold ni Pia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iba na ang direksiyon ng ‘Chika Minute,’ ang hinahanap namin somebody fun, somebody active, different para magkaroon ng ibang spin ang ‘Chika Minute.’”

Kuwento naman ni Iya, noong panahon ng audition, nakipag-ugnayan na siya kay Pia upang tanungin kung ano ang kailangan niyang tandaan kung sakaling mapili siya.

“I was scared at first. I wasn’t quite sure what I was getting myself into, that’s why I got in touch with Pia coz I wasn’t sure pa nga nung time pa no’n.

“But in case I was considered, I got in touch with her and I wanted to know how the experience was—ano yung scope of work, what would be expected of me.

“Nakakaaliw din na of all the other girls, who also auditioned for the part, sa akin napunta.

"So I’m glad that there has been positive feedback from my audition, and I’m glad also that GMA news is embracing me and my quirkiness.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PIA’S ADVICE. Malaking advantage daw kay Iya na may karanasan na siya sa hosting.

“It definitely worked for me. Mas madali for me to be at ease with myself as I host because dun nga din ako komportable,” ani Iya sa interview.

Comfort zone raw niya ang hosting pero willing daw siya na gumawa pa ng ibang proyekto gawa ng teleserye.

“Siyempre kung may light soap diyan, willing din naman ako.”

Ano naman kaya ang sinabi sa kanya ni Pia nung nag-usap sila?

“She told me, ‘Iya, there was a reason why I stayed for it for 11 years,’ coz she really enjoyed her time with GMA News,” lahad ni Iya.

“She just told me to have fun. It’s nice to know that she’ll always be there so if I have any encounter na kailangan ko ng advice o tulong, I’ll be able to ask her.”

Sabi pa ng actress-host, crucial sa kanya ang unang dalawang linggo ng kanyang bagong trabaho para makapag-adjust.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko nga matapos ang two weeks ko para makapag-settle in ako kasi yung first week ko, parang feeling ko, yun ang kaba, pressure, at hawk eyes ng mga tao na parang waiting for me to make a mistake.”

“Nung una kasi, kinabahan talaga ako, lalo na kasi kasama siya sa hard news.

“Parang natakot ako na baka kailangan kong maging stiff, manigas ako diyan,” sabi ng asawa ni Drew Arellano.

Sanay raw kasi si Iya sa energetic na pagho-host.

“Hindi ako puwede sa walang energy kasi parang sumasabog lang ako,” natatawa niyang pahayag.

“Nung una natakot ako and when I was doing it, si Sir Mike [Enriquez] naman he was encouraging pa nga, ‘Sige, sige gawin mo pa ‘yan.

“Ms. Mel [Tiangco], kumekembot-kembot pa ako nang konti, sabi niya, ‘I dare you,’ Ay, hinahamon ako.

“Pero siyempre, 'di ko pa ginagawa kasi wala pa ako sa lugar.

“Bigyan mo ako ng two months,” natatawang pahayag ni Iya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close