Mayor Joseph Estrada chosen as principal sponsor in Toni Gonzaga and Paul Soriano’s wedding

Ayon kay Manila Mayor Joseph "Erap" Estrada, hindi siya nagdalawang-isip na maging bahagi ng wedding entourage nina Toni Gonzaga at Paul Soriano. Nakatrabaho ng alkalde at dating pangulo si Toni sa pelikula noong 2009.


Kinumpirma ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na isa siya sa napiling principal sponsors sa kasal nina Toni Gonzaga at Paul Soriano na gaganapin sa Taytay United Methodist Church bukas, June 12.

“Oo, and I gladly accepted it.

“Nagkasama kami ni Toni sa pelikula, e,” pahayag ni Mayor Erap, base sa ulat ng ABS-CBN News Online noong June 9.

Matatandaang gumanap si Mayor Erap bilang istriktong ama ni Toni sa pelikulang Ang Tanging Pamilya noong 2009.

Kaugnay sa kasalang magaganap, pinayuhan ni Mayor Erap sina Toni at Paul na panatilihing matatag ang pundasyon ng kanilang samahan, sa hirap man o ginhawa.

Base umano sa personal na karanasan ng alkalde, hindi niya iniwan ang kanyang maybahay at dating senadora na si Loi Ejercito sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan nila.

Nagbibirong saad pa ni Mayor Erap, “Sabi ko nga, joke ko nung birthday ni Doktora Loi [Ejercito].

“Sinabi ko roon, ‘I am the king of exes—ex-movie actor, ex-mayor of San Juan, ex-senator, ex-vice president, ex-president, and ex-convict!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But my dearest wife Loi, I will never be your ex-husband.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close