Directors Jun Lana and Perci Intalan plan to adopt a baby next year

Masaya raw ang mag-partner na sina Perci Intalan at Jun Lana, na parehong direktor, dahil marami raw proyektong ginagawa ang kanilang one-year-old company.


Nagpaplano raw na mag-adopt ng baby ang gay couple at award-winning directors na sina Jun Lana at Perci Intalan.

Pero baka sa susunod na taon na raw dahil busy pa sila sa maraming proyekto na ginagawa ng pagma-may-ari nilang kumpanya—ang The Idea First Company.

Kuwento ni Direk Perci, “Meron, napag-usapan namin. Yung oras lang talaga ngayon.

“Kailangang tumatakbo muna na auto-pilot muna yung kumpanya dahil isa sa amin ay kailangan nakatutok.

“Eventually, hindi naman sa walang time, wala namang time frame, pero puwede pa naman 'yan kahit na older.”

Saad naman ni Direk Jun, “Siguro next year.”

Hindi pa rin naman daw sila kumunsulta sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) tungkol sa pag-a-adopt.

Sabi ng dating TV5 executive na si Perci, “Hindi pa. Parang yung pagpapakasal namin, hindi rin naman pinlano yun. Bigla na lang na, ‘Gawin na natin.’

“Within a few months, hindi namin seryosong pinag-uusapan, bigla na lang dumating at yun na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang ikinasal sina Perci at Jun noong nakaraang October 14, 2015, sa Bethesda Fountain, Central Park, sa New York.

Ang kanilang union ay kasabay na rin ng celebration nila ng kanilang 10-year partnership.

Read: TV5 executive Perci Intalan marries director Jun Lana in New York

FIRST BABY. Sa ngayon, magpo-focus daw muna ang dalawa sa kanilang first baby—ang The IdeaFirst Company.

Isang taon pa lamang mula nang ito ay kanilang itinatag ngunit malalaking proyekto na raw ang nagawa at pinamahalaan ng kanilang production company.

Kabilang na rito ang pelikulang Anino sa Likod ng Buwan, Dementia, at mga segments ng on-air repackaging ng Disney Channel.

Sila rin ang gumawa sa trade launch ng Eat Bulaga! nitong nakaraang Pebrero.

At ngayong Hulyo, mapapanood na sa TV5 ang LolaBasyang.com at #ParangNormalActivity, na parehong gawa ng kanilang production house.

Bukod pa rito, hinahanda na rin nila—katuwang ang Unitel Productions—ang sinasabing make-or-break movie ni Paolo Ballesteros na Die Beautiful.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ba ang mga advantages nila na mga dating network executives at ngayon ay mga independent business owners na?

Sabi ni Perci, “Ako producer, siya [Jun] sa creatives, so dun pa lang malinaw na kung sa'n kami naka-focus.

“Siya ang gumagawa ng istorya, siya ang nagma-manage ng creative team, experience ni Jun talaga yun, ginagawa niya yun sa GMA with a big team.

“Ako naman sa production. Ako yung nagpapatakbo ng production, yung management team, even yung mga taxes, mga ganyan. ‘Yan ang toka ko.

“So, I guess if there’s a training na nakatulong, yun ‘yan e, yung matagal na naming ginagawa yung trabahong ito for the networks.

"Ngayon, nagagawa namin habang nagsisimula pa lang yung kumpanya namin.”

Si Jun naman ay nag-resign na sa GMA bilang head ng creative team noong December 2014.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close